Chapter 19

28K 606 169
                                    

Ano feeling niyo pag MONDAY? Para sa akin nakakatamad. hahaha. Well. Himala at di ako late ngayon dahil kung may ma late may fine na 150 pesos. May fine dahil negosyo yan ng PDF namin sa Grand fair.

Grandfair na. Yung iba busy na sa sariling booths nila at stalls. Pwede din pumasok ang mga taga outsiders para benta at ma-enjoy lalo ang school year.

Ngayon andito kami sa lobby. Dito kami nakapwesto. Yung photographer namin eh ang class president. Ngayon day namin para magbantay sa booth. Kung tatanungin niyo kung san si Yoona andoon sa mga rides. Sana mahilo yun sa kasasakay.

"ah. Pam, pwede favor?" tanong ni class pres.

"ano iyon?"

"bili ka nalang ng pagkain natin. snacks lang. hehe. pasama ka nalang kina bruno at Mars."

Tumango nalang ako at sumunod si bruno at mars sakin.

"GOTCHAAAAAAAA! Nahuli na natin ang may sala!" sigaw ni...Paul? Si paul ka batch ko siya pero nasa section C siya.

"Ha? A-nong sabi mo?!" gulat na tanong ko. Nabigla naman ako, Bigla nalang sumusulpot sa harapan ko!

"sabi ko nahuli na namin ang may sala! bingi ka ba?!" sarcastic na sabi ni Paul.

anong......Naknam! Bat ako nakaposas! Anong pakulo ng booth nila!

"hoy! ano ba paul. tanggalin mo nga tong posas sa kamay ko. bibili pa ako ng pagkain namin." tiningnan ko sila bruno at mars.

"Pam. kami nalang ang bibili. Isasabi nalang rin namin kay Jen( class president) na may kaso ka pang haharapin!" tapos tumakbo na silang dalawa. ano ba to! iniwan nila ako dito, huhu

"TARA NA! SUMAMA KA NA!" sabi ni paul at tinulak tulak niya ako.

"Ano ba! Saan yung susi nito? ayoko nito. huhuhu!" pag iinarte ko.

AVENGERS HELP ME!

"Nilunok ko na!"

Abnormal talaga tong paul na to. Pengeng walis. Papalo ko lang sa pwet nito.

"baliw ka paul!"

"Wow girl! nawala na pala yung braces mo? nabawasan na rin ang,,,"

"sige paul ituloy mo! baka itong posas ipapalunok ko sayo pag natanggal to! teka.. bakla ka ba?" sabi ko.

Nagulat naman si paul sa sinabi ko. "anong bakla? ako bakla? hah!" sabi niya at nag pogi pose at inayos niya ang buhok niya na parang pina suave style.

"Kung maka girl ka kasi eh!"

"Halikan pa kita eh!"

"Ang paa ko paul ang halikan mo. !"

"abnormal ka pam! Halika na." tapos dumiretso kami sa booth nila. Jail booth pala ang sa section C. Ipinasok na nila ako sa room nila. isasara na sana ni paul yung room ng pinigilan ko..

"uy paul. susuhulan kita ng pera. tanggalin mo tung posas sa kamay ko at palayain mo na ako. huhuhu!" pagmamakaawa ko.

"ayoko nga noh! mayaman naman ako eh!"

"Yabang mo talaga!" tapos BANG isinara nga yung pinto. haaaaaay 30mins lang. Makakalaya rin ako dito.

"Boring naman dito! hoy paul! palabasin mo na ako. huhu!" sigaw ko.

"huwag ka ngang maingay. natutulog yung tao dito eh.!" nang dahil sa nagsalita napalundag ang kaluluwa ko. bigla bigla nalang may nagsasalita!

tiningnan ko nalang kung sino...

Book 1(Part 1):The Nerdy Princess REVENGE!!! (Completed)Where stories live. Discover now