Chapter 6:

3K 64 2
                                    

"Best, ano ngayon ang plano mo." ang tanong ni Cora kay Liziel habang nag aalmusal sila isang umaga sa bahay ni Cora.

"Siguro, itutuloy ko iyong pangarap kong salon, kahit maliit lang."

"Puwede ko sabihin kay Britt na mag franchise ka sa salon niya."

"Sige, at alam ko na kung sino ang kukunin kong tauhan."

"Mamaya pagpasok ko sa opisina."

"Asus! De opisina na ngayon ng dating nangangalkal sa barusahan at nangdadakot ng bigas. Alam mo best, masayang masaya ako para sayo, kasi kahit gaano ka kalugmok noon, nakabangon ka na may dignidad. Ako kaya?"

"Liziel, kayang kaya mo iyan at malay mo, malalagpasan mo pa ako. Alam ko kung gaano ka hirap din ang pinagdaanan mo, hindi naman sukatan ang dignidad ng tao ang kanyang kahapon, ang mahalaga ay kung paano mo haharapin ang ngayon at bukas. Kaya puwede huwag mong isipin ang kahapon na hihila saiyo pabalik, kundi kapag naiisip mo iyon ay gawin mong inspirasyon, para sumulong sa buhay."

"Maraming salamat best at isinama mo ako sa iyong pag angat at hindi ka nandiri sa akin at higit sa lahat hindi mo ako ikinahiya na magiging kaibigan."

"Ano ka ba naman best, ako nga ang dapat magpasalamat sayo, kasi andon ka noong mga araw na walang wala ako."

"Hoy..! Ano ba kayo, kanina pa ako busina ng busina, kaya pumasok na lang ako. Kaya pala walang nagbukas ng gate kasi nagda drama na naman kayo." ang natatawang si Britt.

"Pasensya na, ito kasing kaibigan ko, nag si-sente na naman." si Cora na nakangiti sa binata, kahit anong pigil niya na huwag ngumiti kapag kaharap si Britt ay hindi niya napipigilan at bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Hoy! Mare, ang laway mo.!" ang buska ni Liziel sa kanya.
Nagtawanan nalang silang tatlo. Napag usapan ang tungkol sa negosyong papasukin ni Liziel at nagkasundo sila ni Britt na bibigyan siya ng isang branch ng salon nito at naiayos ang terms ang conditions.

Agad niyang sinimulan ang pagsasa-ayos ng lahat ng bagay bagay at lahat ng dating kasamahan binigyan niya ng trabaho. Nagpapasalamat ang mga ito sa kanya. Dahil hindi niya sila kinalimutan, kahit naawa sila kay mang Douglash dahil magsasara na ang negosyo nito ay hindi naman nagagalit, basta masaya ang matanda para sa kanyang mga angels kasi naging maayos na ang kanilang buhay.

~~~

"Joseph, hijo bakit mula ng 79th birthday ko ay, bumalik na naman ang pagiging bugnutin mo?" ang nag alala niyag abuela 83 taong gulang na ito ngayon.

"Wala po ito lola, pago lang sa trabaho ang until now wala parin akong nakuhang bakas ni Emirald." sabay hilamos ng mga palad sa mukha na hindi maitago ang pagkadismaya.

Paano naman kasi halos 17years na niyang hinahanap iyon. Naaawa na siya sa matandang Doña Emirald.

"Lola, baka magpahinga na muna ako at gusto ko maglagalag na muna."

" Mabuti nga hijo, para maiba naman ang routine ng buhay mo."
Simula sa araw, na iyon ay wala ng ginawa ang binata kundi ang maglasing nanaman sa mga beerhouses at nagbakasakaling makita ang dalaga. Pagkaalala sa dalaga ay bumalik, sa alala niya ang araw ng kaarawan ng lola niya...

"Liziel, huwag kang mahiya, kumain ka lang ha at sasayaw tayo pagkatapos nito."

"Hindi ba, nakakahiya sa lola mo?" ang nag aalangang dalaga.

"Bakit naman siya magagalit? Lahat ng narito ay puweding sumayaw.

Pagkatapos nilang kumain ay inakay na siya ng binata sa gitna ng bulwagan at nagsimula na silang sumayaw na noong una ay hawak lang sa bewang niya ang binata pero ng tumagal ay humigpit na ang yakap ng binata sa kanya.

Hindi na rin tumanggi ang dalaga dahil nagustuhan na rin niya ang init ng katawan ng binata.

Pati ang hininga nito na dumadampi sa kanyang tainga. Na nagdudulot ng kiliti sa kanyang imahinasyon.

"Baka naman, magkadikit na tayo nito?" ang malambing na biro niya sa binata ang biro ng dalaga.

"Gusto ko yan, para hindi na tayo magkakahiwalay pa."

"Hehmm! Ikaw talaga, ang korni mo." ang may halong lambing landi na wika ng dalaga.

Na naging dahilan upang higpitan pa ng binata ang yakap sa dalaga at humilig naman si Liziel sa dibdib ng binata. Naririnig na nga niya ang tibok ng puso nito.

Pero sa isang sulok ng bulwagan ay may mga mata na kanina pa nakatingin sa kanila.

"Akala ko si Penelope ang kaagaw ko sayo Josh? Iyon pala ay isang pokpok lang pala!" ang wika ni Cherry mae sa dalawa na hindi maikaila na narinig ng mga dumalo sa kasiyahang iyon dahil sa malakas na boses ng dalaga.

"Ano ka ba Cherry mae? Hindi kana nahiya at pati ba naman dito, ay dinadala mo ang pagkabastos mo.! ang galit na si Joseph.

Samantalang si Liziel ay nangapal na ang mukha sa hiya. Hindi talaga napigilan ng binata ang bunganga ni Cherry mae, dahil sa nakainom na rin ay wala na itong pakialam sa paligid.

Kung anong panghahamak at pamamahiya pa ang ginawa nito kay Liziel na hindi na nakayanan

pa ng dalaga ang hiya, kata walang sabi sabi ay tumakbo siya palabas sa bulwagang iyon na hindi man lang pinakinggan ang tawag ng binata sa kanya.

"Liziel... Sandali! Hintayin mo ako!" ang sigaw ni Joseph, ngunit hindi man lang lumingon ang dalaga.

At mula noon ay hindi na muna nagpakita ang binata sa dalaga at nagkataong naging busy siya sa kanyang mga kasong hinahawakan. Naging abala na rin siya sa paghahanap sa apo ni Doña Emirald. Kaya nawala na plano niya ang dalaga pero hindi ito nawawala sa kanyang mga panaginip at ng bumalik na siya sa bahay ng dalaga ay wala na ito. Hinanap niya sa lahat ng bar, pero wala kahit anino nito.

"Nasaan kana ba Liziel?"
ang tanong niya na ikinalingon ng isang babae na nakaupo sa harap niya.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGWhere stories live. Discover now