Chapter 8

76.7K 2.3K 105
                                    

Jennifer

Last day na ngayon ng klase at masaya 'ko dahil nagawa kong lusutan ang unang taon ko sa college. At dahil summer break na ay naisipan kong maghanap nang mapapasukang trabaho para naman may magawa ako habang bakasyon and at the same time ay kumita.  Through online lang ako nag-submit ng resume sa mga hiring na company at hoping na sana ay matawagan agad ako for interview.

Pagbaba ng bulding ay agad nang nag-paalam si Aika sa akin.  Mukha namang okay na siya after no'ng break-up nila ni Philip.  Nag-beso muna kami bago siya tuluyang umalis.

Ako naman, as usual ay diresto na sa spot kung saan ako susunduin ni Dustin.  Nakakamangha na lagi siyang may libreng oras para sunduin ako.  Tiyak na isa iyon sa bagay hahanap-hanapin ko, sa oras na umalis na siya.

Medyo malapit na ako sa meeting place namin ni Dustin nang bigla akong mapahinto sa paglalakad.  May narinig kasi akong ingay, na agad kong inalam kung saan nanggaling.  Lubos akong nabigla nang makita ang classmate kong si Zac na pinagutulungang bugbugin ng apat na lalaki.

Walang katao-tao sa paligid kaya wala rin akong mahingan ng tulong.  Kawawa naman si Zac!

"Hoy, tama na 'yan!"  Sigaw ko, dahilan upang tumingin silang lahat sa akin, including Zac.

Nagtinginan lang 'yong apat na lalaking nambubugbog kay Zac, hanggang sa nag-salita ang isa sa kanila.

"Sa susunod na makita ulit kitang umaaligid kay Karen, paglalamayan ka na."  Pagkatapos sabihin 'yon ay umalis na sila.

"Zac okay ka lang?"  Nag-aalala kong tanong kay Zac na ngayon ay nakahandusay sa lupa.

"Mukha ba 'kong okay?"  Hirit naman niya.

"Sino ba si Karen?"

"Girlfriend no'ng naka-black."  Sagot niya.  'Yong naka-black ay 'yong taong nagbanta sa kaniya.  "Pero mukhang hindi yata siya na inform na tinantanan ko na ang girlfriend niya."

"Pero pinormahan mo in the first place?"  Sabi ko habang nakataas ang kilay. 

"Aaminin kong oo, gano'n kasi ako kapag may natipuhang babae.  Pinopormahan ko kahit taken na.  Pero promise, tinigilan ko na talaga si Karen."

"Okay, sinabi mo eh."  Sabi ko at inaalalayan na siyang tumayo.  "Kailangang matingnan ang mga bugbog mo, kaya pumunta ka sa clinic."

"Puwede mo ba 'kong samahan?"  Request niya na pinagbigyan ko na dahil mukha ngang hindi niya kayang mag-isa.  Nag-text naman muna ako kay Dustin at sinabi ritong male-late ako ng kaunti dahil kailangan kong pa munang samahan si Zac sa clinic. 

Dustin Villaverde

Pasado alas tres na ng hapon at nagtataka ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Jen dito sa spot kung saan ko siya palaging sinusundo.  Hindi ko naman siya matawagan dahil namatay na ang battery ng phone ko.  Maya-maya pa ay may narinig akong nagsalita sa aking gilid.

"Dustin?  Ikaw si Dustin di ba, 'yong boyfriend ni Jen?"  Classmate pala ni Jen itong nagsalita.  Isa siya sa mga groupmates ni Jen sa report nila.

"Yeah, do you know where she is?"  Tanong ko pero hindi naman daw niya alam kung nasaan na si Jen.  "Can I ask you a favor?  Puwedeng pahiram ng phone para matawagan ko si Jen, mine is dead batt."

Pumayag naman ang classmate ni Jen na gamitin ko ang phone niya.

[Hello, Marilyn, bakit?]

"Where's Jen, why do you have her phone?"  Tanong ko sa lalaking sumagot ng aking tawag.  Sino siya at bakit nasa kaniya ang cellphone ng girlfriend ko?

[Sino ba 'to?] 

At siya pa talaga ang may ganang magtanong!

"I'm her boyfriend.  Now, answer me!  Where is my girlfriend?!"  Sabi ng boses kong nanginginig na sa galit.

[Huwag kang sumigaw pre, baka mabingi ako niyan.  Kung hinahanap mo si, Jen nag-CR lang siya, okay?]

"Nasaan ba kayo?"

[Hulaan mo.]

Kung puwede ko lang ilusot ang kamao ko sa cellphone para masapak ang lalaking 'yon ay ginawa ko na. 

[De, joke lang pre.  Nandito lang kami sa clinic.  At nag-CR lang kasi si Jen saglit.  Hayaan mo't pagbalik niya, sasabihin ko na tumawag ka.  Dustin ang pangalan mo di ba?  Alam mo, maraming nasabi si Jen sa'kin tungkol sa'yo.  Pa'no, ibababa ko na 'to ah, bye.]

After thirty minutes ay dumating na si Jen at may'ron siyang kasama na agad ko namang namukhaan.  Kung hindi ako nagkakamali ay ka-grupo rin ni Jen ang lalaking ito sa report nila.  Bakit kaya may mga pasa siya?

"Sorry beh ah, ang tagal kasi dumating no'ng nurse."  Paliwanag agad ni Jen.  "Nga pala, nag-text ako ah, nabasa mo ba?"

"Namatay ang cellphone ko."  Sagot ko.  "Saan ka ba kasi galing?"

"Pare, ako na ang magpapaliwanag.  Ako   nga pala si Zac, 'yong kausap mo kanina.  Pasensya na ha, sumama 'ko dito para tulungan si Jen na magpaliwanag sa'yo.  Alam mo kasi, sabi ni Jen ay sakal na sakal daw siya sa'yo."  Sambit ni Zac sa napaka-seryosong tono.  Bigla ko namang tiningnan si Jen at nakita ko ang nanlalaki nitong mga mata.

"Hoy, Zac, anong pinag-sasabi mo?"  Ani Jen.

"Huwag kang matakot Jen, sabihin mo na kay Dustin ang lahat ng sinabi mo sa'kin kanina.  That you want to be break free from him dahil masyado ka nang nasasakal sa relasyon niyo."  Dagdag pa ni Zac.

"Tumahimik ka nga Zac, ano ba 'yang pinagsasabi mo?"  Sabi ni Jen sabay baling sa akin.  "Beh, huwag kang maniwala sa kaniya, hindi 'yon totoo."

"Jen please, kung hindi ka magsasalita ngayon, kailan ka pa magsasalita.  Don't worry, nandito lang ako."  Si Zac uli na gusto ko nang dagdagan ng pasa sa mukha.

"Zac, puwede ba?  Anong problema mo?  Pagkatapos kitang tulungan, ito pa ang igaganti mo sa'kin?"  Galit na sambit ni Jen saka kumapit sa aking braso. "Tara na beh, umalis na tayo, may baliw dito."

"Hindi ko na talaga ang gagawin ko kay Dustin, sa totoo lang ay sakal na sakal na 'ko sa kaniya.  Pakiramdam ko ay para akong ibong ikinulong sa hawla at  inalisan ng kalayaan.  Nakakapagod na."

Bumagsak ang mga balikat ko nang marinig ang recorded na boses ni Jen na galing sa cellphone ni Zac.  Mababakas sa tinig na iyon ang lungkot at pagdismaya na dahilan upang unti-unting madurog ang puso ko.

Nakita ko si Jen habang nakatakip ang isa niyang kamay sa kaniyang bibig.  Na parang bang pati siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig, o maaring nabigla siya dahil napatunayan ko na ngayong totoo pala ang mga sinabi ni Zac.

"Beh."  Muling humawak si Jen sa aking braso ngunit agad akong umiwas.  Tiningnan ko siya gamit ang mga mata kong may namumuong mga luha.

"Nakakapagod na ba Jen?  Sana sinabiban mo 'ko agad.  Hindi 'yong ganitong tayo pa, pero may iba ka na."  Ginawa ko ang lahat para hindi maiyak sa harap ni Jen.  Masakit sa'kin na malamang pagod na siya sa relasyon namin pero ang mas masakit ay ang katotohanang kasalanan ko rin ang lahat ng ito.

Gustong magsalita ni Jen pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon.  Mabigat na mabigat na ang loob ko at ang gusto ko na lang ay ang lumayo sa lugar na ito.

"Gusto mong makawala sa hawla at magkaroon ng kalayaan?  Huwag kang mag-alala, simula ngayon, malaya ka na."  Pagsakay ng kotse ay saka ko pa lang hinayaang tumulo ang aking mga luha na siyang dahilan upang malunod ako sa kalungkutan.

When Mr. Gorgeous is JealousNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ