Chapter 16.3

376 15 0
                                    

Tisoy's POV

"KUYA!" MILKY EXCLAIMED as she ran inside my room.

Nandito ako sa kwarto ngayon, inuubos ang oras sa malalim na pag-iisip. Isang linggo. Isang linggo pa lang magmula nang itigil ko ang pagpunta sa bahay ng mga Martinez. Isang linggo ko pa lang hindi nakikita si Maine.

Pero para na 'kong mababaliw.

Hindi ko na siya tinatawagan. I stopped texting and checking her. Ayoko na, hangga't maaari. Nagkakasya na lang ako sa pakikibalita sa mga kamag-anak niya. Wala na 'kong maihaharap na mukha sa parents niya. Pero balang araw, maiintindihan din nila ako.

"Kuya!" pagtawag ulit sa 'kin ni Milky. Nakatalikod ako sa kanya habang nakahiga sa kama kaya kinailangan niya pa 'kong yugyugin ng ilang ulit.

Ayoko siyang kibuin. Kung anumang kalokohan ng kapatid ko ngayon, ayoko munang patulan. Hindi na kami mga high schoolers. Malalaking problema na ang kinakaharap ko ngayon.

"Kuya!" Mataas na ang boses ni Milky. "Damn you!"

Marahan ko siyang nilingon at binigyan ng matalim na tingin. Usually, gawin ko pa lang 'yon ay tumitigil na siya. Bihirang-bihira ko lang kasing gawin 'yon. Pero sa mga oras na 'to, mas matalim na titig ang ipinukol niya sa 'kin.

"What now?" wala sa sariling tanong ko.

"Anong 'what now?'?! You're a jerk! Kanina ka pa kino-contact ng pamilya ni Ate Maine! Katatawag lang sila sa phone sa 'baba. Nag-aagaw buhay ngayon 'yung girlfriend mo sa ospital!"

Parang namingi ako sa narinig ko. I automatically got up from my bed. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng dugo ko dahil sa panlalamig ng buong katawan ko.

No.

"Puntahan mo siya kuya," nangingiyak na ring sabi ng kapatid ko. Alam kong alam niya kung ga'no ko kamahal si Maine.

"Iwan mo muna 'ko," nasabi ko na lang sa kapatid ko. I grabbed a paper and a pen.

Mahal na mahal ko si Maine. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya.

{G


HalagaWhere stories live. Discover now