Chapter 10:

2.7K 71 3
                                    


"Nanay, si tito Atty. po, kasi nagtatanong kung may alam ba daw po kami kung nasaan si tita Liziel."

"Opo, nanay pati po sa akin tanong ng tanong din po."

Ang sabi ng kanyang mga anak.

"Kapag magtanong ulit, pakisabi na pati nga tayo ay walang alam kung nasaan na siya." si Cora na biglang nalungkot dahil sa biglaan ding pagkawala ng kaibigan.

~~~

Lumipas ang buwan at saktong dalawang taon ay bumalik ng bansa si Liziel pero bilang Emerald Javier na.

At ang araw na iyon din ang tamang oras upang ipakilala siya sa mga kasosyo ng mga Javier, at sa mga kamag anakan nila. At nakahanda na ang dalaga kung ano mang palilibak ang matatanggap niya mula dito.

Kasabay din ng pagpapakilala sa kanya ay ang paglabas ng aklat tungkol sa kanyang buhay bilang Liziel at ngayon bilang tunay na Emerald Javier at hinanda na rin niya ang sarili sa kanilang paghaharap ng binata.

"Nanay, may invitation po ba kayong natanggap,

"Nakatanggap din ba kayo ng invitation ate?" si Rachma na dalagang dalaga na.

"Kung ganoon, lahat tayo nakatanggap ng invitation mula kay Emerald Javier. Sino kaya siya nanay?" ang tanong naman ni Weng Cheng.

Si Joseph naman, ay handa na rin na dumalo sa kasiyahan dahil sa gaganaping welcome party ni Emerld Javier. Sa wakas makikilala na rin niya ang babaing matagal na niyang hinahanap na kung anong hadlang sa hindi niya pagkakatagpo niya rito.

Nahihiya siya kay DOña Emirald. Pero wala siyang magagawa, kailagan talaga niyang dumalo kahit ayaw niya dahil may lakad sana siya para magbasakaling makita muli ang babaing nagmamay ari ng puso niya.

Paano naman kasi, kung kailan handa na siyang makasama sa habang buhay ang dalaga na nakhanda na siyang tanggapin ito ng buong buo, at kalimutan ang masamang nakaraan ng dalaga ay saka naman ito nawala.

Sa party ay halos lahat ng kilala sa lipunan ay dumalo, maging ang mga sikat na socialite ay andun din.

Abala ang lahat sa pakikipag usap sa mga kaibigan at payabangan ng kanilang mga achievements a buhay, at kung ilang stocks ang nabinta, nabili at kung anu ano pa.

Sa isang banda ay may mga kababaihan na kanya kanyang payabangan ng mgasuot at kung sino ang nobyo mga kwentuhan ng mga plastik na socialite. At pumunta baka makabingwit ng matabang isda.

Isa na sa kanila si Cherry mae Linsagan, na gagawin ang lahat upang mapansin lamang ni Joseph Mangkikis. Ang binatang na kung sino mang mahuhumaling dito ay wala ng planong humiwalay pa.

"Ate Weng, ano kaya ang hitsura ni Emerld Javier?" ang tanong ni Rachma.

"Hindi ko rin alam bunso, pero sigurado ako ang elegante niya." ang sagot ni Weng.

"Ladies and Gentlmen...! Nais kong ipaalala sa inyo na malapit ng lumabas si Lady Emerald at malapit na natin siyang makasalamuha. Enjoy na night guys!"

"Josh, kumusta ka na? Bakit hindi mo ata kasama si Penelope mo? O si Liziel na pokpok!" sabay tawa ng nakakairita.

"Puwede ba Cherry mae, lumayo ka nga, wala ako sa mood para makipagplastikan sa'yo!" sabay talikod ng ng binata.

"Mga kaibigan, narito na ang pinakahihintay natin si Lady, Emerald Javier.!"

Nagpalakpakan ang lahat habang hihintay nila ang naglalakad ni tinutukan ng ilaw, at bumangad sa kanila ang isang elegante at napakagandang dalaga.

Lahat namangha, ang iba nainggit, dahil ang lahat na halos ay nasa dalaga na.

Si Cherry mae ay, nanlaki ang mga mata at maging ang pamilya ni Cora. Pero ang pinakanagulat at hindi makapaniwala ay si Joseph.

Dahil hindi siya maaaring magkamali si Liziel nga ang nakita niya.

"Tita, Liziel..." sabay yakap ni Rachma.

"Rachma, Emerald ang pangalan ko at ipaliliwanag ko sa inyo." ang bulong niya sa dalaga.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGWhere stories live. Discover now