[51] It's bad when you know it's your heart you can't trust.

Magsimula sa umpisa
                                    

Naabutan ni Samuel ang nakakunot-noong si Lewis. Halatang naiinis ito at nagagalit.

“Oh pre, hindi pa daw siya kumakain.” Sabi ni Samuel kay Lewis.

“Ano ba siya! Napaka-tigas talaga ng ulo! Mas inuuna pa niya ang trabaho dito na pwede namang gawin ng ibang officers. Tapos, magpapalipas siya ng gutom? Hindi ba niya iniisip na baka magka-sakit siya sa ginagawa niya? Ugh! Hindi man lang niya naisip na may mga taong mag-aalala. Tss.” Lewis bursted out with annoyance (more on anger). Nagulat na lang si Samuel dito dahil bigla kasi siyang napagbuntungan ng inis nito.

Samuel raised his both hands like surrending. “Oh pare, chill ka lang diyan. Hindi ako si Patch. Kung gusto mong pagsabihan, pumasok ka sa loob at wag kang tumanaw dito.”

Natigilan si Lewis nang mapantanto niyan OA na pala siya. Ngumiti ito ng tipid kay Samuel at tinapik ito sa balikat. “Sorry pre. Salamat na lang.”

Natatawa siyang iniwan ni Samuel ngunit may pahabol pa ito. “Tanga ka kung hindi mo siya ipaglalaban. Mahal mo pa siya. Huwag mong lokohin ang sarili mo.”

Tanga na kung tanga. Pero mahal ko nga siya e. Kaya gagawin ko ang lahat, maging masaya lang siya. Kahit na makita siya sa piling ng iba.

Hindi na nagpa-ligoy ligoy si Lewis. Umalis na siya at nagtungo sa canteen.

xxx

PATCH 

*Tok. Tok. Tok.*

Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok. Hinihintay ko kung sino ang papasok, pero wala namang tao. Sigurado naman akong may kumatok talaga.

Teka, hindi kaya may nanti-trip lang sa akin? (-___-’)

Tumayo ako upang tignan kung sino ang kumatok. Baka naman naghihintay siya sa labas? I slowly opened the door at tinignan ang magkabilang side ko kung may tao ba. Mukang nantitrip nga lang! Tss. Isasara ko na ulit sana ang pinto nang may mapansin akong isang paper bag sa gilid ng pinto. Ano to? (o.o)

Hindi naman siguro bomba to, diba?

Tss. Mga pinag-iisip ko talaga. Kinuha ko ang paper bag at bumalik na ako sa table. Nilabas ko ang nasa loob ng paper bag and to my surprise, isa iyong lunch box. May note ding nakadikit dito. Kinuha ko ang sticky note na kulay dilaw at binasa iyon.

‘Wag kang magpapalipas ng gutom.’ 

Automatic akong napangiti after mabasa ang note na yon. Kanino kaya ito galing? Hehe. Kay Sage? May klase yun e. Kay Lewis kaya? Ehhh. Imposible! Kay Carlo? Edi sana nagpakita sa akin yon. Baka naman kay Samuel? Diba’t tinanong niya ako kanina? Pero bakit naman niya ako bibigyan ng ganito? Ay, ewan! Wag ka na lang mag-assume, Patch. Tsk!

Tumingin ako sa may pintuan. If ever na nandiyan siya pero nagtatago lang, gusto ko pa ring mag-thank you. “Kung sino ka man, salamat.” (^.^)

xxx

“PATCH!” Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sigaw na iyon. Parang kilala ko ang boses na iyon ah. Nagmamadali siyang pumasok ng office, at tama nga ang hinala ko. Si Zion. Mukang kakagaling lang niya sa Fun Run.

“Oh, anong nangyari sayo?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Basang basa kasi siya ng pawis at habol habol nito ang paghinga.

Napahawak ito sa ulo niya. “Hindi ko na kaya! Sasabog na ang utak ko kakaisip!”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon