"Artista ka ba?" tanong ko kaagad sa kanya.

Halata namang nagulat siya sa tanong ko, paano naman kasi, halatang halata ko na, ilang beses ko na siyang nakikita na pinagkakaguluhan. At kung hindi sabihin man niyang hindi, ay naku, edi anong meron? Gwapo lang! Uyy, ano 'yon?

Pero tiwanan niya ako kalaunan, ay bwisit na baka! Ang gwapo niya tumawa.

"Sorry to say pero hindi ako artista, Maine." Sabi naman nito. "I was just a good guy, you know?" he smirk.

Inirapan ko naman siya, "ay, ewan," tawa ko pa at inabot naman niya sa akin 'yong mocha frappe ko, "thank you nga pala."

"No problem," aniya. "Mag-isa ka lang ba sa unit mo? Wala kang kasama?" tanong naman niya sa akin.

Bakit sasamahan mo ba ako? Leche ka Alexander!

I nod to him, "oo, mag-isa lang ako, tumira lang naman ako diyan for studies eh." Paliwanag ko naman sa kanya. "Ikaw? Mag-isa ka lang ba sa unit mo?" tanong ko naman sa kanya.

Tumango naman siya, "yup, I'm the only one,"

"Ah," wala akong masabi! I'm out of words! Kung kailan naman kailangan ko ng pag-uusapan, doon pa ako nawawalan ng mga sinasabi! Shocks! Ganito ba talaga ako kapag gwapo ang lalaking nasa harap ko? "Ilang taon ka na ba?" hehehe, malay mo meant to be kaming dalawa!

"21, you?" he asked.

"17 pa lang ako, hehehe." Hagikgik ko pa. Shet! 'Wag ka muna humarot Meng! Inayos ko naman ang pagkakaupo ko, "so graduate ka na?" I asked.

He shook his head, "nope, I stopped, eh."

"Oh why naman?" tanong ko pa sa kanya. Kung titingnan ko siya, mukhang wealthy naman ang family nila and he can study everywhere he can. Kung sa condo pa nga lang, isang buong tuition ko na ang bayad jus for 3 months. Oha! Saan ka pa? Edi lipat ka! Joke.

"I have something to do, actually 3rd na ako no'ng nag-stop ako. There's a reason on it kaya don't worry, may kinalaman naman 'yon kung anong meron ako ngayon." Aniya.

"Ano bang meron ka ngayon?" tanong ko pa. Clueless ako, as in. No words to express! Ang boka ko, tama na.

"Kagwapuhan," aniya sabay ngisi.

"Weh?" asar ko pa. "Gwapo ka naman talaga eh, when I first saw you nahulog-este 'yon ang first impression ko sayo, gwapo at matulungin. Sabi ko na nga ba eh, hindi pa patay ang chivalry!" ngiting ngiti ko pa.

Napansin naman iyon ni Alexander kaya natawa na lang din ito, "you're so cute."

Hinawi ko naman 'yong buhok ko sa tenga at nag-pacute, "thank you, Alexander." Beautiful eyes pa more!

He chuckles, "thanks for coming with me, Maine." At hinawakan niya ang kamay ko at nginitian niya ako.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya binawi ko na lang ang kamay ko, "thank you rin for the treat."

Mayamaya lang din ay may tumawag sa kanya.

"Oh bro, ah sige sige, hintayin mo ko diyan, pabalik na ako," at lumingon naman sa akin si Alexander, "sorry Maine pero I need to go, hinihintay na ako ng kaibigan ko."

"No, it's okay, go na." ngiti ko pa sa kanya.

Sa pagmamadali niya ay hindi niya namalayan na may nahulog pala siya. Nang kunin ko naman iyon, brochure lang naman siya. At mas nagtaka ako dahil ito 'yong gaganapin na clothing shop ramp show na sinasabi ni Anja. Pupunta rin kaya siya? What if oo? Sabay kami! Pero baka hindi, alam kong busy si Alexander at baka nga nakuha niya lang sa kung saan 'yon eh.

Hindi na ako naghintay pa ng ilang oras sa starbucks at bumalik na ako sa unit ko. Pumunta naman ako sa terrace, tuwing gabi gabi na lang ako naghihintay sa mistery na 'yon at tsinetsempuhan pero mukhang nahahalata naman niya na inaabangan ko siya kaya hindi naman siya nagpapakita sa akin.

Nag-ring naman ang phone ko, tumatawag si Anja kaya agad ko naman ito sinagot.

"Maine, sure na tayo sa next Saturday ha?" pagpapaalala niya sa akin. Araw araw kapag may pasok, lagi niyang binabanggit 'yon sa akin.

"Hindi ka ba titigil sa pangungulit sa akin, Anja?" tanong ko pa sa kanya.

"Hindi!" simple pero pasigaw nitong sagot sa akin. "Please? Samahan mo lang ako, one night lang naman 'to eh! Nando'n din naman si Richard Howerdson eh!"

"Sino?!" paulit ko pa sa kanya.

"Richard Howerdson." Pag-ulit niya sa pangalan nito. Narinig ko na 'tong pangalan na 'to eh, "sikat na sikat na model and tv commercial 'yan ngayon! Sumama ka sa akin para chance mo na makita siya, and his so yummy!" aniya sa kabilang linya.

Nilayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa sinabi ni Anja, "baliw ata 'tong kausap ko eh." Sabi ko saka kinausap uli siya, "'yon nga eh, hindi ko siya kilala, anong gagawin ko sa kanya?" tanong ko pa.

Natahimik siya sa kabilang linya, napabuntong hininga naman ako kaya um-oo na lang din ako. "Sige na nga, sasama na ako sayo, basta libre mo ako!"

"Oo ba!" tuwang tuwa niyang sabi sa akin. "Basahin mo 'yong magazi-"

Binaba ko na 'yong tawag. Ang daldal na babae. Natahimik naman ang paligid ko at nag-sound trip na lang din ako, mag-ga-gabi na rin naman pero still nandito pa rin ako sa favorite part ng unit ko, ang terrace. Ang lamig lang di kasi ng hangin dito, ang fresh at sa bandang kaliwa naman kasi makikita mo ang maliwanag na kalangitan na ngayon ay lumulubog na ang araw.

Dahil sa daily routine ko, kinuha ko na ang marker at bond paper at nagsulat sa papel.

'Kailan ba kita makikita?' ang sinulat ko.

Dinikit ko iyon at umaasang kinabukasan magiging energy ko ang reply niya. Dahil wala na naman akong magawa, gumawa ako ng mga listahan na pwedeng itanong sa kanya. Kay mystery guy. If this is not the time para magkita at makilala ko siya, then it should be the time para mas lubos ko siyang kilalanin more on his personality.

Yeah, I know he's a he dahil noong maligaw ang tingin ko don, I saw a white guy, he had no abs pero ang fit ng katawan niya at hanggang don lang 'yon. Bitin pa! Kaiyak! Kaya ba siguro tinakpan na niya ng kurtina ang unit niya para hindi ko na siya ulit mahuli na walang t-shirt? Ang sad if that was his meant.

Inabot ako ng 9pm pero ni isa walang pumapasok na tanong ko sa kanya. Wala kasing idea na pwede kong itanong, siguro kapag nag-pop na lang bigla ang isang tanong, 'yon na 'yon!

Natulog na rin ako after ko mag-isip ng mga pwedeng isulat kay mystery thru paper message. Patulog na sana ako ng nag-flash na naman sa isipan ko ang mukha ni Alden.

Why he suddenly appear like that? Bakit bigla bigla ko na lang siyang nakikita sa isip ko? Ito na nga kaya 'yong time na magkikita kami or kailangan ko pang maghintay ng ilang taon para masabi kong nasa tamang panahon na nga ako para makita siya.

Hanggang kailan pa ba, Alden? Nagmamahal Maine.



You're EverywhereWhere stories live. Discover now