CHAPTER 119 : INTERHIGH

Mulai dari awal
                                    

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Bumilis ang tibok ng puso ko at lalong umugong ang bulungan sa paligid ko..

"Did you hear that!?"

"Hindi daw sya Moon!"

"OMG! This is unbelievable!"

"Kung ganon.. sino sya?!"

"Pano nalaman ni Gonza?!"

"Oh e ano naman kung hindi Moon ang idol namin!?"

"Stupid! That means she tricked us!"

"She deceived us.."

"OMG.."

Inis akong tumingin kay Gonza.

"Saan mo naman yan nakuha!?" inis na tanong ko.

"Wag mo ng alamin kung kanino.."

"Tss.. at nakakasiguro ka namang tama ang nalaman mo?"

"Siguro.. dahil matagal ka na nilang kilala!"

Napaisip ako sa sinabi nya at sa tingin ko ay hindi ako nagkakamali sa naiisip ko..

Sila Mallyu at Yago.. Tss..

"Oh e ano naman ngayon sayo kung hindi ako Moon?!" tanong ko. Hindi sya nakasagot. Tinignan ko sya ng masama at pilit kong binabasa ang reaksyon nya sa mukha. "Sino ka ba sa akala mo para ganituhin ako?? May ginawa ba ako sayo?!"

"Dahil pinaikot mo ko!"

"Pinaikot?! Anong pinaikot ang sinasabi mo dyan!?"

"Dahil hindi mo sinabi saking may kuneksyon ka sa mga Moon!"

"Tss.. nag-iisip ka ba?! Sa tingin mo ba ay magkukusa akong sabihin sayo!? Anong gusto mong gawin ko?? Ang lumapit sayo at sabihing 'Hoy, Moon ako!' Wow.. Kung hindi mo kilala ang mga Moon baka isipin mo pang baliw ako dahil buwan ang tinutukoy ko.. Anong malay ko kung bakit ganyan ang takbo ng isip mo!? Bakit kasi hindi mo na lang muna ugaliing magtanong bago ka magwala gaya nyang ginagawa mo!" hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw!

"OMG.. they're really arguing.."

"What happened?!"

"They're arguing.. and guess what?!"

"What!?"

"Hindi tunay na Moon si Taguro!"

"What?!"

"Shes adopted!"

"What!? Oh my gawwdd.."

WTF???

Inis akong nilingon yung mga nasa tagiliran ko at tinaasan lang nila ako ng kilay!

Ang mga nag-aartihang estudyante ng BIS!

Imbentor ang king ina..

"Kaya naman pala ang datingan mo ay hindi tulad ng datingan nila?! Kasi hindi ka naman pala nakikitira sa bahay nila?! At.. pinalayas ka pa?! Hahahahahahahahah! Tang*nang buhay yan.. BORING!" sarkastikong sigaw pa ni Gonza! "Balita ko rin ay.. dati kang binubully sa school na 'to?! Kung anu-anong klase ng pambubully ang inabot mo pagkalipat mo dito at hindi mahihinto yun kung hindi nila malalamang isa kang Moon!? Hahahahahaha!"

"Kanino mo naman nalaman yan?" tanong ko pero tumawa lang sya!

"Hahahahahaha! Siguro sawang sawa ka na sa mga pinaggagagawa nila sayo kaya naman sinakyan mo na lang ang mga Moon!? Sinabi mo na lang na Moon ka rin para tigilan ka na ng mga nambubully sayo!"

HE'S INTO HER Season 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang