Cycle 2

2 1 0
                                    

Chapter 2

" Bakit na naman? "

Kanina pa kase inuuga ni Chase ang upuan ko habang nagbabasa ako para sa Developmental reading namin.

Yung feeling talaga na kaylangan ko ng matapos yung binabasa ko dahil next week na yung pasahan ng book review. Tapos may impaktong demonyo na kanina pako kinukulit. Forget the time na sinabi kong I'm falling inlove with him. Hayop nakakainis na!

Sinara ko ng may kabigatan yung librong binabasa ko at inilinga ko yung ulo ko sa kanya.

" Chase! Alam mo yung pagkakaiba ng busy sa hindi? Ikaw hindi busy dahil tapos kana sa dev red mo! Ako, eto rush! Kung sana ikaw mag tatype ng book review edi sana happy!! "

" Edi ako na mag tatype. Gusto mo tulungan pa kita dyan. Sleep over tayo o ano? "

Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi nya.

" Grabe Chase, sana sinabi mo agad. Dahil dyan gumwapo ka sa akin ng sampong beses! "

Ngumiti nalang sya sa akin

" Pasalamat ka aldubyou. "

Naningkit na naman yung mata ko sa i'll dub you na yan. He'll dub me? Bakit? Mamaya mura na pala yung meaning sa kanya noon di ko pa alam.

" Ano ba kase yang i'll dub you nayan? "

" Sa tamang panahon Shara. "

Saka nya ako nginitian. Feeling ko talaga masama meaning non eh.

" Letse!! I'll dub you too! "

Nagulat nalang ako ng mahulog sya sa kinauupuan nya. Bakas din sa mukha nya ang bahagyang pamumula. Sigurado ako nabigla sya.

" A-anong sinabi mo? "

Tanong nya. Inirapan ko nalang sya. Ewan ko sayo ang labo mo Chase!

---

Tinakbo ko yung hallway hanggang sa makarating ako sa dulo. Lintik tong si Mara napakabilis maglakad. Kanina ko pa tinatawag pero umiral na naman ang kabingihan.

" Mara!!! "

Sabay hawak ko sa balikat nya.

" Grabe fren? Hello magkalapit lang tayo. Makasigaw naman. "

" Gaga! Kanina pa ko sumisigaw with feelings! Tapos di mo manlang ako nililingon! "

Inayos ko ang suot ko at binalik ko ang poise ko.

" Suware? Ang bingi ko talaga. "

Napangiti nalang ako ng peke. Oo gaga! Buti na realize mo!!

" Bakit ba? Anong kaylangan mo? "

Sa inis ko sa bruha muntik ko ng makalimutan yung pakay ko.

" Nga pala Mara. Nanonood ka ba ng eat bulaga? "

" Uhm minsan pag walang pasok. Bakit? "

" Alam mo ba yung I'll dub you? "

Tanong ko sa kanya.

" Baka kamo Aldubyou? Grabe hindi mo alam? "

Umiling nalang ako dahil hindi naman talga.

Nagulat nalang ako ng hampasin niya ako ng malakas. At umakto na parang kinikilig. Pinagdaop nya ang kanyang palad na tila nag iimagine ng masasayang ala ala. Pero feeling ko ang wirdo nya. =_____=

" May isang yaya kase sa baranggay ang pangalan niya Yaya Dub. Kasama nya doon ang kanyang amo na si Lola ni Dora. Tapos nag kainlaban sila ni Alden na nasa studio ng eat bulaga. Okay na sana ang lahat, kaso etong si Lola ni Dora pinipigilan na magkita sila. " ako naman na curious bigla.

" Bakit? "

" Ewan, basta magkikita daw sila sa tamang panahon. "

Doon nasagot yung tanong ko kung sino si Lola ni Dora at kung ano yung tamang panahon.

" Last na. Ano yung Aldubyou? "

Bigla na aman niya kong hinampas at halos mamatay sa sobrang kilig. Pusa ang kire.

" Si Alden kase sinabihan si Yaya Dub noon ng aldubyou. Meaning I love you. Mula yon sa pinagsamang name nila ALden at Yaya DUB. At ang nakakakilig nung sumgot si Yaya ng MAALDEN kita. Hihihihi. "

Tumango nalang ako ng naintindihan ko na saka ako naglakad ng palayo.

Habang naglalakad ako doon kumawala ang ngiti ko at pamumula ng pisngi ko.

Hindi kaya mahal ako ni Chase? At dinadaan lang niya sa mga korning bagay yung pagsasabi nyang mahal nya ako?

Isa lang ang masasabi ko. Kahit ano pa man yan kinikilig ako. Kaso lang parang mas nahuhulog ako. Malapit na ba ako sa stage na Fell in love?

Cycle Of LoveWhere stories live. Discover now