Chapter 12.1

402 19 0
                                    

Maine's POV

8:45PM. CHRISTMAS EVE.

Nandito ako ngayon sa kusina para tulungan si mommy at 'yung mga katulong na magluto ng Noche Buena. Nasa living room naman si daddy at kausap 'yung mga kamag-anak namin na galing pa sa kung saan. Dito sa bahay ang venue ng family gathering ngayong taon. Last year kasi ay sa Quezon City kami nag-Chirstmas.

"Hija, kaya na namin 'to. Enjoy yourself tonight. Makipag-bonding ka na lang with your cousins," saway sa 'kin ni mommy nang makita niyang busy ako sa pagluluto ng carbonara.

"Ma," kontra ko naman na hawak-hawak pa ang sandok. "I love to cook. 'Sabi ko naman sa 'yo, Culinary ang ipakuha mo sa 'kin eh."

"You don't need that course. Tingnan mo nga at mas masarap ka pang magluto d'yan kay Ate Doreen," sabad naman ng younger sister ni mommy na si Tita Claudine. Dito rin sila magno-noche buena ni Lissa.

Lumapit ako sa oven para i-check 'yung b-in-ake kong cake. Mukhang luto na kaya kinuha ko na 'yung chiffon para palamigin at malagyan ng icing.

"Tita," pagtawag ko kay Tita Claudine. "Kayo na po muna bahala sa sauce ng carbonara ha? Simmer na lang 'yon."

"Oo sige," pag-agree naman ni Tita. Tapos na kasi siya sa pagtatadtad ng carrots.

Sinimulan ko na ang pagde-design sa cake habang busy rin sa kani-kanilang gawain 'yung dalawang katulong, si mommy at si Tita Claudine. Dinig na dinig naman mula sa living room ang pagkakantahan ng mga pinsan ko. Hiniram kasi nila 'yung gitara ko.

"Oo nga pala, 'Nak," basag ni mommy sa katahimikan namin sa kusina. "Hindi ba dito magno-noche buena si Richard?"

"P-Po?" nadi-distract kong tugon kay mommy. Napatigil ako sa paglalagay ng icing sa cake. Bigla ba namang isali si Tisoy sa usapan?

"Sinong Richard? 'Yung maputi at matangkad na guwapong lalaki na nadalaw sa 'yo lagi?" usisa naman ni Tita. "Si ano ba 'yon... Si Tisoy ba 'yon?"

Napatango na lang ako nang mapansin kong hindi inaalis ni tita 'yung mga mata niya sa 'kin na para bang naghihintay siya ng sagot.

"You know what, Cloud? That young man comes from the Featherson clan," mom said with pride. "Junior siya ng business tycoon at kaibigan naming si Richard Featherson."

"Ooh?" amazed na tanong ni Tita Claudine. "Napakaganda ng pagpapalaki nila sa batang 'yon, ano? Napakagalang at napakaginoo. Nu'ng naospital 'yang anak mo, nandito ka'gad 'yung si Tisoy. Siya pa ang nagbantay diyan kay Meng."

Busyng-busy ang dalawa sa pagtsitsismisan ng mga good traits ni Tisoy. Ako naman, nagkukunwaring busy para hindi masyadong tuksuhin ng mga 'to. Sa totoo nga lang, gustung-gusto ko nang sumingit sa usapan para mas ipagmalaki pa si Tisoy pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya. Baka sabihin nina mommy ay type na type ko si Tisoy.

"For me, anak? Richard deserves your attention. Hindi ka pa rin ba niya nililigawan?"

"Ma?"

Natawa si mommy sa reaction ko. "Dear, I'm not a reporter. Wala naman kayo sa showbiz kaya okay lang 'yan. Magsabi ka nga sa 'min ng Tita Cloud mo. 'Wag kang malihim."

Napabuga na lang ako ng hangin. "We're taking it slow, mom. He's courting me. Pero hindi naman po kami nagmamadali."

Napailing na lang ako nang biglang kiligin sina mommy at tita. Wow. I never thought my mom and aund would react like that. Teenager lang ang peg?


HalagaWhere stories live. Discover now