Chapter 5:

2.8K 63 2
                                    

"MGA saksakan talaga kayo ng tanga! Bakit hindi niyo binantayan ang mga iyon?"

"Boss, ito kasing si Nano, ayaw magpaiwan ang sa sala kanina." ang kakamot kamot na si Genesis.

"Paano iyan, kapag magsumbong sa mga pulis! Lagot tayo? Kaya kailangang mahanap sila! Kung hindi isama ko kayong ibaon kasama ng ga kalat sa loob!" ang nanggagalaiti na si Darius.

"Hindi ko mahanap si Mang Ruben, malamang siya ang nagpatakas sa mga iyon, kaya kailangang madala iyong matanda sa harapan ko! At puwede ba linisin niyo iyong kalat sa loob! Kabilinbilinan ko sa inyo na linisin niyo ang mga kalat. Pero ano ang ginawa niyo? Pinabayaan niyong makita iyon ng mga babae ko!"

"Pasensiya na Boss Darius, si Paeng kasi, nagustuhan niyang galawin iyong isang nakasabit kahit malamig na."

"Puro kayo, palusot! Nasaan na ba iyong inutusan ko, bakit wala pa sila." ang galit na galit na pinuno.

"Sheryl! Ano ba bilisan mo at ayaw ko pang mamatay!"
ang sigaw ni Bridal.

"Puwede ba huwag na kayong magulo, Sheryl sa daan lang ang mata at malapit n tayo sa checkpoint kaya, bilisan mo at diinan mo ang busina ng sasakyan." ang mando ng matanda habang naghahalungkat sa ilalim ng mga upuan at may nakita itong baril.

Nakipagbarilan siya sa mga humahabol sa kanila. Sapol ang isang nakadungaw ang ulo.

Si Liziel, ay nagdarasal na lamang siya at nangako na ituloy na talaga niya ang pag alis sa trabaho.

Agad silang pinara ng nasa checkpoint at si Mang Ruben na ang nagpaliwanag, isa pala itong asset ng pulis dahil sa nagaganap na pagkawala ng mga kababaihang nagtatrabaho sa mga beerhouses at mga club.

Dahil sa pakiusap nila na hindi na haharap ay hindi naman sila pinilit. Nahuli naman ang mga leader ng mga sindikato.

~~~~~

Isang gabi habang wala naman siyang ginagawa ay dumalaw siya sa bahay ni Cora.

"Tao po... Cora, magandang gabi." nagtataka siya kasi walang sumasagot sa kanya.
Sino iyan?" ang sagot ng isang bata na halatang matamlay ang boses.

"Si Liziel. Nariyan ba nanay niyo."

"Nasaan?" ang nagtatakang dalaga kasi, hindi iniiwan ni Cora ang mga anak kapag gabi na.

"Tita, Liziel ikaw pala iyan, tuloy po kayo."

" Bakit ang tatamlay niyo? Nasaan ba ang nanay niyo?"

"Hindi po namin alam tita. Kaninang umaga pa po siya umalis at hanggang ngayon di pa bumabalik."

"Kung gano'n, wala pa kayong kain buong araw?"

"Opo, tita, si Rachma nga po masakit pa ang tiyan dahil puro tubig nalang ang laman ng sikmura namin."

"Ha? Ano ba namang klasing ina iyon. Hala magbihis kayo at aalis tayo."

Agad ngang nagsikilos ag mga bata. Habang kumakain ay naaawa siya sa mga bata.

"Nasaan kaya ang nanay niyo?"

"Hindi po namin alam, nag alala na nga po kami sa kanya."

"Baka may pinuntahan lang. Sige kumain pa kayo pa mamaya dadaan tayong palengke para may mailuto tayo sa umaga."

"Talaga po tita? Yehey! Kakain na naman kami ng masarap."

Pagkatapos kumain ay dumaan nga sila sa palengke.
Lumipas ang tatlong araw ay walang Cora na dumating, pero hindi iniwan ni Liziel ang mga bata.

Nagulat sila isang umaga habang nag aalmusal sila ay biglang dumating si Cora naka hospital gown pa ito.

At may kasama itong binata. At dahil wala naman siyang hinihintay ay sumama siya sa mag ina at doon niya sisimulan ang pagbabagong buhay at sana maging maayos ant lahat para kung darating ang panahon na magkita sila ni Joseph ay taas noo siyang haharap dito.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora