Chapter 28

16 0 0
                                    

Chapter 28

Hingal na hingal ako pag-uwi. Natataranta. Di ko malaman kung anong gagawin. Ewan ko ba feeling ko siya talaga yun. Ang hirap pala ng ganito..Para akong nag to-two time..

Dire diretso naman akong pumasok sa kwarto ng biglang tinawag ako ni Kuya.

“Sis.”

“Ano yun Kuya?” Hingal na hingal parin ako nyan ahh..

“Oh, anong nangyari sayo?... Ngapala, dumaan si Ivan dito.”

“WHAT?!” My jaw dropped.

“Dumaan si Ivan, pinauwi ko nalang dahil lumabas ka nga. Di ko naman alam kung anong oras ka babalik.”

“Ah..”Yun nalang nasabi ko.. Parang nanginig ang mga tuhod ko. Shet.

Anak ng tinapa. Jusko. Siya nga talaga yun. Ano ng gagawin ko?

Pumasok na ako sa kwarto at umupo sa kama. Haay. Kinuha ko naman ang cellphone ko. Tama, itetext ko nalang siya. Or tawag nalang kaya.

Dinial ko naman ang number niya. Ang tagal sumagot...shet... :(

“Hello, Ivan.”

“Oh, napatawag ka?” What the..ang sungit nya..

“So--Sorry.” Mangiyak ngiyak na ako shet.

“For what?”

“You know what I'm talking about.”

“Yeah, sige. Tulog ka na. Goodnight.”

“Goodni—" Then he hanged up. Ano nanaman gulo tong pinasukan ko. Hayy.

What to do..what to do..

Author's POV:

Ito po yung nangyari dun sa park kung saan hingal na hingal si Ivy pauwi...

Ako kasi ang nakakita ng pangyayari..haha.. ;)

Hindi alam ni Ivy, na bumalik pala si Ivan dun sa park bago pa si Ivy tumawag... Naku, nangagamoy away 'to ah.

Eto na ang USAPANG LALAKI..haha :)

“Pare, ano bang problema mo? Bakit nakikipagkita ka ng palihim sa girlfriend ko?” Hala. Eto na..magsisimula na..

“Wala akong problema. Una siyang naging akin at ikaw.. Pangalawa ka lang”

“Oo nga, una siya naging sayo. Pero anong ginawa mo sinaktan mo lang siya. Wala kang kwenta.”

"!@#$ ka pala eh!"

Blag!!!

Sinuntok ni Matt si Ivan! Natumba siya at Dumugo ang labi ni Ivan.

“Ano, pikon ka?! Bakit hindi ba totoo?!”

“Hayop ka, itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong manghiram ng mukha sa asong gala.”

Jusko. Ibang level na ito. I can't take it anymore.

Tumayo naman si Ivan at kwinelyuhan nya si Matt.

“Tandaan mo, hindi ko hahayaang maagaw mo si Ivy sakin..”

“May the best man win pare..” Sabi ni Matt.

“Haha. Yun ang akala mo, who said I will fight fair? HAHA. Maaring mahal ka pa ni Ivy pero mahal niya din ako at sakin siya. Hindi ko siya pakakawalan pare. Maghanap ka nalang ng iba dahil akin lang si Ivy...akin lang...at hinding hindi magiging iyo.. ”

Binitawan naman niya si Matt at umalis na.

Pero may pahabol pa siya.

“Sa susunod na makita kitang kasama ang girlfriend ko, higit pa sa ginawa mo sakin ang mangyayari sayo. Mark my words.”

*BOOM** Hala..BakBakan Na..

Katakot naman.

WE FOUND LOVE (SERIES 2)----> YOU ARE THE ONE [Completed]Where stories live. Discover now