- Special Chapter -

205 30 14
                                    


- SPECIAL CHAPTER -


KANINA pa palinga-linga si Jan mula sa kina-uupuan niya para lamang hanapin ang pigura ni Chris sa kabilang parte ng lugar kung saan ginaganap ang kanyang graduation. Nag-aalala siya para sa binata. Hindi kasi niya nasiguro kung pupunta ba ito o hindi dahil may tinatapos itong trabaho.

Happy Graduation day! I love you my princess!

-Chris

'Yan lang ang text sa kanya ng binata simula kaninang ala-sais ng umaga at hindi na 'yon nasundan pa. Hindi niya tuloy alam kung nasaan na ito at kung ano na ang ginagawa nito. Muli niyang nilibot ang tingin sa paligid. Wala parin kahit ang anino ng nobyo niya. Napa-buntong hininga tuloy siya. Hindi niya sinabi dito na Suma-Cumlaude siya dahil surprise niya 'yon kay Chris. Kaya nanghihinayang siya kung wala ito. Paano nalang ang surprise niya?

"Uy! Beh, 'wag kang malikot diyan." Puna sa kanya ng katabi niya.

"Sorry." Ani niya saka umayos ng upo.

Nasa badang unahan siya naka-pwesto dahil tatawagin mamaya ang mga Suma-Cumlaude. Nilingon niya ang lugar ng mga magulang niya. Naka-prente 'yong naka-upo. Buti pa ang mga 'yon. Nagsisimula na siyang mainis.

Kinuha niya ang kanyang cell phone saka di-nial ang numero ni Chris. Ring lang 'yon ng ring.

"C'mon Chris, sagutin mo 'to." Bulong niya sa sarili habang naka-tutok ang cell phone niya sa kanyang tainga.

Mas lalo siyang nainis ng nagsimula ng tawagin isa-isa ang mga ka-batch mate niya para bigyan ng Diploma. Natataranta siya, kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit ba niya 'yon nararamdaman. Hindi niya magawang makapag-pokus sa programa dahil iniisip niya ang nobyo. Baka kung ano na ang nangyari do'n.

Kinakalma niya ang sarili habang palapit na ng palapit ang pagtawag sa kanila ng emcee. Nagsimula naring tumayo ang nasa likuran nila at sila na ang susunod. Tinignan niya ang puwesto ng mga magulang. Nagbabakasakali siyang masipat niya doon ang nobyo pero gaya kanina, wala parin ito.

Nagsimula ng magtayuan ang nasa kaliwang bahagi niya kung saan doon na sila magsisitayuan upang sumunod sa pila ng mga nauna. Doon na sila tatawagin isa-isa at aabutan ng Diploma. Tinignan niya ang entrance, nagbabakasakali siyang baka nandoon si Chris at nahihiya lamang pumasok. Pero wala. Wala doon si Chris. Napa-buntong hininga na lamang siya.

Pilit na ngiti ang lumabas sa labi ni Jan ng iabot sa kanya ang kanyang Diploma.

"Congratulations!" Bati sa kanya ng Dean niya sa kanya. Nakipag-kamay siya dito at nagpasalamat saka na siya umusad upang makababa sa stage.

Bagsak-balikat siya habang bumababa siya sa hagdan. Sa sahig lamang siya nakatingin dahil ayaw niyang may makakita sa kanya. Ramdam niya ang pag-lingid ng kanyang luha. Oo sabihin na nating OA siya, pero kasi isa 'yon sa pinaka mahalagang pangyayari sa buhay niya.

Napansin niyang may makaka-bunggo siyang tao kaya naman umiwas siya dito pero naramdaman niyang may pumigil sa kanyang balikat saka siya hinawakan sa baba at ginaya 'yon patingala. bigla na lamang naglandasan ang luha niya sa kanyang pisngi ng makita niyang si Chris 'yon. Mabilis niya 'tong tinalunan ng yakap at doon siya nag-iiyak sa balikat nito.

"Ang daya mo! Nakaka-inis ka!" Sambit niya sa pagitan ng paghikbi niya.

"Ssshhh! Tahan na Princess. Andito na ang Prince mo." Pang-aalo nito sa kanya habang hinahaplos-haplos nito ang buhok niya. Hindi na naman siya umumik. Nakayakap lang siya kay Chris. Ninanamnam niya ang oras na 'yon.

"Happy Graduation day Princess." Bulong nito sa kanya. Lumayo na siya dito. Nakangiti na siya ngayon habang kaharap si Chris.

"Akala ko hindi kana talaga pupunta." Nakanguso niyang sabi dito. Tinawanan lang naman siya. "Ikaw talaga!" Sabay hampas niya dito.

"Oh? Ano na namang ginawa ko?" Tanong nito sa kanya. Umingos lang naman siya.

"Gumilid tayo, nakaka-agaw na tayo ng antensyon sa iba." Bulong sa kanya ni Chris. Gumilid naman na sila. Sa may entrance sila napadpad.

"Akala ko hindi kana talaga pupunta." Mahinang sabi niya kay Chris. Hinawi nito ang buhok niya saka 'yon pinuwesto sa likod ng tainga niya.

"Pwede ba 'yon? Eh special day mo 'to."

Pinigil niya ang mapa-ngiti. Grabe! Kinikilig siya. Prisensya palang ni Chris okay na. Kahit walang flowers o chockolates basta kasama niya 'to buo na araw niya.

"Congratulation Jan!" Sabay silang napa-lingon sa likuran ng marinig nila ang boses ni Marga. "Pasensiya nahuli kami may dala eh." Sabay taas nito ng malaking paper bag. Namilog ang mga mata niya ng makita niya 'yon.

"Congrats!" Napabaling ang tingin niya sa likuran ni Marga. Si James 'yon at may dala 'tong bouquet of Rose. Lumapit 'to sa kanya at inabot 'yon. Napatingin muna siya kay Chris at tinanguan lang siya nito. Inabot niya na ang Rose, sayang din naman.

"Salamat" Nakangiting sabi niya kay James.

" 'Wag ka sa'kin magpasalamat. Kay Chris 'yan, pinadala lang sa akin dahil sabi niya mahuhuli siya kung dadaanan pa niya 'to. Total pupunta rin ako." Paliwanag nito.

Napatingin siya kay Chris. Nasa malayo ito nakatingin, doon sa stage kung saan may mga kapwa niya college students ang tumatanggap ng kani-kanilang Diploma.

"Ikaw!" Natatawang sabi niya saka pinaggigilan ang pisngi nito.

"Aww! Ouch! Masakit!" Daing nito dahil sa ginagawa niya. Tinatawana lang naman siya nito, gaya ng pagtawa sa kanila nina James at Marga.

Mag karelasyon ang dalawa at matalik lang na magka-ibigan si Marga at Chris.

'Yung nakita niyang eksena sa Jollibee, 'yon ay ang nasa hindi pagkaka-unawaan ng dalawa. At si Chris ang nilapitan ni Marga dahil magkaibigan sila, kailangan niya ng karamay. Siya lang talaga 'tong kung mag-isip--- nega!

Nahigit niya ang kanyang hininga ng hulihin ni Chris ang dalawa niyang kamay.

"Ang ligalig mo ngayong araw ah. Nasobrahan ka siguro sa matamis ngayon kaya ang hyper mo." Sabi sa kanya ni Chris.

"Kinikilig lang 'yan Chris!" Kantiyaw sa kanya ni Marga.

"Oy! H-hindi ah!"

"Ay! Sus!" Tukso rin sa kanya ni James. Amp! Pinagtutulungan siya ng mga 'to.

"Oy! Hindi naman talaga--- Aray!" Daing niya dahil mabilis siyang piningot ni Chris sa ilong niya saka siya nito hinalikan sa noo.

"Ikaw talaga, hanggang ngayon hindi ka parin marunong umamin sa tunay na nararamdaman mo." Ani ni Chris sa kanya. Napasinmangot nalang siya. Hanggang ngayon kasi nahihiya parin siya dito, parang ano kasi eh--- basta!

"I love you." Mahinang usal niya dito na tanging sila lamang dalawa ang makakarinig.

"I love you more." Paos na sagot sa kanya ni Chris. " 'Yung parents mo nakatingin sa 'tin." Pahabol pang sabi nito sa kanya.

"Okay lang 'yan, alam naman nilang nasa mabuti akong kamay." Sagot niya dito kasabay ang paghagikgik niya. Tumawa din naman si Chris dahil sa kapilyahan niya.

Ang graduation na 'yon ay naging espesyal para kay Jan. At paanong hindi magiging espesyal gayong kumpleto ang pamilya niya, naro'n ang lalaking umaapaw ang pagmamahal sa kanya. Sa mga lumipas na taon sa kanilang dalawa ay patuloy silang tumatatag.

Once upon a Jollibee, akalain mo nga naman na ang isang tagpo lamang sa loob ng Jollibee ay magiging tulay na 'yon para makita, makilala at makasama mo ang taong nasa dulo ng daan. 'Yung taong itinadhana pala sa 'yo ng Diyos para makasama mo habang ikaw ay namumuhay pa.

For the First Time  ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora