Tumikhim si Dominic para agawin ang atensiyon naming lahat. "Nga pala, Vernice is having a baby. Magiging tatay na ako. Isn't that great?" masayang anunsyo ni Dominic.

Namilog ang mga mata namin ni Casper. Magkakapamangkin na kami? Aba, masaya 'yon! Masayang nakipagkuwentuhan sa amin si Dominic. Sweet na sweet din ito sa kaniyang asawa. Ito pa nga ang nagsasalin ng pagkain sa plato nito, ito rin ang tigasalin ng tubig sa baso ni Vernice. Vernice smiled, but she didn't spoke a word.

Tapos na kaming kumain. Saglit na inilibot namin ang dalawa sa buong bakuran at loob ng bahay. Matapos 'yon ay nagsimula ng magpaalam si Dominic sa amin. "Thanks for the food and all, we're leaving---"

"Wait," putol ni Vernice. "Where's the comfort room? Puwede mo ba akong samahan?" anito sa akin.

Napatitig pa ako rito ng ilang saglit. "S-Sige." Wow, so close na pala talaga kami.

Sinamahan ko ito papunta sa banyo ng bahay. Iiwan ko na sana ito nang maihatid ko siya roon, ngunit bigla na lang ako nitong hinaltak papasok sa loob ng banyo. Then she started whispering alien words, hindi ko maintindihan. Sunod ay ang grabeng pagsakit ng ulo ko.

Biglang nanlabo ang paningin ko, nanlambot din ang tuhod ko kaya kinailangan kong humawak sa dingding para sa suporta. Matapos ang ilang saglit ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Medyo nanlalalabo pa rin ang paningin ko at medyo masakit pa rin ang ulo ko.

Vernice's blurry hand was pointing at me. Her long nails shortened, and it wasn't polished anymore. Laking gulat ko nang pag-angat ko ng tingin sa mukha nito ay mukha ko ang nakita ko. I screamed loudly, pero naagapan nito ang bibig ko at tinakpan niya iyon ng mariin.

Nawala na ang sakit ng ulo ko, pati na rin ang panlalabo ng mga mata ko kaya kitang-kita kong ako na ang nasa harap ko. It's me wearing Vernice's clothes. Niluwagan nito ang pagkakatakip ng bibig ko nang mapansin niyang medyo kumalma na ako.

Nang mapasulyap ako sa salamin sa gilid ay mas lalo akong nataranta dahil ako na si Vernice. We exchanged bodies! Titili na naman dapat ako ngunit napigilan 'yon ng dumapo ang mabigat na kamay ni Vernice sa mukha ko. She slapped me real hard. "Will you stop that! Para kang tanga!" inis na wika nito.

Tumayo ako saka ko sinubukang tumakas palabas ng pinto pero mahigpit na hinawakan nito ang kamay ko. Natatakot ako, hindi ko siya kaya dahil boxer siya. "A-Ano'ng--- B-Bakit nagkapalit t-tayo ng hitsura?"

"Calm down. Please Rica, kailangan ko ng tulong mo. I need you to pretend to be me," she cried.

Napailing ako. "Bakit ko kailangang gawin 'yon? No, Vernice! Ibalik mo ang katawan ko!"

"Boba! Gusto mo bang sapakin na naman kita?" inis na tugon nito. "Katawan mo pa rin 'yan. I just swapped your physical appearance with mine. Please Rica, I really need your help. Kailangan kong makalayo kay Dmitri, hindi siya ang ama ng dinadala ko. Papatayin niya ako kapag nalaman niya, please? Ayaw kong matulad sa'yo."

"W-What?" I stuttered. "Imposible 'yan Vernice. Kung hindi siya ang ama, sino? At saka anong matulad sa akin?"

"Puwede bang 'wag ka nang maraming tanong, Rica? N'ong gabi na nawala ako sa engagement party, oo kinabukasan hindi ko maalala kung ano ang nangyari. Naalala ko lang ang lahat n'ong sumunod na araw. I started dreaming about it. Dominic insisted that I was with another man, nakita mo kung paano niya ako sinaktan. Alam mo na siguro na mas malala ang gagawin niya sa akin kapag nalaman niyang nadungisan ako ng ibang lalaki at nagbunga pa iyon."

"Ibig sabihin, kailangan kong magpanggap na ikaw? Paano kung halikan niya ako, paano kung yayain niya akong makipag---"

"No, no. Hindi niya gagawin 'yon. Alam niyang hindi ko pa siya napapatawad ng lubusan mula nang saktan niya ako. I'm still giving him the cold treatment that's why he's not bothering me about anything. He'll be sweet to you because I'm pregnant, I promise."

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now