Chapter 11:

2.7K 58 4
                                    

Habang nagpapatuloy ang kasiyahan, ay may book signing din si Emerald. Dahil gusto niya na magsimulang si Emerald na alam ng mga tao kung sino siya noon.

Wala siyang itinago para hindi na siya dadalawin ng kanyang mga panaginip n nagiging bangungot, maliban sa lalaking laman ng kanyang puso.

Samantalang si Cherry mae Linsagan ay nag iisip parin ng paraan kung paano mapansin ni Joseph.

"Kita mo na Josh! Ginamit ka lang talaga ng pokpok na iyan upang malaman kuno ang tunay na pamilya! Pero alam ko, hindi siya tunay!" ang galit na galit na dalaga. Hindi kasi makakapayag na ang kinikilala niyang lola ay maaagaw ng kanyang karibal pati na sa kayaman ng mga Javier.

Ang ama ni Cherry mae ay pamangkin ni Doña Emirald, at ito ang namamahala sa mga negosyo ng mga Javier.

Kaya pala biglang nawala ang matanda nahanap na daw pala ang apo. Pero dahil sa sobrang inggit ay marami ng naiisip na masasamang plano ang dalaga, lalo pa't deadma
lang siya sa binatang abogado. Kahit daldal siya ng daldal ay parang wala lang narinig ang kausap kasi abala ang isip nito para sa dalagang kausap ni Cora at Britt.

"May sinasabi ka ba Cherry mae?"

"Ano ka ba naman Josh, pati ba pangalan ko, kapag binibigkas mo, wala man lang lambing." ang nagtatampong dalaga.

"Hoy! Ayaw ko n maging bastos sa'yo, ngunit sumusobra kana. Kung puwede lang huwag mo akong kulitin, baka makalimutan kong babae ka!" hindi na talaga nakapagtimpi pa ang binata at nabara nito ang kausap.

"Hmp! Sige lang Atty. Joseph Mangkikis, iwasan at deadmahin ako pero, darating din ang araw na magmamakaawa ka sa pagmamahal ko."

Hindi parin siya pinansin ng binata dahil abala ang mga mata nito sa kakasunod sa kilos ng dalaga na kanina pa pinag aagawang isayaw ng mga bachelors n dumalo sa welcome party ng dalaga.

"Emerald, ako si Albert Zobel. Puwede ba kitang isayaw?"

Tatanggi na sana ang dalaga dahil pagod na siya at gusto niyang makausap ang mga kaibigan. Pero ng makita niyang palapit
ang binata sa kanyang kinaroroonan kaya napilitan siyang, sumama sa binata sa dance floor.

Nang magsimula silang magsayaw ay hindi napigilang landian ang pagsayaw dahil nadadala na siya sa music, pakiramdam niya siya si Catherine Zeta-Jones sa pilikulang The Mask of Zorro.

Lahat nagtabihan at napalibutan sila ng mga tao. At makikita sa mga mata nila ang tuwa at inggit dahil nakasayaw niya ang isa sa pinakasikat na binata.

Pero si Joseph ay napakuyom ang kamao dahil selos na selos ito, sa bawat lapat ng katawan ng dalawa habang sumasayaw ay pakiramdam niya ay nagti-take-advantage si Zobel sa dalaga lalo pa't kilala itong playboy.

Pagkatapos ng sayaw ay isang masigabong palakpakan ang kanilang natanggap mula sa lahat ng nakasaksi sa pinakitang galing nila sa pagsayaw.

"You are so great, Emerald! At sana simula na ito ng isang maganda nating pagtitinginan." ang bulong ng binata sa dalaga.

"Pasensiya na, pero may mga bisita pa ako at siguro naman napagbigyan na kita." habang sinasabi ni Emerald ay isang
Napipriskuhang dalaga sa binata.

Ang dami na niyang nakasalamuhang lalaki at alam niya kung sino ang totoo at nagte-take-advantage sa kanya pero sira siya pagdating kay Joseph kasi puso niya ang nagdidisesyon at kahit gaano ito supilin ng isip ay nangingibabaw parin ang naramdaman niya sa binata.

"Mare, ang galing mo talagang sumayaw ka, akala ko nga si Elena ka ng The mask of Zorro!"

"Bestfriend talaga kita.!" at nagtatawanan silang dalawa at hinanda na ni Emerald ang sarili para sa presscon na hinanda ng kanyang lola at alam niyang halungkatn ang kanyang pagkatao. Pero nakahanda na siya sa lahat. Ang hindi lang niya napaghandaan ang pagkikita nila ng binatang pinakakasabikan.

"Hoy! Lady Emerald, bakit tulaley ka diyan?" ang natatawang si Cora.

"Ikaw talaga kahit kailan panira ng moments ka." lalong nagcheer na lang sila.

Pagkatapos ng party at presscon ay kanya kanya ng uwi ang mga bisita. Maliban kay Cherry mae na halos wala na sa sarili sa sobrang kalasingan.

"I-Ikaw! A-Akala mo ba ay pumapayag
na agawin mo ng lahat ng pag aari ko! P'wes! Nagkakamali ka! Isang babaing pokpok!"

Nang marinig ni Emerald ang sinasabi ni Cherry mae ay hindi na siya nakapagtimpi pa. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa babaing lasing.

"Hoy! Babaing lasengga, wala akong inagaw sa'yo! Binabawi ko lang ang pag aari ko! Kaya wala kang karapatang laitin ako!" sabay talikod ni Emerald dahil tinatawag na siya ng lola niya.
Nagsimula at natapos ang party ay hindi man lang sila nagkausap ni Liziel o Emerald.

Pero pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya papayag na iwanan nanaman siya ng dalaga t gagawin niya ang lahat upang makasama lamang ulit ito.

~~~

Isang araw habang abala si Emerald sa paglilinis ng kanyang condo ay may nagdoorbel at nagulat siya kung sino ang kanyang napagbuksan.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGWhere stories live. Discover now