She is the living proof of the word 'karma'. Mess with her and expect your karma, sooner than you expected because dear, she is karma itself.

"You didn't just blurted that to my mother." Galit nitong saad. Halatang galit na talaga ito.

"What?!" Sigaw ni Tita Mercy ng maproseso ang sinabi niya. "He's out on a movie date with that girlfriend of him?!"

Hala, mas galit na ang nanay nito.

"Mare, akala ko ba nakipaghiwalay na ang anak mo sa girlfriend niya? Ayaw ko namang magmukhang third party ang anak ko." Saad naman ng mommy niya.

"Hindi, hindi. Nag-usap na kami ng batang iyan. Give me the phone Ianna, I'll talk with that hard headed man."

Inabot niya agad ang cellphone niya. Takot lang niyang siya ang mapagbuntunan nito ng galit. She have never seen her Tita Mercy this angry.

"Blake." She said dangerously. "Napag-usapan na natin ito hindi ba? Now, you came here or I'll tell your dad about this." Iyon lang at ito na mismo ang nag-end ng call. Inabot nito ang phone sa kanya.
"Pasensya na kayo, mare at Ianna. Maybe he's starting to break up with the girl."

Hindi na siya nagkumento pa. She knew better. Sa mga sinabi ni Blake kanina mukhang malayong mangyari ang sinasabi ng kanyang Tita.

After fifteen minutes, humahangos na dumating si Blake. Naupo ito sa tabi niya dahil wala naman ng iba pang bakante. Kaharap nila ang kani-kaniyang ina at sa one seater naman ang isang bading na sa tingin niya ay ang wedding planner.

"Okay, the future groom is here so let's start. I'm Leo but of course I prefer you calling me Lia." Pakilala ng bading na siyang ikinatawa ng mga ginang.

"Nice to meet you Lia." Bati ng dalawa.

Nginitian lang niya ito samantalang si Blake ay tinanguan lang ito.

"Magsisimula muna tayo sa pinaka-importante, ano po ang gusto ninyong kasal. Is it a church wedding, garden, beach?"

Nagtinginan ang mga nanay nila. "I think we should go with the traditional one." Pahayag ng mommy niya.

"Ay naku mommy, baka masunog ako sa simbahan! You know the whole set-up, baka magtampo po
ang Diyos sa atin." She make it sound lightly kaya napangiti tuloy ang dalawang kaharap niya.
Ewan ko lang kung hindi rin masunog 'tong katabi ko sa sama ng ugali niya. She said to herself.
"Isa pa, I'm no saint mom. Baka pagpasok ko pa lang ng simbahan sunog na agad ako." She kidded which made them chuckle, except Blake of course.

"Garden wedding?" Suggest ni Tita Mercy.

"Nag-garden wedding na po iyong kaibigan ko last year Tita, ayaw ko namang masapawan ang kasal niya." Saad niya na ang tinutukoy ay ang kasal ni Leian.

"Why don't we ask the groom?" Saad ni Lia.

"Anything will do." Tipid nitong saad.

She rolled her eyes, wala na siyang pake kung makita pa iyon ng mommy ng binata.
"Bakit hindi na lang sa isang function room? Para minsanan ang venue, hindi hassle. After ng wedding, kainan na agad, nakaupo na agad sila sa kanilang mga upuan and ready to eat. Hindi na mahahassle ang mga bisita at makakatipid pa tayo sa oras." Saad niya.

Tumango-tango sila.

"You have a point hija."

"Thank you Tita." She said smiling to Blake's mom.

"Naku! Quit calling me Tita, mabuti pa sanayin mo ng tawagin akong mommy."

Ang bait talaga ng parents ni Blake sa kanya. She can say that they like her kahit nga ganun ang ugali niya. Mataray, matapang at napaka-straightforward. "Sige po Ti.... I mean m-mommy."
She give her a genuine smile. Atleast mabait ang magiging mother-in-law niya diba? Iyong iba nga namomroblema sa mga in-laws nila. Pero siya, sa mismong mapapangasawa niya namomroblema. Hanep!

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now