Chapter 6.1

543 23 2
                                    

Maine's POV

I SIGHED OUT LOUD when I remembered everything that happened two days ago. Kakapasok ko pa lang sa school ngayon. Hindi ako nakapasok kahapon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko at kinailangan ko talagang magpahinga. I felt like my whole day yesterday was equivalent to one month.

Nandito ako ngayon sa room at hinihintay na dumating 'yung prof namin sa Advance Statistics. Hindi ko alam kung bakit may ganito akong subject samantalang Mass Communication naman ang kinukuha kong course. Mabuti na lang at marunong akong makisabay sa "agos ng Math." Wala pa rin si Apple kaya naman wala rin akong makatsismisan. Apat pa lang yata kaming magkakaklase kaya kanya-kanya kami ng mga pinagkakaabalahan. Matatapos na ang first sem sa fourth year namin. Tapos na rin halos lahat sa mga field exercises ang buong section namin. Naipasa ko na rin ang mga research works na kailangan namin para sa sem na 'to.

Naalala ko tuloy 'yung lahat ng nangyari nu'ng isang gabi.

After eating, ihinatid na 'ko ni Mr. Unknown sa bahay. At, YES. As in oo. Ihinatid niya talaga ako hanggang sa bahay namin, at siya ang nag-park ng kotse ko sa garahe. Medyo nahiya nga ako no'n sa dalawang katulong namin dahil nanibago sila. Hindi naman kasi nila kilala 'yung naghatid sa 'kin, at iniisip siguro nila na dapat ay si Bren ang naghahatid sa 'kin sa gano'ng pagkakataon.

I immediately charged my phone, and then I called Apple. I told her everything. Mula sa pagkakakita ko sa kataksilan ni Bren, hanggang sa paghatid sa 'kin ni Mr. Unknown. Good thing, Apple is an understanding friend. Hindi siya nagalit sa 'kin. Instead, she got so concerned about me.

Kaibigang hindi plastic, I thought.

Habang nakapangalumbaba sa armchair ko ay napatingin ako sa phone ko. I remember Mr. Unknown. He put his number on my list of contacts. He told me that I'm free to call him at night if I'm not feeling well, or if I need someone to talk with.

Napabuntong-hininga na naman ako. I wonder what it feels like kung kasing-bait ni Mr. Unknown si Bren. Wala siguro kaming problema. Hindi siguro ako araw-araw na umiiyak.

Sa sobrang boredom ko, dinampot ko na lang 'yung phone ko. I then checked my FB. That's much better kesa naman sa makipagtsismisan ako sa mga classmates ko na wala nang ibang pinag-usapan kundi 'yung social status nila, mga kahanginan sa buhay, at kung anu-ano pang hindi naman na kailangang ipangalandakan pa.

Nanlumo ako nang makita kong wala pa ring message si Bren sa Facebook kahit isa. Kahit text, wala. Hindi niya rin sinagot ang mga calls ko last night. Mukhang unti-unti niya na talaga akong ini-eliminate sa buhay niya. Sobrang sakit para sa 'kin no'n, pero may magagawa ba 'ko? I can do nothing. Nothing but to wait for him to realize that he still loves me.

I logged out my Facebook account. At laking-gulat ko naman nang makita ko ang account ni Bren na naka-one-tap log in din sa account ko nang mag-log out ako. Uhm, oo nga pala. He opened his account using my phone. That was two months ago. After kong mag-sign in ulit no'n sa account ko ay hindi ko na iyon ni-log out pa kaya hindi ko nalaman na naka-one tap log in din siya.

I respect Bren, his life, and his privacy. Pero sa mga oras na 'to, parang may nag-uudyok sa 'kin na buksan ko ang account niya. Nag-aalangan at kinakabahan ako. Bubuksan ko ba 'yung Facebook niya? Should I invade his privacy?

No! Kontra ng isip ko. Hindi ka pinalaking ganyan ng parents mo. Isa pa, mawawalan ng tiwala sa 'yo si Bren kapag nalaman niya 'yan.

Kung malalaman niya, singit naman ng dark side ng utak ko. Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin sa kanya. Besides, sisilipin mo lang naman ang account niya na never niyang ipinakita sa 'yo, samantalang kulang na lang ay kadenahan niya ang account mo para lang wala kang ibang makausap.

Sa huli ay nanalo ang dark side ng isip ko. I tapped his profile icon at nag-loading nga 'yung account niya. Kinakabahan ako. Naka-block ang account ko sa account niya kaya after ng cool off namin, ngayon ko lang ulit iyon makikita.

Nang ma-load na ang account niya, nakita ko ang message notification niya. Five messages. Kahit kinakabahan ay tiningnan ko pa rin iyon. At nagsisi ako nang mabasa ko ang mga pangalan ng mga nag-message. Puro babae. Sinubukan kong basahin ang isa sa pagbabakasakaling walang "anomalya" sa messages na 'yon, ngunit mas lalo lang akong nanlumo.

Nabasa ko ang conversations nila ng babaeng may pangalang Tiffany. Nanikip ang puso ko. Hindi ako makahinga. May iba nang girlfriend si Bren!

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng conversations nila. I saw how they exchanged sweet messages na para bang sila ang totoong mag-couple. I even checked the date where everything started, at halos panawan ako ng ulirat nang makita kong nagsimula ang "kaharutan" nila almost two months ago. I checked that Tiffany's profile at nakilala ko siya. She's the girl at the exhibit. Siya 'yung ka-flirt ni Bren.

Nanlamig at nanigas ang mga kamay ko. Bumilis 'yung paghinga ko. Dumulas mula sa kamay ko 'yung phone ko at nahulog iyon pabalik sa armchair ko. Hindi ako makapagsalita.

"Uy, girl. Ang aga mo yata," bungad sa 'kin ni Apple nang makapasok siya sa classroom. Tinapik niya pa 'yung right arm ko.

Napansin niyang hindi ako kumikibo at masyado nang mabilis 'yung paghinga ko kaya bigla siyang nag-panic.

"Maine? Maine!" hinawakan ni Apple 'yung kamay ko at lalo siyang kinabahan nang maramdaman niyang nanlalamig na nang husto ang mga iyon. "'Yung puso mo, Maine. Ano'ng nangyayari sa 'yo?!"

Nagsilapitan na sa 'kin 'yung apat pa naming classmates. Pinipilit kong kumalma pero nahihirapan na talaga akong huminga.

"Guys, tumawag kayo ng ambulansya. Please!" malakas na pakiusap ni Apple habang hinahaplos ang likod ko gamit ang kaliwa niyang kamay habang hawak naman ng kanan niya ang mga palad ko. "Maine, girl... Tiis lang ha? Dadalhin ka namin sa ospital."

"Papunta na," maagap na sabi ni Klyde, isa naming classmate, pagkatapos nitong tumawag gamit ang cellphone nito.

"Nasa'n 'yung gamot mo, Maine?" tanong naman ni Ginger. "Dala mo ba?"

Tatango pa lang sana ako ngunit hinila na ako ng kadiliman at tuluyang nawalan ng malay.


HalagaWhere stories live. Discover now