Chapter 1 Hello Proud World!

9.4K 208 31
                                    

Best Absolute Panget Chapter 1: Hello Proud World!

"Ilang beses ko bang sasabihin na magbati na kayo? Lagi na lang kayong nag-aaway!" Kinukutkot na naman ni Dean yung ilong nya. Bakit ba kasi hindi maubos-ubos yung kulangot sa ilong nya?

"Sir! Siya po yung nagsimula okay? Tignan nyo nga! Itsura pa lang oh!" Yan, yan ang maldita kong kaklase. Si Azriel! Pinagpala nga siya, sa kanya ibinuhos ang kagandahan at kaseksihan. Pero marami rin siyang nasalong kagaspangan. I mean, kagaspangan ng ugali.

"Sir, hindi ko po kasalanan. Sabi nga po nila di ba? Don't judge a book by it's cover!!" Depensa ko.

Kumuha ng tissue si Dean at ipinahid don yung mga daliri nyang pinangkutkot sa ilong nya, "Hay nako! Ewan ko sa inyong mga bata kayo! Ang tatanda nyo na!!"

Yes. Bata nga kami, pero matanda na. Ang gulo din nyang kausap.

"Sir. Siya nga po kasi yon! Tignan nyo ginawa nya sa uniform ko? Nasira na!!" Reklamo ni Azriel

"IKAW BABAE KA AH! MAGTIGIL KA! Ikaw nga tong biglang sumugod dyan at tinapunan ako ng isang baldeng tubig kanal eh!!"

Ohh yess. Tubig kanal. First day na first day ng buwan, etong sinapit ko. Last month nga e balde ng eggwhite ang binuhos nila sa akin. At ngayon masmalala. Ambaho-baho ko na. Lalong-lalo na yung buhok ko. Amoy imburnal kung imburnal.

"Kadiri ka talaga! Nadumihan pa yung damit ko dahil sayo! And nawala yung amoy ng pabango ko dahil dyan sa amoy ng damit mo!!" Kapal din nitong babaeng to eh. Matapos nya akong buhusan ng tubig kanal, siya pa tong mareklamo?!!! Kung hindi lang nya ako pinagtawanan, hindi ko siya susugurin. Napuno na kasi ako ng bonggang bongga! Kumukulo na ang butsi ko sa kanya!

"Okay. Sige. Tama na yan! Umuwi ka muna Zephne. At ikaw, miss Azriel dito ka muna sa office." Tss. Buti nga sayo Azriel! Puro ka kasi reklamong babaita ka!

"Pero Sir!"

"Walang pero, pero! Tatawagan ko ang mommy mo at papapuntahin ko dito sa office. Mag-uusap tayong tatlo!!" Galit na sabi ni Dean sabay tayo at itinapon yung tissue nyang may kulangot sa basurahan.

Nagsimula ulit siyang kalikutin ang kanyang mahiwagang ilong..

"SIR!! Out of town po si mommy, kaya uuwi na lang po ako. I need to get rid of these clothes na!!" Reklamo ni Azriel. Daming alam nitong babaeng to. Kalandi-landi!

"Edi sa daddy mo! May daddy ka naman di ba?" Sabi ni Sir Dean habang binibilog yung nakuha nyang kung ano man dun sa ilong nya. Dean talaga ang pangalan ng Dean namin. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit Sir Dean ang tawag namin sa kanya.

"Tsss." Halatang asar na asar ang bruha!

"Hehehe. BUTI NGA SAYO!" sabi ko sa kanya.

"SHUT UP ZEPHNE!!" awat ni Sir.

K fine. Si Azriel lang naman ang pinakaiinisan ko dito sa school namin eh. Siya yung parang leader ng mga manlalait dito. And laging nag-eend up sa office ng dean ang mga ginagawa nyang kalokohan. Siya na ang pinaka mortal kong kaaway sa mundong ito bukod sa pagmumukha ko.

Best Absolute Panget [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon