Un-invisible- #1

274 43 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Un-invisible

#OnceuponaJollibee #Wattys2016


Lahat tayo may kanya-kanyang lugar kung saan komportable tayo. Komportableng gumawa ng; assignment, kumain, mag liw-aliw. Minsan nga sa magkaka-ibigan, may lugar sila kung saan sila tatambay.

Kahit ang mga naka in a relationship may spot silang lugar kung saan sila pupunta.

Pati narin ang single, lalo na ang nauuso ngayong mga hugot queen at hugot king.

Pero ikaw? Saan ka ba komportableng lumugar?

Tipong hindi ka loner/lonely. 'Yun bang kahit sa lugar na 'yon eh alam mong may nagpapahalaga sa'yo... Lugar na kung pwede sana'y do'n mo na makilala ang forever mo nyaaahh!

Umaga nang araw na 'yon. Napagpa-siyahan ni Jan na pumunta muna sa Jollibee para mag-almusal muna bago pumasok. Breakfast Steak Meat ang kanyang in-order at ngayon ay nasa harapan na niya. Tahimik lang siyang kumakain no'n at dahil nga umaga palang, madalang ang mga taong nagsisipag-labas-pasok. Hindi rin gano'n kapuno ang loob dahil iilan pa lamang silang customer.


Nasa kala-gitnaan na siya ng pagkain nang may bigla na lamang umupo sa katapat niya. Mabilis niyang ini-angat ang tingin. Natigilan siya ng makita kung sino ang naki-share nang table sa kanya--- pogi!

"Mag-isa ka lang?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

Minsan talaga ang pinoy, nakita na ng mga mata tapos mag tatanong parin. Muka ba siyang may imaginary friend na kasama?

"Ah, oo." Kiming sagot na lamang niya dito.

Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain para agad narin siyang maka-alis sa lugar. Pero na-realize niya, pwesto niya 'to sa tuwing pupunta siya dito sa Jollibee... itong sulok na 'to ang lagi niyang inuupuan. Hanggang sa nasanay na pati ang mga staff ay nasanay narin na makita siya sa puwesto niya na 'yon kaya bakit siya ang kinakailangang magmadaling kumain para umalis? Napa-iling na lamang siya.

"May problema ba?" Tinignan niya ang lalaking katapat niya. Hindi naman ito mukang masamang tao, pero nagtataka rin siya kung bakit dito ito sa kanya naki-share ng table.

"Wala naman. Kumain ka lang po, 'wag mo kong pansinin." Nakangiting sagot niya dito... ngiti na sa pakiramdam niya ay ngiwi.

Bigla na lamang itong tumawa na siya namang ipinagtaka niya.

"Alam mo, nakaka-tuwa ka. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo, ayos na 'yung ipakita mo kung ano talaga ang nararamdaman mo." Medyo natigilan siya sa sinabi nito. Parang doble kasi ang meaning no'n.

For the First Time  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon