Chapter 14:

2.7K 55 3
                                    

"Liziel, ano ba ang problema mo, bakit ka nagliligpit ng mga damit mo?" ang nagtatakang lalaki.

"Uuwi sa bahay ko! Kaya pala hindi ka umuuwi kung minsan kasi doon ka pala sa Gwen mo! Bakit?" ang galit na bulyaw ni Emerald.

"Sinasabi ko naman sa'yo, na hindi iyon totoo. Isa pa ni hindi ko nga iyon pinatulan. Dahil ikaw ang mahal ko, kaya puwede ba honey tumigil ka na sa ginagawa." ang lambing niya sa kasintahan.

"Puwede ba, Joseph tigilan mo iyang ginagawa mo sa akin, dahil galit ako sa'yo!" ang mahina na bigkas ni Emerald dahil kinikiliti siya ni Joseph.

"Pasensiya na talaga hon, at alam mo naman na nasaktan din ako kanina, ang sakit pa nga ni Junior oh, tingnan mo nga." sabay tawa ng lalaki.

"Ang bastos mo!" sabay balibag ng ilang damit sa mukha ng binata at dahil doon ay alam na ng binata na hindi na aalis ang binata.

~~~~

"Hi! Cora, puwede ba kitang makausap ngayon?" ang hingi permiso ni Joseph.

"Ikaw pala Joseph? Nasaan ba si Liziel?"

"Hindi ko siya kasama kasi, may lakad sila ng mga kaibigan niya."

"Gano'n ba, ano ba ang kailangan mo?"

"Puwede ko ba kayong makausap na dalawa ni Britt?

"Parang, narinig ko yata ang pangalan ko ah!" ang bungad ng asawa ni Cora.

"Britt pare! Kumusta na?"

"Ito pare hiyang na hiyang sa pagmamahal ng asawa ko."

Nagkamay ang dalawang lalaki. At kinausap niya ang mag asawa at humingi ng tulong para sa gagawin niyang pagpopropose kay Liziel. Kaya Liziel talaga ang tawag nila, nasanay na kasi sila sa Liziel.

"Liziel, bakit ganyan ang mukha mo? At bakit may kalmot ka? Nababakla na ba si Joseph at kalmutan nalang kayo?" ang bati ni Sheryl.

"Oo, nga Liziel? Bakit ganyan nga ang mukha mo?" ang dugtong ni Bridal.

"Ano ba kayo, si Joseph bakla? E ang dami nga akong karibal do'n."

"Bakit kasi, hindi nalang kayo magpakasal?"

"Paano naman iyon mag aya ng kasal, baka takot iyon, kaya livein lang ang kaya."

"Hoy! Huwag niyo naman ganyanin si Joseph, baka hindi pa handa

"Sus, ipinagtatanggol pa talaga ang kanyang honey atty."

"Para kayong mga iwan. Siya tapos na ako, kayo naman balitaan niyo naman ako, sa inyong mga affairs ngayon?"

"Maayos na ang mga buhay namin mula ng umasenso ka." ang sabay na wika ng kanyang mga kaibigan.

"Wala iyon, basta huwag lang ninyo, kalimutang tumulong sa mga nangangailangan din. "

"Alam namin iyan Liz."

Pinagpapatuloy nila ang bonding sa isang resthouse nila sa Baguio at isang linggo ang bakasyon nilang magkakaibigan.

Naging masaya sila sa kanilang bakasyon. Pero hindi parin mawala sa isip ni Liziel si Joseph kung ano ang ginagawa nito at saan ito natutulog, kumakain. Lalo pa at hindi man lang siya tinatawagan at kung tinatawagan naman niya ay hindi sumasagot pati ang lola niya at lola ni Joseph.

"Ano, nag enjoy ba kayo sa bakasyon natin girls?" ang masigla niyang bati sa mga kaibigan.

"Oo, naman noh!" ang masayang sagot ng mga kaibigan niya.

Pagdating sa condo nila ng binata ay wala man lang siyang nakitang palatandaan na umuwi ng condo ang binata, kaya nakaramdam siya ng takot baka kung saan naman natutulog ang lalaki.

Napapitlag siya ng biglang tumunog ang telepono. Nagmamadali niya itong sinagot.

"Hello... !" ang medyo kinakabahang sagot niya.

"Liziel..! Si Cora ito! Kaninang umaga pa ako tawag ng tawag sa'yo!" ang sigaw ni Cora sa kabilang linya.

"Kakarating ko lang, mare." ang matamlay na sagot niya kasi ang akala niya ang binata ang tumatawag.

"Puwede ka bang maimbihan, mamayang gabi para sa anniversary namin ni Britt?"

"Ilang taon na ba mare?"

"Limang taon na po. Kaya di mo na naalala kasi may iba ka ng pinagkakaabalahan ngayon." ang kunwaring nagtatampo si Cora.

"Sus, kailan ka pa natutong magtampo Cora?"

"Hoy! Liziel! Sino ba ang hindi magtatampo sa'yo? E, halos hindi na tayo nagkikita o kahit hindi na tawag nalang. Pero wala? Ano ang mararamdaman ko?"

"Oo na, sige babawi na lang ako."

"Mabuti naman kung gano'n, kaya mamaya puwede ba huwag kang magpahuli sa party mamayang gabi 7:00pm."

"Okay, uunahan kita sa party mo, kung gusto mo punta na ako ngayon din." ang hamon na may kasamang biro ni Liziel.

"Grabe ka naman kung bumawi, 7pm ang party, 3'clock gusto mo ng pumunta? Hindi pa nga nagsimula ang party agnas na ang beauty mo."

Nagkatawanan ag dalawa at nagpaalaman na. Napagkasunduan na nila na dun nalang sila magkikita at binilinan pa siya na huwag kalimutan ang regalo daw para sa mag asawa. At magpaganda din daw siya para lalong mainlove ang kanyang attorney Joseph Mangkikis.

~~~

Nagpahinga muna ang dalaga at pagod din siya tutal may apat na oras pa siya at puwede naman kahit pasado alas-7 na siya darating.

Nagising siya dahil sa doorbell, bumangon siya at pinagbuksan niya.

"Ang tagal mo namang magbukas ng pinto, nangangalay na kami dito." ang angal nina Bridal at Sheryl na may dalang kahon.

"Ano ang ginagawa ninyo dito? At ano iyang dala niyo?"

"Ano pa dinala namin ang isusuot mo sa party ni Cora." ang sagot ni Sheryl.

"Ano ? Bakit niyo alam na may party akong pupuntahan?" ang nagulahang dalaga.

"Siyempre, imbitado din kami no! At dahil malapit lang naman itong condo mo sa hotel na pagdadausan ng party kaya, dito na din kami magbihis at sasabay kami sa'yo."

Hindi na nagtanong pa ang dalaga, nakisabay na rin siya sa paghahanda ng dalawang dalagang kaibigan at masayang masaya siya dahil kung nagbago ang buhay niya ay gano'n din ang nagiging buhay ng kanyang mga dating kasamahan sa beerhouse ni Mang Douglash at maging ito man ay binigyan niya ng bagong negosyo dahil ayaw na niya na may iba pang buhay ang malugmok sa kasalanan na mortal.

Naalala niya ang mga pinagdaanan niya noong panahong lugmok siya sa kahirapan ay naluluha, dahil kung paano siya naghirap at paano binaboy ang kanyang katawan ay hindi siya nagpadaig bagkus bumangon siya at lumaban.

Ngayon may pamilya na talaga siya na kanyang matatawag na sa kanya. At mga kaibigan na tunay.

"Hoy! Bakit ang layo ata ng tingin mo?" ang pukaw ni Bridal.

"Wala naman, naalala ko lang ang mga pinagdaanan ko, natin dun sa lugar natin sa eskwater."

" Kaya pala. Siya huwag mo na isipin iyon, basta malaki ang pasasalamat namin sa'yo dahil isinama mo kami sa iyong pag angat."

"Ano iyan pinag gagawa ninyo." ang wika ni Sheryl na naluluha din.

"Wala naman. Sige na mag ayos na tayo at alas-sais na at baka matrapik tayo."

Nagtaka si Liziel dahil ang damit na dala ng mga kaibigan ay parang masyado itong bongga para lang sa dadalo sa isang wedding anniversary. Pero hindi na siya tumutol pa tutal maganda naman ito at parang isinukat talaga sa kanya. At ang ipinagtaka pa niya ay bakit hindi man lang tumawag ang binata. Kinakabahan na talaga siya at hindi niya alam kung bakit.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGWhere stories live. Discover now