CHAPTER 119 : INTERHIGH

Start from the beginning
                                    

"Sila Aimee at Abby!?" tanong nya at tumango naman ako. "A-Ano bang problema ni Gonza?! Bakit ginanon ka nya?!"

"Nalaman nya yung tungkol sakin.."

"A-Anong tungkol s-sayo??"

"Na hindi ako tunay na Moon.." sagot ko at nagulat sya.. Bukod sa kanya ay nagulat ang iba pang mga kasamahan nya.

"W-We can talk in private if you w-want to.." biglang mahinang usal ni Sensui pero bahagyang nginitian ko lang sya.

"It's okay.. alam na rin naman nila.." pilit ang ngiting sagot ko. "And besides.. hindi ko naman kinakahiya yun kung malaman ng lahat.. Hindi ko lng talaga ugaling magkwento ng tungkol sa buhay ko ng kusa.." huminga ulit ako ng malalim at saka nagtulog sa pagsaslita. "Lumapit sakin si Gonza kahapon at walang tigil na pinagtututulak ako habang nagbubunganga sa pagmumukha ko.. Alam na daw nya kung bakit hindi ko masabi'ng Moon ako---dahil hindi naman daw pala ako tunay na myembro ng pamilya'ng Moon.." ngumisi ako habang nakatingin sa kawalan. "Ang tanga nya lang dahil---magtatanong tanong rin lang sya, hindi nya man lang kinumpleto ang detalye nya.. Tss.." saka ako tumingin sa lahat ng nandon at bahagyang ngumiti. "Anak ako sa labas ng Daddy ko.. half-siblings lang ako nila Maxrill at Maxwell.. Hindi ako anak ni Maze.. Si Maze ang Nanay nila Maxwell at Maxrill at ako lang naiibang Nanay.." nakangiting dagdag ko at bumakas sa mga mukha nila ang pagkabigla bukod kay Naih. "Hindi ko kilala ang Nanay ko.. tulad ng sinabi ni Gonza.."

"I-Ibig mong sabihin.. tama si Gonza?!" tanong ni Migz.

"Mali sya.." sagot ko habang nakatingin ng deretso sa kanya. At saka ko muling inalala ang nangyari kahapon..

~FLASHBACK~

"Maxpein!"

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa Canteen nung marinig ko ang isang pamilyar na boses.. Dahan dahan ko naman syang nilingon..

SI GONZA.

"Oh?" sagot ko.

Hindi naman agad sya sumagot at bahagya na muna syang lumapit sakin. Pinagpag ang balikat ko at saka ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Kilala na kita.." nakangising dagdag nya. "Kilalang kilala na kita.."

"Oh e ano namang maitutulong nun sa pagkatao mo?" nakangisi ring sagot ko at ramdam kong nainis sya! Tinulak nya ako!

Gulat akong tinignan sya pero bakas sa mukha nya ang galit!

Anong nangyayari dito!?

"OMG.. what are they doing?!"

"Are they arguing?!"

"Do they know each other?"

"What the heck!? E di ba may gusto yang si Gonza kay Maxpein?!"

"Oo nga.."

"Ano nang nangyari!?"

"Oo nga.. mukhang nag-aaway sila e.."

Dinig na dinig ko pa ang bulungan nung mga students sa paligid ko kaya naman bumuntong-hininga ako at bahagyang inayos ang sarili ko.

"A-Ano bang nanagyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?!" inis na tanong ko sa mahinang paraan.

"Galit ako sayo.. Sa inyo! Sa buong pamilya mo!"

"Tss.."

"Ang kaso.. hindi ka naman pala Moon!"

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now