Chapter 30

13 0 0
                                    

Chapter 30

Hayy Buhay..ba't ba kasi sakin nangyari toh.. Ang hirap tuloy mag desisyon... Halos nagka eyebags na nga ako kaka-isip kung sino sa dalawa ang sasamahan ko eh...

Tapos eto pa ginising ako ng aking dakilang nanay...sa kadahilanang pinaalam ako ni Ivan..hayy naku.. Siguro nga binenta ako ng nanay ko..haha...halos botong boto sya kay Ivan eh...lalo na si kuya..

Ayye ewan ko...

Back to the problem na nga lang..

Sino ba?

Naligo na ako and all that. I picked a casual outift...

I tried to call Matt pero cannot be reached siya eh. Tinext ko rin na kung pwede sa ibang araw nalang kami magkita. Pero walang nagrereply. Ano kaya nangyari dun? Siguro nag re-ready na yun..kainis naman kasi eh..

*Pooot Pooot*

From: Ivan

I'll be there in 15 minutes.

WHATDA? Pa'no na ito?

*phew*Humarap ako sa full body mirror.

Ang ganda ko parin. HAHA. Ang kapal ng mukha ko. Anyway..

Kinausap ko sarili ko. I know it might sound insane, pero bakit ba!?

"Hayyy. Ivy." Kinurot kurot ko yung cheeks ko. "Sino ba kasi talagang mahal mo?! Magsalita ka nga?!" Sasampalin ko sana ang sarili ko pero narealize kong masakit yun pag ginawa ko! It will harm my precious skin. HAHA. :D

Tinignan ko ulit ng mabuti sarili ko. Naku, napaka-vain. Hehe. I put my hands on my chest and felt my heartbeat.

"Kung nakakapagsalita ka lang, siguro nasabi mo na sakin kung sinong mas matimbang at hindi na ako mahihirapan ng ganito." Baliw na kung baliw. Wala na akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Kung hindi ko gagawin 'to baka sumabog or—mabaliw na ako.

*bang!*

"WHAAAAAAAAAA! AWWW!" Napatumba naman ako. Aray. Ang sakit naman. Nauna yung pwet ko. Pa'no ba naman nagulat ako. Parang tinadyakan pabukas ng Kuya ko yung pinto. Hindi huminahon. Hayy.

"Kuya naman eh, pwede ka naman kumatok eh! Arayyyy." Nakngtokwa naman oh. Wala na ba ang salitang privacy ngayon?

"Ay sorry sorry." Inalalayan naman ako patayo ni Kuya.. "Eh kasi nacarried away lang ako, nandyan na kasi si Ivan." Sus. Akala ko naman katapusan na ng mundo.

"Yun lang pala e— ANO!?" Hala. Patay. 'Di pa ako nakakapagdecide.

"Ah sige Kuya susunod nalang ako..mag-aayos lang ako ng sarili ko.. Nawindang kasi ako eh..."

"Sige! Bilisan mo ha." Sabi na nga ba pati si Kuya binibenta na ako..

Hayy. Tutal siya ang nauna mag-aya at nauna pumunta dito.

I'll go with him.

Nagmadali na ako para kung sakali 'di kami maabutan ni Matt *ang sama ko ba?*.

 Sorry Matt. :-\

Nagmadali ako palabas at hinatak ko si Ivan..haha

"We—wait! What's the rush? Do you have other plans?" Naku. Obvious ako masyado. Pahalata naman kasi si ako..

"Ha—huh? Wa—wal—wala! Hehe. Tara na nga! Excited na ko sa pupuntahan natin  eh." Sheezz nags-stutter na-naman ako... Hanggang sa nakarating na kami sa car niya. He opened the door for me at sumakay na ako. Nung isasara niya biglang may nagsalita.

Oh NO..

"What's happening here? Ivy? Akala ko ba, magkikita tayo?" Anakngtinamaan. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh... Naabutan tuloy kami. Lumabas naman ako sa sasakyan at hinarap si Matt...

"Ah. Ehh—ehh. Nauna kasi siya eh. 'Di mo naman—"

"Stop it!" Sigaw ni Ivan. Bigla niyang sinuntok si Matt. Tumumba si Matt.., hinawakan niya naman ito sa collar.

 "!@#$ ka talaga pare,di ba sinabihan na kita na wag kang lalapit kay Ivy dahil kung hindi ako makakalaban mo..at  sino ka ba sa inaakala mo?! Ako yung boyfriend dito eh ikaw EX ka lang.., Epal ka lang samin kaya wag mong asahan na sayo siya sasama!" Umamba naman siyang susuntukin ulit si Matt pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Ivan. Nooo." Nasasaktan ako.

"Tama na, let's just go. Please?"  :'(Bumalik na ako sasakyan at sumunod na si Ivan pero may sinabi pa ata siya kay Matt.

"Pasalamat ka nandito siya kung hindi, 'di ko alam kung anong magagawa ko pa sayo. Get lost bastard!"

Pinunasan ni Matt ang dugo sa labi niya at tumayo.

"Tandaan mo 'to! Hindi pa tayo tapos! Magkamatayan na kung magkamatayan pero 'di ako susuko. I'll get her back! At sisiguraduhin kong mapapasakin syang muli.."

Then he left.

I'll make a decision right away.

Hindi na pwede 'tong mga nangyayari.

Ayokong nagsasakitan ang mga mahal ko..

WE FOUND LOVE (SERIES 2)----> YOU ARE THE ONE [Completed]Where stories live. Discover now