Chapter 2:

3.3K 76 3
                                    

"Liziel, pahinging pera wala na kasi akong pambili ng gamot." ang wika ni aling Lydia.

"Mamaya na po lola, pagkagising ko, antok pa ako."

"Hindi pwede, ngayon na at pupunta akong botika.!" ang bulyaw ng matanda sa kanya.

Dahil hindi na siya kumibo ay hinila siya ng matanda pababa ng papag at nalaglag siya.

"Ayaw mo akong bibigyan, sige ito ang sayo!" sabay tadyak sa dalagang natutulog.

"Ano ba kayo, lola, kita niyo naman na natutulog pa ako, at sinabi ko naman sayo na mamaya nalang at matutulog muna ako. Isa pa po, kabibili mo lang jg gamot kahapon."

"Wala ubos na."

"Anong ubos na? Hindi po ba humingi kayo ng isang libo para pambili kasi ang sabi niyo para sa tatlong araw iyon? Anong nangyari at ubos na?"

"Huwag mo ako pag taasan ng boses! Nagpokpok ka lang sinasagot sagot mo n ako? Halika nga rito! Sabay sabunot sa dalaga na nakaupo sa sahig.

"Wala kang kwentang babae, kaladkarin! Nang dahil sayo nagiging ganito ang
ang buhay ko! Wala kang kwenta! Katuld ka rin ng mga magulang mo! Kung hindi ako pumayag na itakas ka malamang maganda ang buhay ko!"

"Ano ang ibig niyong sabihing itinakas?"

"Wala! Hala pahingi ng pera!"

"Hindi kita bibigyan hanggat hindi niyo ipaliliwanag sa akin kung ano ang ibig niyong sabiin sa itinakas niyo lang ako?"

"Patayin mo man ako, Liziel hindi ko hahayaan na maging masaya ang ang pamilya mo na sumira ng buhay ko, kaya mabulok ka sa pagiging pokpok mo!"

Dahil hindi niya talaga mapilit magsalita ang matanda ay siya ang gagawa ng paraan upang malaman niya ang katotohanan.

Pinalipas na muna ni Liziel ang lahat ng iyon, kailangang mag iipon muna siya ng lakas ng loob, para kung ano man ang matutuklasan niya ay tatanggapin niya, pero sa ngayon matutulog muna siya.

"Aling Lydia, nakita ko si Liziel sa baywalk kaninang madaling araw at alam niyo mukhang mayaman iyong kasama niya." ang matabil na si Aling Coree.

"Hay, naku! Coree kahit talaga kailan napaka chizmakers mo talaga."
ang saway ni Aling Nena.

"Pero alam niyo ba na umalis ang asawa ni Cora at hindi na bumalik?"

"Naku, Aling Nena huli na kayo sa balita."

"Himala yata na ang tinaguriang reyna ng chizmakers ng eskwater ay nahuli sa balita." ang hirit naman ni Erik ang magsusugal sa lugar.

"Hayst! Iwan ko sa inyo, Coree, pautang nalang ng isang lapad riyan at tuyot na ang lalamunan ko."

"Basta lista ito kay Liziel ha." ang buraot na tindira.
~~~

Isang umaga, habang papauwi si Liziel galing beerhouse ng makita niya si Cora, na naghahalungkat sa basurahan.

Dahil naawa siya ay inabutan niya ito ng pera at sinabihan na kung kailangan ng tulong ay puntahan lang siya.

"Liziel, ang tagal mo naman dalhin mo ako ng hospital, hindi nanaman ako makahinga."

Nataranta siya at agad na tinwag ang mga tambay at nagpatulong siyang dalhin sa hospital ang matanda.

"Doktor, ano po ba talaga ang sakit ng lola ko."

"Miss, kailangan niyang maoperahan dahil kung hindi ay baka lumala pa ang sakit nya sa puso."

"Mga magkaano kaya ang
kakailanganin Dok?"

"Maghanda ka ng tatlong milyon." ang walang kakurapkurap na sagot ng doktor na ikilula ng dalaga, kasi kahit ilang lalaki pa ang sasamahan niya sa beerhouse ni Mang Douglash ay hindi siya makakalikom ng tatlong milyon.

Iniwan niya ang lola niya sa hispital upang pumasok sa beerhouse upang magkapera.

"Liziel, nabalitaan namin ang nangyari sa lola mo."

"Salamat girls, pero ang laki ng problema ko. Kakailanganin ko ng tatlong milyon para sa kanyang operasyon."

Halos, himatayin ang mga kasama niya.

"Liziel may naghahanap ulit sayo, iyong bigtime na kustomer mo." ang balita ng FM nila.

"Salamat mamu, sige susunod na po ako."

"Bakit, parang malungkot ka? ang bungad agad ng binata sa kanya.

"Ang lola ko nasa hispital at kailangan ko ng malaking pera para sa kanyang, operasyon."

"Magkano ba ang kakailanganin mo?"

"Huwag na, nakakahiya sayo."

"Huwag ka ng mahiya, di ba magkaibigan tayo."

"Oo, nga pero kung pahiramin mi ako, wala naman akong pambayad."

"Just answer me, magkano nga?"
"Tatlong milyong peso." ang medyo nahihiya pang bigkas ng dalaga.

"Saan hospital ba siya?"

Pagkatapos nilang magkwentuhan ay isinama siya ng binata at namasyal ulit sila.

Pero sadyang doon nalang ang buhay ng lola Lydia niya at sa araw sana ng operasyon nito ay inatake sa puso.

"Liziel, patawarin mo ako sa ginawa kong pagsira ng buhay mo, at ihingi mo ako ng tawad sa mga magulang mo."

"Lola, ano ang ibig ninyong sabihin?"

"Katulong ako ng mga Javier, at dahil sa galit ko sa kanila ay itinakas kita, dahil sa pang aapi sa akin ng pamilya mo. Lalo na ang iyong lolo Rodolfo."

Marami pa sana siyag tanong subalit binawian na ito ng buhay.

Hindi na niya pinatagal ang burol at pinalibing niya kaagad ang taong nag alaga sa kanya.

Hindi siya inawan ng binata at lagi itong nakaalalay sa kanya. Kahit iniiwasan niya ito ay bumabalik parin sa bahay nila.

Isang araw habang nagliligpit siya sa kuwarto ng lola niya ay may nakita siyang mga damit pambata at larawan ng isang pamilya at kinabahan siya kasi kamukha
nanginginig ang kamay niya habang sinisipat ito.

Marami pasiyang nakitang mga gamit na niluma na rin ng panahon. May pagsisimulan na siya kung saan mag sisimula at tuklasin ang kanyang tunay na pagkatao.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGWhere stories live. Discover now