Cycle 3

2 1 0
                                    

Chapter 3

" Oh ayan itype mo yan. Um-oo kana. Wala ng bawian. "

Tumango at ngumiti sya sabay kuha ng pinapatype kong naka sulat sa yellow pad.

" Shara? "

Tinabihan niya ako sa upuan ko saka tumingin sa akin.

" Uhm? "

" Alam mo ba yung feeling na inlove ka sa isang tao? Yung inlove ka tapos hindi mo masabi? Pero unti unti ka naman nagbibigay ng signs sa taong yon. Naranasan mo na ba iyon? "

Umiling naman ako.

" B-bakit hindi? Dapat alam mo! "

Tinitigan ko sya at pinagmasdan mabuti. Ang gwapo talaga ni Chase. Kagabi ko pa pinag iisipan yung mga nangyare nung kaylan. Matagal na akong may gusto sa kanya at di ko maitatanging konting push lang bibigay ako sa kanya.

Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.

" Shara naman. "

" Bakit? Inaano ba kita dyan? "

Napatingin ako sa kanya at napansin kong parang di maware yung mukha niya. Yung feeling na parang may gusto syang sabihin na hindi nya magawang sabihin.

" Kase ako Shara inlove ako... Paulit ulit na akong nagbibigay ng signs sa babaeng gusto ko. Isang taon ko na talaga syang gusto. Hindi mahal ko na nga siya... "

Patuloy lang akong tumatango sa kanya at pinapakinggang mabuti yung litanya niya.

" Sabihin mo nga, hindi ba effective yung ginagawa ko? "

Tinapik ko yung balikat nya tila bang naaawa ako sa kanya.

" Baka slow yung mahal mo. Pagtyagaan mo nalang. "

Payo ko pa sa kanya.

Tinitigan niya ako ng matagal saka muli nagsalita.

" Haaaaay. Napaka slow nga! "

Ginulo gulo niya yung buhok niya at halata kong nafrufrustrate.

" Alam mo Chase, inlove din ako. "

Unti unti syang napatingin sa akin at halata mong nagulat.

" Sa totoo lang hindi ko nga malaman. Oo crush ko sya nung una. Tapos feeling ko lumalalim... Tapos nito lang saka ko naisip na inlove na pala ako. Ewan ko ang gulo ng isip ko. "

Napansin kng lumungkot yung mga mata niya.

" K-ka-kanino? "

" Ayoko ngang sabihin! Baka asarin moko! "

" B-baka nga di kita magawang asarin... P-parang ang hirap... "

Halata mong pabigat ng pabigat at pahina ng pahina ang tono ng boses niya.

" Oh bakit ang tamlay mo? "

Umiwas sya ng tingin saka bumuntong hininga.

" Hindi ah! "

Tinapik tapik ko ang balikat nya bago ko sabihin yung bagay na nagpabawi ng lungkot niya.

" Don't worry... Maalden kita! "

--

..

Cycle Of LoveWhere stories live. Discover now