Chapter 10.3

467 19 0
                                    

Maine's POV

NANDITO NA KAMING DALAWA ni Tisoy sa airport. Inaabangan na lang namin na makalabas sina mommy at daddy. Ten minutes na lang bago mag 4PM kaya sigurado akong hindi magtatagal ay nand'yan na sila.

"Ang tagal nila," reklamo ko bago ako napabaling kay Tisoy.

He laughed for a moment. "Calm down. I know you've missed them so much."

Napangiti na lang din ako bago ko siya tinitigan. Napansin ko lang, ang guwapo ni Tisoy ngayon. Ay mali. I mean, lalo siyang gumwapo. He looked like hunk model. With his perfect face, pointed nose, almond-shaped eyes, cute dimples, rosy cheek, tempting lips, white complexion and good body proportion, I'm sure he could any woman fall for him.

Including you? tudyo ng isang maharot na bahagi ng isip ko.

Hoy, gaga ka. Wala pang isang buwan magmula nang mag-break kayo nglast jowa mo, humaharot ka na? kontra naman ng straight na bahagi ng isip ko.

"Staring at me for the whole minute? Baka naman matunaw ako niyan," nakangising sabi ni Tisoy na ikinabalik ko naman sa realidad.

Napailing na lang ako. "Assuming ka na naman," tugon ko bago ako nag-iwas ng tingin at bumaling na lang sa departure area. Sakto naman dahil nakita ko na ang dalawang bultong naglalakad palapit sa direksyon namin.

Nagliwanag ang aura ko. Napatakbo ako palapit sa kanila. Sumunod naman sa 'kin si Tisoy.

"Mom! Dad!" sigaw ko habang nagtatatakbo. Nang makalapit ako nang tuluyan ay niyakap ko sila nang mahigpit.

"Nako, ang unica hija namin," sabi ni mommy. She hugged me back. Ganu'n din naman si daddy.

Nang kumalas ako sa kanila ay pinasadahan nila 'ko ng tingin. Halatang na-miss din nila ako. Kamusta kaya ang naging business trip nila sa ibang bansa?

"Gumaganda yata ang anak ko ah," sabi ni daddy. "You're blooming."

"Dad," saway ko naman. "Hindi po ako blooming. Actually, broken pa nga eh."

Magsasalita pa sana si daddy pero hindi niya iyon natuloy nang mapalingon siya sa bandang likod ko. He nodded. Pati si mommy ay napatitig at napangiti.

"May kasama ka pala," ani daddy.

That was the perfect moment when Tisoy uttered his part. "Good afternoon po, Mr. and Mrs. Martinez."

Tumangu-tango si daddy at ngumiti. "Good afternoon din hijo. Salamat sa pagsama sa anak ko. Are you his boyfriend?"

"Ah, dad, hindi po," maagap ko namang sabi. "Siya po si Tisoy. Kaibigan ko po."

"Ano'ng buong pangalan niya?" tanong naman ni mommy.

Patay.

Napakagat-labi ako bago ko binalingan si Tisoy. I gave him a "what-am-I-going-to-say?" look. Pagkatapos ay lumingon ulit ako kina mommy at daddy na naghihintay sa response ko.

"Mom, Dad, siya po si... si ano po..."

Ghad! Ano namang sasabihin ko? Paano ako mag-iimbento ng pangalan?

"Richard Featherson Jr. po," nakangiting sagot ni Tisoy bago niya inilahad ang kamay sa mga magulang ko para makipag-shakehands.

"Featherson?" tila na-enightened na sabi ni daddy. "Anak ka ni Rico?"

Nagkatinginan sila ni mommy pagkatapos ay tumingin ulit kay Tisoy.

"Kaibigan ko ang daddy mo," dad uttered. "Now tell me. Ano ka ba talaga ng anak ko? Boyfriend? Manliligaw?"

Tumingin pa sa 'kin si mommy. "Anak, ba't hindi mo naman nabanggit sa 'min na close pala kayo nitong si Richard?" may himig na paninisi niya pang tanong.

Ako? Hindi rin ako makakibo. Tulala ako. Seriously? Ngayon ko lang nalaman 'yung pangalan nitong si Tisoy, and then malalaman ko pang may ugnayan pala ang mga parents namin? Woah. Such a coincidence.

"Hindi po. Kung ako lang ang msusunod, I would like to, pero hindi pa ready na pumasok sa new relationship ang anak niyo, Mr. Martinez," nakangiti at polite na tugon ni Tisoy. Kahit kelan talaga, napakagalang niya sa mga tao sa paligid niya. "But just in case I have a chance, I'd like to know her better."

H-Ha? Ano ba'ng sinasabi nitong lalaking 'to?

Teka. Ba't nagugulat ako? Ba't ganito nararamdaman ko? Bago pa man kami magkaroon ng formal break ni Bren ay nasa tabi ko na si Tisoy. Almost two months na siyang nasa tabi ko. Pero ano 'tong naririnig ko?

Marahan kong siniko si Tisoy. "Puro ka talaga kalokohan."

"Nako, mukhang marami kayong kailangang ikuwento sa 'min," dad said as he looked at us. "Let's eat. Dumaan na muna tayo sa restaurant ng Tita Claudine mo para ma-entertain tayo nang maayos. Si Rogelio ba ang nag-drive para sa inyo ngayon, anak?"

"No dad. Si Tisoy po ang kasama ko. Kotse niya rin po ang ginamit namin," I explained while pointing the tall man beside me.

"Hijo, sorry for disturbing you. Instead of enjoying your sembreak, sinamahan mo pa 'tong anak ko," paumanhin naman ni mommy kasabay ang paghawak sa mga kamay ni Tisoy. Grabe naman 'to si mommy. Para namang sinabing istorbo ako.

Mabilis na umiling 'yung katabi ko. "No, tita. Okay lang po. Actually, ako po ang nag-insist na sumama."

"Oh pa'no? Shall we go now or ou want to stay here?" nang-aasar na tanong ni daddy.

Nagsimula na kaming apat na maglakad palabas ng NAIA.

Mabilis akong kumapit sa braso ni daddy. "Dad? What's your pasalubong?" tanong ko habang sinasabayan ang mga steps niya.

"Nakuuuu, you've missed me because of that?"

Nagkatawanan kaming lahat. Nakakailang hakbang pa lang kami nang mapansin kong kinukuha ni Tisoy ang maleta at mga dala nina mommy at daddy.

"Ako na po d'yan, sir, ma'am," magalang na sabi niya bago niya kinuha nang tuluyan ang mga dala nila. Tutulungan ko pa sana siya pero pinigilan niya 'ko. Kaya naman daw niya.

"Call us 'Tito' and 'Tita'," nakangiti namang tugon ni mommy na sinang-ayunan ni daddy.

Okay. Ba't parang ang bilis nilang nakasundo 'yung lalaking 'to? Kunsabagay. Wala siyang kasingbait at kasing-gentleman. Hindi siya mahirap pakisamahan.

Napatitig na lang ako at napangiti kay Tisoy.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon