"Hindi naman ibig sabihin na nakita mo na siyang hubad ay may nangyari na."  Kalmado kong sinabi.  "Sige na Kara, sabihin mo na sa'kin kung anong nagustuhan mo kay Dustin?"
 
Nagbuntong hininga siya na para bang suko na sa kakulitan ko, hanggang sa sagutin na niya ang tanong.

"Well, he's cute, nice, sweet and loving parang si Owen."  Seryoso siyang natigilan sa pagsasalita at ilang saglit pa'y tumulo na ang kaniyang luha.  Agad ko siyang inabutan ng tissue.

"Owen was your late boyfriend right?  Na-mention 'yon sa akin ni Dustin."  Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.  "The reason you fell for Dustin ay dahil nakikita mo sa kaniya si Owen, tama ako 'di ba?  Pero si Dustin ay si Dustin.  At si Owen ay si Owen.  Magkaiba tao silang dalawa."

"She's right."  Sabat ng isang babae na agad lumapit kay Kara.  "Are you alright hija?"

"Yes Ma."  Tugon ng maluha-luha pang si Kara.  Mommy na pala niya itong dumating.

"Sorry kung ngayon lang ako.  I met with Dustin before I came here at nagmakaawa siyang sabihan kita na tigilan mo na silang dalawa ng girlfriend niya.  Alam ko na ito dati pero nagbulag-bulagan lang ako.  You don't love Dustin.  Ang totoong mahal mo ay si Owen na kamukha at kaugali ni Dustin.  Anak, patawarin mo 'ko kung dahil sa'kin ay lalong naging mahirap para sa'yo na kalimutan si Owen.  But you have to stop all of this.  Kung nakita mo lang kung gaano umiyak at nagmakaawa sa'kin si Dustin, you will understand how she really loves his girlfriend.  Parang awa mo na anak.  Pakawalan mo na si Dustin, dahil hindi ka rin naman magiging masaya kung ipipilit mo ang sarili mo sa kaniya."

"Tama ma Ma, please."  Sigaw ni Kara sa Mommy niya.

"Bata ka pa anak, marami ka pang taong makikilala.  Humanap ka ng taong mamahalin ka ng buong-buo, hindi 'yong lalaking may iba nang mahal." Sambit ng Mommy ni Kara sabay hawak sa ulo ng anak na walang tigil ang pag-iyak. 

Hindi ko mapigilang maawa kay Kara dahil iniwan na siya ng taong kaniyang pinakamamahal.  Mula ngayon ay isasama ko na siya sa mga panalangin ko, na sana tulad ko ay maging maligaya din siya at makatagpo ng lalaking mamahalin niya at mamahalin siya ng tapat.

Makalipas ang isang linggo ay muli kaming nagkita ni Kara.  Nagkasalubong lang kami sa Mall dahil namimili ako ng damit kasama si Dustin at kasama naman niya si...  Faith? Magkakilala pala sila?

Ilang saglit pa ay biglang dumating ang Mommy ni Kara na kasama rin pala nila.

"Dustin hijo?"

"Hi, Mrs. Williams, kayo pala."  Bati ni Dustin sa Mommy ni Kara. 

"Magandang araw po Ma'am."  Bati ko rin.

"Hindi ba ikaw 'yong tumulong sa anak ko no'ng nasagi siya ng motor last week?"  Napatingin si Madam sa mga braso kong nakakapit sa braso ni Dustin.  "Wait, you are Dustin's girlfriend?"

"Opo."

"Nandito po kami para bumili ng damit na isusuot niya bukas pagpunta niya sa bahay.  Because I will introduce her to my family."  Pahayag ni Dustin na biglang napatingin ng seryoso kay Kara.

"Jen, can we talk for a moment?" Biglang sinabi ni Kara.

"Bakit mo siya—" Aapila sana si Dustin pero hindi na niya nagawa no'ng pigilan ko. 

Lumayo muna kami ni Kara at nag-usap, pagkatapos ay umalis na rin sila agad.

"Anong sinabi sa'yo ni Kara?"  Tanong ni Dustin habang kami'y nasa biyahe.

"Ang sabi niya ay lilipad na daw sila ng Mommy niya pabalik ng London.  At sorry daw sa lahat ng nagawa niya. Sana raw ay mapatawad mo siya." Sagot ko.

"Talaga?  I'm glad to hear that.  Wala naman siyang dapat ipag-alala eh, dahil napatawad ko na siya."

"Oo, 'yon din ang sinabi ko sa kaniya."  Sabi ko saka tumitig ng husto kay Dustin.  May mga sinabi pa sa'kin si Kara pero sinarili ko na lang.

"By the way, 'yong about sa sinabi ko sa'yo na may nangyari sa amin ni Dustin, hindi totoo 'yon.  I just saw him topless once no'ng nagpatulong ako sa kaniya na linisin ang apartment ko.  Actually, sa loob ng three months na naging kami, he didn't even kiss me.  'Yon ang totoo Jen, kaya napakasuwerte mo sa kaniya."

"I love you beh." Sabi ko matapos kong halikan si Dustin sa pisngi habang abala siya sa pagmamaneho.  Kinuha naman niya ang kamay ko saka hinalikan.

"I love you more."



Faith

Pag-uwi ay dumiretso agad ako sa aking kuwarto kung saan, lahat ng mahawakan ko ay pinaghahagis ko hanggang sa masira.  Flower vase, libro, computer, picture frame at kung anu-ano pa.  Wala rin akong tigil sa pagsigaw habang nagwawala.

"Sis what's going on?"  Tanong ni Freedom na agad sumugod dito na marahil ay nabulahaw sa ingay ko.

"Si Jen, kailan ba siya maglalaho sa eksena.  Sagutin mo 'ko Freedom, kailan!"

"I don't know." Sagot ng kapatid ko na halatang dismayado sa aking inaasal.  "Ikaw Ate, kailan ka titigil sa paghabol kay Dustin?  Kailan mo mare-realize na si Jen at mahal niya at hindi ikaw."  Hinigit niya ang magkabila kong braso.  "Please Ate, just let him go.  Patuloy ka lang masasaktan sa ginagawa mo eh.  At ayokong nakikita kang nasasaktan.  Tama na Ate, please."

"No!  Kung kaya ko lang, eh 'di sana matagal ko nang ginawa.  Kaso hindi eh.  Mahal ko siya Freedom.  MAHAL NA MAHAL KO SIYA!"  Paulit-ulit ko mang sabihing tama na ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mahalin si Dustin.

Balita ko ay tanggap na ni Tito Junnie si Jen bilang girlfriend ni Dustin.  Bad news iyon para sa'kin at dahil doon ay mas mahihirapan akong mapaghiwalay sila.  Kung wala lang sana si Jen, ay wala sana akong problema.  Sana mawala na lang ang babaeng 'yon!

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon