LIFE?

193 8 7
                                    

Matagal na po ito nakalagay sa drafts ko. Last summer pa po ata. Ngayon lang napost. Natripan lang. :)

--

L-I-F-E ?

Buhay? Ano nga ba ibig sabihin niyan?

May ibig sabihin nga ba ang salitang yan?

Buhay?

Kaya mo bang mabuhay? Mabuhay ng magisa lang?

Mabuhay ng tahimik?

Mabuhay ng walang problema?

Mabuhay ng masaya?

Mabuhay ng payapa?

Mabuhay ng walang paghihirap?

Sa buhay ng tao, magulo.

Maraming ups and downs. Kumplikado lahat. Maraming drama. Maraming arte. At kung ano ano pa.

Madaming pasikot sikot. Hindi pwedeng iisang kalsada lang ang dadaanan mo. Maraming likuan. Maraming daanan. Hindi pwedeng pabalik balik ka lang.

Sa bawat dadaanan mo, marami kang makikilala. Pwedeng, mabait, pwedeng masama, pwedeng gagamitin ka lang, o napadaan lang sa isang chapter ng istorya mo para tuturuan ka lang sa buhay.

Sa panahon ngayon, dapat mautak ka. Hindi pwede ang mga uto-uto ngayon. MAHIRAP MAGTIWALA SA PANAHON NGAYON.

Kaya kung ako sayo, magisip isip kana.

Pero sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga sakit, bigat, sama ng loob, o kung ano man, nakukuha pa rin natin ngumiti.

BAKIT?

HINDI PAGPAPANGGAP ANG TAWAG DUN. Yun lang ang paraan natin para ipakitang, OKAY LANG TAYO.

Na kaya natin LAHAT NG PROBLEMA. Na kahit magisa ka lang o may karamay ka sa problema, kakayanin mo lahat.

Kahit may mga problema pa yan. NGITI LANG. DAHIL KAILANGAN.

HINDI PWEDENG MABUHAY KA NANG PUNO NG PROBLEMA.

Hindi lang ikaw ang may problema, dude. Lahat tayo may kanya kanyang problema. WAG KANG MAKASARILI.

Wag mong sarilinin lahat ng problema mo. Kaya mo yan. Kakayanin. Hanggat humihinga ka. May pag-asa. :)

MAGTIWALA KA LANG!

--

ENJOY YOUR LIFE, DUDE. :)

The truth behind those bullshit. [Orig]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon