"Ako nga pala si Chris Lloyd, but you can call me Chris." Pagpapakilala nito sa sarili.

"Jan." Sambit niya sa pangalan niya saka inilahad ang palad para makipag-kamay dito. Inabot naman nito ang kamay niya, saka sila nagpalitan nang totoong ngiti sa labi.

Do'n nagsimula ang lahat: dahil sa eksenang 'yon kaya naman nagkaroon sila nang pagkakataon na kilalanin ang isa't-isa. Pero hindi nila binigay sa isa't-isa ang information, gaya nang Cell phone number, o kahit na anong contact's. Dahil alam ni Jan na hindi na mauulit pa ang pagkikita nilang dalawa... simpleng kaibigan lang 'yon.

Pero gaya nga nang laging nangyayari. Hindi mo talaga dapat asahan ang sarili mo lamang konklusyon dahil sa pangalawa, pangatlo, at pang-apat na pagkakataon.

Muli silang nagkita ni Chris. Nagkakasabay silang kumain sa Jollibee. Nasasabi narin niya ang mga problema sa college life na meron siya. At dahil do'n, unti-unting nakilala ni Jan ang pagka-tao ni Chris, nakapag-palitan na sila nang contact number, social media accounts at para paiksiin, lumawak na ang komunikasyon nilang dalawa dahilan narin para mas makilala pa niya ang binata. Si Chris na isang lalaking napaka-gentle man. 'Yung lalaking hindi katulad nang lalaking nagdaan sa buhay niya. 'Yung lalaking... magpapa-tibok pala sa kanyang natutulog na puso.



Muli na namang dumating ang maaliwalas na umaga.

Sabik na sabik si Jan na pumasok sa Jollibee dahil alam niya at sigurado siyang nando'n si Chris. Sinabi kasi nito 'yon sa kanya na dito ito mag-aalmusal gaya ng madalas nilang gawin kaya naman pumasok siya nang maaga para sorpresahin ito.

Buong lakas niyang tinulak ang glass door sa naturang lugar na 'yon. Agad niyang sinipat ang paligid sa loob nang Jollibee. Kusang umukit sa kanyang labi ang isang ngiti saka na naglakad palapit sa lalaking nakatalikod sa kanya. Pero unti-unting bumagal ang paglalakd niya nang mapansin niyang hindi lang si Chris ang nando'n sa table kung saan sila madalas na pumwesto. May kasama itong babae.

Kusa siyang natigilan nang hawakan mismo ni Chris ang kamay nang babae. Parang may kung anong kirot sa kanyang dibdib. Bakit ba niya 'yon naramdaman? Bakit gano'n?

Bakit...

B-bakit... Nagseselos siya?

Ilang buwan na ba silang magka-kilala? 5 months? Napa-pilig na lamang siya nang kanyang ulo. Nang ibalik niya ang tingin kay Chris, nakita niyang nakahawak na ang kamay nang babae sa kamay ni Chris. Tinignan niya sa muka ang babae, bahagya siyang napa-atras ng makita niyang nakatingin din ito sa kanya. Tingin na hindi niya alam kung bakit nagawa niyang tumalikod dito at kusang umalis sa lugar.

Sa paglabas niya sa glass door ng Jollibee, hindi niya inaasahan na may bigla rin palang papasok kaya naman nabunggo siya nito.

"Ayy!" Tili niya nang maramdaman niyang lalagapak siya sa sahig, pero hindi 'yon nangyari dahil naramdaman niyang may brasong sumalo sa bewang niya.

Laking gulat niya nang makita kung sino ang naka-bungguan niya.

"J-james?"

"Jan..."

Bigla siyang umayos nang tayo saka lumayo dito. Mabilis din niyang iniwas ang tingin niya dahil sa mapanuring tingin na ipinupukol nito sa kanya. At nang hindi niya na makayanan ang pagtitig nito sa kanya, mabilis niya 'tong nilagpasan saka nagmamadaling lumabas ng Jollibee. Narinig pa niyang tinawag siya nito pero hindi niya 'to nilingon. Hindi dahil sa naiirita siya o naiinis dito... Iniisip niya si Chris at ang babaeng kasama nito. Hindi kasama do'n si James na dati niyang nobyo dahil tapos na ang chapter nito sa kanyang buhay.

Balak niyang sorpresahin si Chris kaya siya pumasok ng maaga. Pero hindi 'yon ang nangyari. Dahil imbis na siya ang mang-sorpresa... siya itong na-sorpresa.

********************



"DITO nalang ako kuya."

Agad na bumaba sa motor si Jan nang ihinto sa tabi nang kanyang kuya ang motor na pinapa-andar nito.

"Dito nalang?" Naninigurong tanong nito. "Sige. Pupunta pa akong palengke eh." Dagdag na sabi nito ng hindi siya sumagot.

Ito kasi ngayon ang naghatid sa kanya sa eskwelahan. May traffic kasi kaya naman napag-pasiyahan ng kanyang kuya na ihatid siya gamit ang motor nito dahil pupunta rin naman itong Palengke.

"May pera ka ba?" Tinanguan lang niya ang kanyang kuya.

"Bye ya." Paalam niya dito ng sinimulan na nitong paandarin ang motor.

Pagtanaw na lamang ang nagawa niya ng malayo na ang motor na pinapa-andar nito. Napabuga na lamang siya ng hangin. Magsisimula na sana siyang maglakad pero may biglang kamay na pumigil sa kanyang braso.

"James!" Gulat na tawag niya sa pangalan nito.

"The one and only." Nakangiting pahayag nito. Napakunot-noo siya dahil sa itsura nito. Nakaramdam din siya ng inis. Ang inaasahan pa naman niya eh, si Chris. Kaya bakit ito ang nandito?

"Anong kailangan mo?" Tamad niyang tanong dito. Wala siyang panahon para makipag-usap sa iba. Ilang araw narin kasi na hindi sila nagkikita ni Chris. Nagsimula 'yon ng makita niya itong may kasamang ibang babae sa Jollibee.

"Kapag ba nagpapakita, may kailangan na agad? Di ba pwedeng gusto lang kitang makita?" Nang-aasar na sabi nito.

Bakit ba may mga taong bigla nalang susulpot sa buhay mo. 'Yon bang pagsulpot na akala mo hindi sila nakasakit. Parang wala lang sa kanila. 'Yung ang kapal ng muka nilang mag-pakita sa 'yo na akala mo eh walang nangyari?

Kagaya nalang ngayon. Itong taong nasa harapan niya. Ang lakas ng loob nitong kausapin siya.

"James... Lubayan mo na ako." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang naglakad palayo dito.

At simula ng sabihin niya 'yon kay James. Sa pagdating ng mga araw ay hindi na muli 'to nagpakita sa kanya na siya namang ikinatuwa niya dahil wala ng mangungulit sa kanya.


For the First Time  ✓Where stories live. Discover now