Un-invisible #2

383 44 95
                                    



"CLASS DISMISS" 

Anunsyo ng kanilang Propesor.

Walang ganang sinilid ni Jan ang mga gamit sa kanyang bag saka na tumayo upang makalabas na sa room. Nabangga pa siya ng bag nang kaklase niya pero hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa kanya. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad palabas ng room. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Ganito naman ang mga kaklase niya.

Lumabas na siya ng tuluyan.

Sinipat niya ang paligid nang nasa labas na siya ng gate. Marami ring mga ka-school mate niya ang ngayon ay naglalakad na papunta sa kung saan. Siya kaya? Saan kaya siya pupunta? Ang aga kasi nilang di-nismiss.

Magta-tanghali na. Medyo kumakalam narin ang sikmura niya dahil sa hindi niya pag-almusal. Naglakad na siya papunta sa Jollibee para um-order do'n ng makakain.

Saktong may naglilinis sa glass door ng Jollibee kaya naman ito na ang kusang nagbukas no'n para sa kanya. Nginitian na lamang niya 'to. Pagpasok niya sa loob ay agad niyang nilibot ang tingin sa paligid. Puno ang Jollibee pero may nasipat siyang puwesto para sa kanya. Walang tao sa counter kaya naman agad siyang naasikaso at naibigay sa kanya ang order niya.

Bigla niyang naalala si Chris. Hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Una sa lahat ay dahil hindi ito multo. Pangalawa, hindi siya nito kasintahan para sabihin nito ang mga lakad nito. Napa-buntong hininga na lamang siya.

Kinain niya na ang pagkain na nasa harapan niya. Natigilan siya sa pag-nguya ng matanaw niya sa entrance ng Jollibee ang pigura ng isang babae at nang lalaki na ngayon ay masayang nagtatawanan.

"James anong gusto mo?" Tanong pa ng kasama nito.

"Kahit ano nalang. Basta pagkain." Sagot naman ni James sa babae.

Pakiramdam ni Jan eh, mabibilaukan siya dahil sa mga nasasaksihan niya. Itong kasama kasi ni James nababae, siya rin 'yung nakita niyang kausap ni Chris. Muli niyang tinignan ang dalawa. Mahahalata sa mga 'to na matagal na silang magka-kilala.

Agad siyang napayuko ng tumingin sa gawi niya si James. Hindi niya alam kung bakit niya 'yon ginawa, pero isa lang ang nasa isip niya. Paano si Chris? Ang nasa isip niya pa naman... Girl friend ni Chris 'yung babae na 'yon. Bakit... Bakit ang gulo?

At ano nga bang pakialam niya?

Unti-unti niyang tinaas ang tingin niya. Napabuga siya ng hangin ng makita niyang busy na ulit sa pag-uusap ang dalawa. Nagkaroon narin ng pila sa counter kaya naman mas tatagal pa ang dalawang 'yon. Ginawa niya 'yon dahilan para ubusin ng mabilisan ang pagkain niya.

Nang makatapos na siya sa pagkain. Pasimple niyang sinukbit ang bag niya. Hinarang din niya ang mahaba niyang buhok sa muka niya para hindi siya mamukaan si James.

Nakahinga siya ng maluwag nang makalagpas siya sa dalawa. Pero mabilis din niyang nahigit ang paghinga niya ng may makita siyang pamilyar na muka--- si Chris!

Nanlaki ang mga mata niya ng magtagpo ang tingin nila. Daig pa niya ang nakakita ng multo sa sobrang bilis ng tibok nang kanyang puso. A-anong gagaawin niya? Unti-unti ng nakakalapit sa kanya si Chris.

"Jan" Nakangiting tawag nito sa kanya. Samantalang siya hindi niya alam kung paano at kung saan niya ilalabas ang hangin na nasa loob ng kanyang dibdib.

"H-hi?" Hindi niya alam kung paano niya nagawang makapag-hi dito gayong ramdam niya ang pag-nginig ng kanyang labi. Na-miss niya 'to ng sobra-sobra.

Tinawanan siya nito. At sa pagtawa nito, do'n niya naramdaman ang pagbagal ng tibok nang kanyang puso. Na para bang sumasabay ang pintig no'n sa tawa nito. Confirm! Mahal niya nga talaga si Chris. Totoo nga! In-love na siya dito. Pero hindi niya alam kung may feelings din ba ito para sa kanya.

For the First Time  ✓Where stories live. Discover now