Ang Sikat kong Boyfriend # 12

Start from the beginning
                                    

"Nabalitaan ko, pinilit niya na siya ang maging representative nila na lalaki," saad ni Clyde.

"Se-seryoso ba yan?" gulat na gulat na sabi ko.

"I'm not sure pero most likely kasi nandito siya."

Naghahalong kaba at sakit ang nararamdaman ko. Tsaka paanong pinilit ni Daniel? Sinadya niya? I have a bad feeling about this.

Isa-isa kaming tinawag at lumabas papunta sa stage na nagsasaad na simula na ang kompetisyon. Totoo nga na kasama si Daniel sa mga representative. Syempre, sila ni Sia ang magkapartner.

School matter lang naman 'to. Hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano.

Nagsimula ang paligsahan, sa narinig ko parang minute to win it games ang magaganap. Kapag mahigit sa isa ang nakagawa within one minute, ang pinaka mabilis na nakatapos ang panalo. May points na ibibigay sa 1st hanggang 3rd place every game, the rest zero.

Inisa-isa ng announcer yung mga games. Medyo kinakabahan ako, pero sa tingin ko naman kaya ko.

Lahat ng mga tao ay nakatingin samin habang naglalaro kami. Napansin ko na hindi kinakabahan ang iba, parang normal na lang sa kanila. Sa mukha din ni Clyde makikita na parang ang easy lang sa kaniya ng mga pinagagawa.

After ng mga 30 minutes, nakalaro na kami ng tatlong games. Nasa back stage kami ngayon para magpahinga muna habang sineset-up ang next game. Masaya naman ako sa mga nangyayari pero napawi lahat iyon ng makita ko si Sia na papalapit dito.

"Nagustuhan niyo ba ang balita ko?" napaisip naman ako sa sinasabi niya habang nagpipigil na hindi gumawa ng eksena.

"Sia, wag dito. Please," suway ni Clyde.

"Sabi ko naman sa inyo, wag niyo ako kakalabanin. Ayan tuloy, magkaaway kayo ni Daniel," pang-iinis pa ni Sia. Sige lang, iduroduro pa niya sakin, baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na saktan siya ng pisikal.

"Alam ko naman na ikaw ang may gawa noon," sabay tinaasan ko siya ng kilay. "Isang maninira ng relasyon."

"Tama ba ang narinig ko?" nagulat ako ng lumapit bigla si Daniel sa amin.

"Ha?" Namula bigla ang buong mukha ni Sia.

Huli ka ngayon.

"Answer me. Ikaw ba may pakana ng lahat?" Napapalakas ang boses ni Daniel. Kilala ko siya kaya alam kong galit siya.

"A-ako nga," pagkasabi na pagkasabi ni Sia noon, bigla niyang hinatak si Daniel papunta sa may gilid, malayo sa amin. Gusto kong lumapit dahil gusto kong marinig ang lahat. Gusto kong marinig kung paano siya magalit kay Sia.

Nakatingin ako kay Daniel hanggang sa matapos sila mag-usap ni Sia. Hinihintay ko na lapitan ako dito ni Daniel. Hinihintay ko na magsorry siya sakin pero hindi. Hindi siya lumapit sakin para magsorry. Tinawag na ulit kami sa entablado pero walang Daniel na lumapit sakin. Ganon ba talaga kagaling mangmanipula ng tao si Sia? Mahirap ba talaga siya kalabanin?

"We will now start our apple eating contest," sabi ng announcer atsaka kami lumapit sa mansas na nakatali.

"Ready," sigaw ng lahat. "Set.."

"Go," sabay pito na nagsasaad na nagsimula na ang labanan.

Hindi ako makapagconcentrate sa kakaisip kay Daniel. Habang kinakagat ang mansanas, hindi ko maiwasan na mapatingin kay Daniel at kay Sia na nasa tabi lang namin. Gusto kong magwala sa kinatatayuan ko dahil hindi ko talaga matanggap ang mga nangyayari.

Napatigil na lang ako ng biglang dumaplis ang mansanas at sa isang iglap nagkadikit ang labi namin ni Clyde. Napatahimik ang lahat ng ilang segundo at nang tanggalin namin ang mga labi namin ni Clyde sa isa't isa, nagsigawan na ang lahat.

Inaasahan na naman ng lahat ng ito pero bakit samin pa ni Clyde nangyari. Pwede namang sa iba na lang.

"So-sorry," sabi ni Clyde.

"Sorry din" agad akong napatingin kay Daniel na gulat na gulat sa nangyari.

Mabilis na lumapit samin si Daniel at sa isang iglap sinuntok niya sa mukha si Clyde. Nanahimik na naman ang lahat sa mga nangyari habang ako gulat na gulat, hindi alam ang gagawin.

Ang Sikat kong BoyfriendWhere stories live. Discover now