◈ ━━━ CHAPTER 19⸙ ━━ ◈

5.5K 167 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






Andria's POV

Kasalukuyan kong tinitignan si eunice habang malungkot itong kumakain sa isang maliit na lamesa.

Kaninang madaling araw kami inihatid nina tito dito sa apartment malapit sa school.

At saktong mag a-alas nuebe na ng umaga ng matapos kami sa pag a-ayos ng gamit.

Tinulungan kami ng ibang mga kasambahay kung kaya naging mabilis.

At itong engot ko na pinsan ay may kung ano nanamang kadramahan ang pinag-iisip sa maliit nyang kokote.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at nilapitan sya.

"Magpahinga ka, we'll attend class this afternoon".

Dahan-dahan naman syang tumango at parang wala sa sariling pinaglalaruan ang hawak - hawak na kutsara at tinidor.

"Come on, cut that crap eunice".

Sabi ko at nag simula ng tumalikod.

"Pero kasi insan hindi ako makapaniwalang tinatakwil na tayo ni daddy at mommy huhuhu".

Napairap ako sa ere at mabilis syang hinarap.

"May naaalala kabang sinabi ng mom and dad mo na tinatakwil kana nila? Diba wala? Itigil mo na yang kadramahan mo dahil naririndi na ako".

Matapos sabihin yun ay tuluyan na akong umalis sa kusina at umupo sa medyo hindi kalakihang sofa.

Narinig ko naman ang mabilis na yabag ni eunice at sa isang iglap ay katabi ko na sya sa upuan.

"Sorry na insan sasali kasi ako sa theater club, wala akong mapag praktisan kaya ikaw nalang mwehehehe".

Sabi nito at nag pout pa.

"Sa katunayan ay ok nadin na lumipat tayo insanskie, sigurado kasing na se-sense na nina dad na masyado na silang pasaway sakin at isa pa gusto ko din maging si cinderalla minsan noh! Tas syempre ikaw yung evil step sister ko kunyari mwehehe".

Mabilis kong kinuha ang hand pillow na nasa likod ko at hinampas ito kay eunice pero mabilis pa ito sa alas kwatrong tumakbo sa room nya.

Hilig mambwesit.

Inilibot ko ang paningin sa buong apartment. Hindi ito maliit kung titignan, may apat itong kwarto at may malawak na sala.

May kaliitan ang kusina pero ok narin. Sumandal ako sa inuupang sofa at tumingin sa bintana kung saan kita ang gate na hindi gaano kataas.

Hindi ko alam kung magiging safe kami dito ni eunice, basta ang alam ko. Sa ikabubuti namin to.

'ano ang plano mo tito Vlad?'



Aloof Mafia Boss ࿇Where stories live. Discover now