"Babae."

Napasinghap ito. "Babae? You mean, girl?"

Tumango siya at sumimsim sa bote na kaaabot lang ng bartender. "Yes."

"Hey, this is impossible! I should treat you tonight. Damn it, I can't believe this."

Napatingin siya kay Mandy at kumunot ang noo. Ganoon na ba siya kasama para hindi mamroblema sa isang babae? Well, well, well, first time niya talagang masaktan. Kung sakit bang maituturing ang nararamdaman niya ngayon.

Mandy was one of his few friends. Ito lang ang babaeng kaibigan niya dahil ito lang ang hindi attracted sa kaguwapuhan niya. Panatag siya rito na hindi nito ginagamit ang pagkakaibigan nila para lang mapalapit sa kanya.

"You're funny. Ano ba ang ginagawa mo rito sa probinsiya? Hindi ka bagay rito," biro niya.

Inirapan siya nito. "Am I not welcome here? You're hurting my feelings, Axer. Bakit ikaw, nandito? Hindi rin naman bagay ang isang Axer Lance Wilson sa isla."

"Because I have my reason and that reason is to make her fall for me."

"Ang korni mo! Ganyan ba talaga ang nagagawa ng love? Nasaan ba ang babaeng iyan nang makaliskisan?"

"Nasa bahay niya, and mind you, she's different from the women who became my girlfriends."

"Baka flings. Not girlfriends," depensa nito. She emphasized the letter "s" in "girlfriends."

"Yes, flings. You're right." Never nga pala niyang itinuring na girlfriend ang mga naging babae niya.

"Bakit hindi natin siya puntahan? I don't like to see you like that. Hindi bagay sa iyo ang magmukmok nang dahil lang sa babae. Come on, Axer, get up!"

Hinila siya nito palabas ng bar. Pareho silang pagiwang-giwang maglakad dahil mukhang lasing na rin si Mandy.

"Ako na ang magda-drive," prisinta nito.

Ibinigay niya ang susi ng Lamborghini niya at pumasok na ito sa passenger seat.

"I like this car," manghang wika nito nang mag-umpisa nang magmaneho nang mabilis. Hindi siya nag-seat belt kaya medyo aware siya sa mabilis na pagmamaneho nito.

"Fuck! Drive slowly, Mandy! Gusto ko pang mabuhay. Tiyak na marami ang iiyak na babae kapag nawala ako sa mundo. Hindi pa kumakalat ang genes ko, gusto mo na akong patayin agad," sita niya sa kaibigan.

Si Hillary, iiyak ba kapag nawala siya? Siguro hindi dahil hindi naman siya gusto ng babae.

"Don't worry, Axer, you have all the time in the world to spread your genes. Mag-seat belt ka, darling." Nag-uumpisa na naman itong tumawag ng kung ano-anong endearment.

Hanggang sa gumigiwang na ang sasakyan kaya... "Mandy!"

Naramdaman na lang ni Axer ang malakas na impact sa kanyang katawan. Bumangga lang naman kasi sila sa poste ng Meralco dahil sa magaling na driver niya.

"Hey, are you all right? Hey!"

Of course, okay pa siya. Gumagana pa ang utak niya dahil hindi naman malakas ang paglipad ng katawan niya sa windshield.

But he felt something on his arms and shoulder.

"Yeah, I'm all right. Y-you okay?" tanong niya habang sapo-sapo ang balikat na nasaktan. Nag-aalala siya baka kasi nasaktan din si Mandy. Kahit naka-seat belt ito, hindi naman ibig sabihin n'on ay hindi na ito masasaktan.

Tumango ito at siya naman ay napangiwi. Pakiramdam niya ay may nabali na kung ano sa balikat o sa braso niya. "Ouch! Ouch, fuck!" he groaned.

Hindi alam ng babae kung hahawakan siya o hindi dahil mukhang nag-panic ito nang malaman na nasaktan siya.

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now