Helplessly Inlove With My Kuya's Bestfriend (Oneshot)

Start from the beginning
                                    

I closed my eyes to get some sleep but the past keeps on haunting me..

*flashback*

Today is my debut. This should be the happiest day of my life, and I hope it will.

Bakit ba naman hindi? Escort ko kaya ang nag iisang lalaki sa puso ko.. si Brent-my kuya's bestfriend.

Nasaan na ba siya? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko talaga makita, maybe nasa may pool at nagpapahangin.. yun na lang kasi ang di ko pa napuntahan eh.

Pwede naman sigurong mawala ako kahit saglit lang, patapos na rin naman yung party.

Pero bakit ganito yung pakiramdam ko? Habang palapit ako ng palapit sa lugar na iyon, parang hindi ako makahinga? What's happening to me?

I stopped from walking. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makita ang eksenang ito dahil para na rin akong unti unting pinapatay at mas masakit yun.

Brent and Shaylee were kissing! I can't help myself to cry. Ang sakit sakit pala talagang makita ang taong mahal na mahal mo na may kahalikang iba lalo na kung sa napakahalagang araw ng buhay mo.

When they parted their lips, napatingin sa gawi ko si Brent and he called my name.

"Nikki.."

Noon, ang saya saya ko kapag tinatawag niya akong Nikki. Siya lang kasi ang nag iisang taong tumatawag sa akin nun. But now, matinding sakit ang nararamdaman ko.

Gusto ko mang tumakbo, hindi ko magawa dahil parang napako na ako sa kinatatayuan ko. Basta ang alam ko lang ay umalis na si Shaylee habang nasa harapan ko na si Brent.

He tried to touch me pero pinigilan ko siya dahil sa oras na gawin niya yun, baka mawala agad ang hinanakit ko sa kanya.

"S-sino ba si S-shaylee sa buhay mo B-brent?" Tanong ko dito.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Sagot nito sa tanong ko ng isa pang tanong.

"Damn! Oo, gusto kong malaman! Answer me now Brent! Answer me!" I shouted at him.

"I.. I love her." What? Tama ba yung pagkakarinig ko o nabingi lang ako?

Muling bumuhos ang luha ko kasabay ng malakas na pagpatak ng ulan. Pati langit nakikidalamhati sa sakit na nararamdaman ko.

"A-ako? Ano ba k-ko para s-sayo?" Nagawa ko pa ring itanong dito.

"You're just like a little sister to me. Oo mahal kita pero bilang isang kapatid lang. Nothing more." Mas masakit palang marinig yun mula mismo sa bibig niya.

"Little sister?" Tumawa ako ng mapait. "So all this time, lahat ng ipinapakita mo at ng ipinaparamdam mo para lang sa isang nakababatang kapatid? Damn you! Alam mo naman na mahal kita! Kung sa umpisa pa lang lumayo ka na hindi na sana ako umasa! Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito! Mas mabuti pa sanang pinatay mo na lang ako!" Hinanakit ko dito sabay takbo.

Ang gusto ko lang mapag isa, gusto kong makalimot. Kung pwede ko lang ibaling sa iba itong nararamdaman ko, matagal ko ng ginawa. Kung pwede lang.

Isang linggo din akong tulala at parang wala sa sarili ko. At ang ikinasasama lalo ng loob ko, hindi man lang siya nagpakita pagkatapos ng lahat. Wala lang talaga ako sa kanya. Wala lang.

I decided to fly to States and live away from him. Gagawin ko lahat makalimutan lang ang damdamin para sa kanya as I start to build my dreams.

*end of flashback*

Helplessly Inlove With My Kuya's Bestfriend (Oneshot)Where stories live. Discover now