"Yeah," tipid na sagot ni Axer at nagtakip ng bibig o ilong ba o mata?

Sigurado siya na ang suot nitong white sando ay magiging kulay-dirty white na mamaya. Naka-summer shorts pa ito and flip-flops. Simpleng-simple lang ang suot nito at common na iyon sa lugar pero mamaya ay matutunaw ito sa titig ng mga tao. Sigurado siya roon, dahil siya nga ay hindi maialis ang tingin dito.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Axer at nagsalita. "Alam kong guwapo ako."

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! Nahalata nito na sinusuri niya ang hitsura nito.

Hindi na sana papansinin ni Hillary ang lalaki kaya lang ay naawa siya nang bumahing ito. Siguro dahil salo nito lahat ng alikabok dahil ito ang nasa bungad ng tricycle at siya ay nasa pinakaloob. Kinuha niya ang panyo sa bag at iniabot dito.

"Here, use this to cover your face." Yes, face talaga.

"I'm o—" Naputol ang sasabihin nito nang muli na naman itong bumahing.

"I told you, hindi ka kasi nakikinig. Humarap ka nga rito, Axer," sermon niya at hinawi nang bahagya ang balikat nito para mapaharap sa kanya. Naaawa kasi siya. Halata naman kasi na hindi ito sanay sa alikabok.

Inilayo niya nang bahagya ang mukha nang humarap ito sa kanya kasi isang uga na lang ay magdadampi na ang mga labi nila. Siya na mismo ang nagtakip sa mukha nito gamit ang panyong hawak.

"I can't breathe," reklamo nito. Napapadiin kasi ang pagtakip niya tuwing dadaan sila sa malubak na kalsada.

Hinawakan ni Axer ang kamay niyang nasa mukha nito para siguro matantiya ang tamang pagtakip lang sa ilong nito para makahinga ito nang maayos.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating din sila sa wakas sa pupuntahan nila.

"One hundred pesos, Miss," sagot ng driver nang tanungin niya kung magkano ang pamasahe.

"Ito ho." Agad na nag-abot ng isanlibo si Axer.

"Sir, wala po akong pamalit diyan," tanggi ng driver.

"Keep the change. Tara na." At hinila na siya nito papasok sa mall.

Kumibot-kibot ang mga labi ni Hillary nang halos ubusin na si Axer sa tingin ng mga babaeng nadadaanan nila. Ang sarap nitong suotan ng helmet para lang matakpan ang mukha nito at hindi na titigan ng mga babae at binabae.

Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. "What's the problem? Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakalunok ka rin ng maraming alikabok?" tanong nito.

Hinatak niya ang kamay mula rito at nauna nang maglakad. Ayaw niya itong kasabay kasi naiirita siya sa mga babaeng tumitingin dito.

"Wait, sweetheart. Bakit ang sungit mo? May monthly period ka ba?"

Yes, meron nga siya kaya siguro masungit siya. "Yes, kaya huwag kang makulit kundi iiwan kita rito."

"Gusto mo, mawala iyan?"

Gusto sana niya hanggang maaari kasi may dysmenorrhea siya. "Paano ba mawala ito?" maang na tanong niya.

Bakit ba kasi may menstruation pa ang mga girls? Hindi ba puwedeng 'yong mga boys na lang?

"Okay lang ba sa iyo kahit nine months kang walang monthly period?"

Kung siya ang tatanungin ay okay na okay sa kanya iyon. Tumango siya bilang sagot.

Lumapit si Axer sa kanya at bumulong. "After ng period mo, uumpisahan ko na ang nine months na walang monthly period na request mo, okay?"

Tumango-tango uli si Hillary na akala mo totoong mawawala ang menstruation nang siyam na buwan unless mabuntis siya.

Mabuntis?

EHS 3: His Sweetest Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن