Chapter 7: Ganda ko eh.

39 3 0
                                    

Isa lang ang masasabi ko ngayon..

Kinakabahan ako. Bakit?

EH NAKA'Y RILEY LANG NAMAN ANG CELLPHONE KO. CELLPHONE KO NA NAGLALAMAN NG STOLEN PICTURES NIYA. CELLPHONE KO NA MAY MGA NAKA-SAVE NA MEMO NA PURO "RILEY MAGDAYO <3" ANG NAKASULAT!

PAANO AKO HINDI KAKABAHAN DOON?!

AT ETO PA. WALANG PASSCODE OR ANYTHING YON! 

Kaya wala na... Sayang lahat ng pagpapakipot at everything ko sakanya. HUHUHUHU

NAKAKAHIYA TALAGA! Ba't ba kasi ang tanga ko para di mapansin na wala na pala sakin yung phone ko noon?! KAASAR TALAGA! 

---------------

Kasalukuyang pinipilit kong humakbang papalapit sa pintuan ng first morning class ko. 

Bakit?

EH KASI ANDON SI RILEY. AT PAG ANDON SI RILEY, ANDON CELLPHONE KO. AT DAHIL DON, MAGKAKAUSAP KAMI.

AT MOMENT OF TRUTH! MALAPIT NA KONG MAPAHIYA DAHIL MALAMANG NAKITA NIYA NA LAHAT NG EBIDENSYA NG PAGNANASA KO SAKANYA!

Unti unti akong lumapit sa pintuan.

"Hoooh." Huminga ako ng malalim at unti unting humakbang papalapit sa pintuan. Dahan dahan kong hinawakan ang door knob..

"Eto na talaga." Bulong ko sa sarili ko. Pinikit ko yung mata ko at tsaka hinawakan ito. Unti unti ko tong pinihit.

1

.

.

.

2

.

.

.

3

Pagkabukas ko ng pinto, para akong binunutan ng tinik sa dibdib ng makita kong wala si Riley sa loob.

"Haaaaaay. Buti naman." Bulong ko sa sarili ko habang nakahawak parin sa pintuan.

Papasok na sana ako ng biglang may tumapik sa balikat.

Na siyang kinagulat ko.

"AY BAKLA KA!" Sigaw ko.

Lilingonin ko na sana kung sino yung hayop na kumalabit sakin dahil gusto ko na siyang sapakin ng mapansin kong nakatingin yung ibang mga studyante samin. Particularly, yung mga girls.

Tinaasan ko sila ng kilay. At unti unting humarap sa kumalabit sakin, ready na para sigawan ito..

Pero, nevermind.

BOOM.

"R-Riley."

Nakatingin lang siya sakin habang nakataas ang isang kilay. Ang lapit ng mukha niya sakin ngayon... JOKE! Ang tangkad kaya niya!

"B-Bakit?" Tanong ko dito. Kanina pa kasi siya nakatayo. Wala naman siyang sinasabi.

"Tss. You look stupid. You're in my way." 

WOAH. STUPID? AKO?! 

"H-huh?!" Yun lang ang nasabi ko sakanya sa bigla ko.

Sinimangutan lang ako nito at mukhang iritado na sakin.

"Don't you understand english? Here, I'll say it in tagalog. Mukha kang tanga. Umalis ka sa dinadaanan ko. Harang ka. Kanina ka pa diyan nagmumukhang tanga." Diretso niyag sagot sakin habang nakatingin sa taas na kunwaring nag-iisip pa.

Oh my, Waiter! (ON HOLD)Where stories live. Discover now