Conflict 3- Nerd no More

101K 1.5K 503
                                    

(Adrian's POV)


Di maalis ang tingin ko sa salamin. Ako na ba talaga to? Ilang ulit ko na ring pinagsasampal ang sarili ko habang nakaupo sa couch hawak-hawak ang ipinahiram na salamin saakin.

"Ang weird mo. Bakit ba kanina ka pa tumitingin sa salamin?" Tanong saakin nung babaeng may ari ng bahay habang dala-dala ang tray na may Juice at Sandwich.

Di ko sya sinagot. Tuloy lang ako sa pag titig ng sarili ko sa salamin. 

Di ko alam na posible ngang magbago ako! WEEEEEEEEE~! Ang saya-saya talaga!

"Uh. Ano palang pangalan mo at bakit nasa gitna ka ng daan sa ganitong oras. Alas Quatro ng madaling araw?" Tanong nya uli saakin.

"Uh. Kasi. . Nahulog ako sa tulay tapos. Argh!" Naalala ko bigla na may tama pala ako ng baril.

"Napano ka? Teka! Dugo ba yan?" Nagulat sya at nabitawan ang baso na hawak-hawak."Teka tatawag ako sa hospital." Dali-dali nyang kinuha ang phone nya at nag dial.. "Hello? Uh. May lalaki po dito saamin. May tama ng baril. Uh. Classic homes, Pilar Village po.  Ok sige po. Thank you." Binaba nya na ang phone.. "Tinawagan ko na yung medical Center malapit dito. Haaay nako. Di mo naman sinabi na may tama ka pala." Tila dismayado sya.

"Nakalimutan ko rin kasi eh. Pasensya na.

"Nakalimutan? That's not a matter to be forgotten.*sigh* by the way, kaya mo pa ba?

"Uh. Oo kaya ko pa."

"Paano ka ba kasi napunta dito? Taga saan ka ba?"

"Jan lang ako malapit sa Teresa Park" Tinuro ko kung saang direksyon.

"E paano ka nakapunta rito? At pano ka nakapasok dito sa village? Walang bang Guard sa labas?

"Di ko na namalayan eh. Basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad tapos nakita kong bukas ang pinto ng bahay nyo."

"Akala ko pa naman todo bantay sila dito sa Classic Homes. Pabaya naman pala! Hmp!"

"Teka. Ano nga palang pangalan mo?" I asked.

"I'm Hillary." She offers a handshake. "Ikaw?"

"Uh. Adri—" Aabutin ko palang sana ang kamay nya nang biglang sumakit ang ulo ko.

"Huh? Ayos ka lang?" Medyo nagpanic sya.

"Oo. Oo. Ayos lang ako."

Ilang sandali pa, narinig na namin ang sirena ng Ambulansya. Sinakay na nila ako at dinala sa Hospital.


Teka. . .  

Sinong magbabayad at pupunta para pick-apin ako?


Sa Hospital

"Er. . . Miss! Pwede po bang magamit ang telepono nyo?" Tanong ko sa nurse habang nakahiga ako sa kama at may naka turok na dextrose saakin.

"Opo. Kaso nasa baba pa po eh. Kaya nyo na po bang tumayo?

Di ba dapat sya ang nakakaalam kung pwede na akong tumayo? -____-

"Uh. . . Oo. Sa tingin ko kaya ko naman na." I said.

Inalalayan nya ako pababa ng room. Buti nalang alam ko ang landline nila Sam kaya tinawagan ko agad sya.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon