CHAPTER 4 ~ Breaking ~

Start from the beginning
                                    

Napasinghap na lang ako nang muntik ng humataw sa counter ang mukha ko nang patidin niya ang siko ko. "Ocean!"

"Masama ang nangangalumbaba. Malas."

"Mas mamalasin ka kung nasaktan ako." simangot na simangot na sabi ko. "Dahil tatanggalin ko ang lahat ng imaginary muscles at abs mo."

Malakas na napasinghap siya habang sapo ang tapat ng puso niya na parang aatakihin. "Excuse me! Hindi imaginary ang kadakilaan ko!"

Pinaliit ko ang mga mata ko at inilagay ko ang isa kong kamay sa noo ko na parang inaaninag siya. "Nasaan?"

"Oh no no no! Hindi pwede ito!" sigaw niya at parang si Superman na hinaklit gamit ng magkabilang kamay ang Chef Uniform niya para itambad ang katawan niya. Nagliparan sa kung saan-saan ang butones ng damit niya dahil sa ginawa niya. "Anong kailangan kong gawin para makita mo ang kakisigan ko?"

"Kahit ano gagawin mo?" tanong ko sa pinaliit na boses.

"Oo naman! Lahat kaya kong gawin! Ako ang descendant ni Superman hindi mo ba alam?"

"Hindi." sumimangot siya at kagad naman akong ngumiti. "Alam ko na!"

Nagniningning ang mga mata na tinignan niya ako. "Ano? Ano?!"

"Lahat ng gusto kong lutuin mo sa loob ng isang buwan lulutuin mo. Kahit na anong gusto ko ha?"

"Sus!" sabi niya at pinagpag ang uniporme niya na wala ng tinatakpan dahil sa pag-ala Superman niya kanina. "Ang dali naman pala ng gusto mo. Kayang kaya ko 'yan!"

"Walang bayad."

Natigilan siya at napatingin sa akin. "Hoy! Anong walang bayad? Hindi mo ba alam na ginto ang halaga ng mga ingredient ko-"

Tumayo ako at nakasimangot na naglakad paalis. "Okay. Kung ayaw mo wala namang problema. Sayang may kakilala pa naman ako na naghahanap ng kadate na macho pero dahil hindi mo ako makumbinsi na-"

"Freeze!"

Tumigil ako sa paglalakad at lihim na napangiti. Hinarap ko siya at nagtatanong ang mga mata na sinalubong ang mga mata niya. "Kahit isang taon pa kayang kaya kitang ilibre. Mayaman ako."

"Talaga?"

"Oo naman!"

Matamis na nginitian ko siya. Ayos! "Okay! Sabi mo 'yan ha. Magluto ka na. Ayokong pinaghihintay ako."

Sumaludo ang binata at nagmamadaling nagluto. Nangingiting hinila ko ang upuan ko kanina at dinala ko iyon sa isang tagong bahagi ng kusina kung saan kumakain ang mga kitchen staff kapag break nila.

Sumandal ako sa pader at inaangat ko ang mga paa ko. Umunan ako sa mga tuhod ko habang pinapanood si Ocean sa ginagawa niya pero wala naman doon ang utak ko.

Lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na ganito. Natutulala. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan ko muna ang ibang mga agent. Nahihirapan kasi ako kapag kaharap ko sila. Pakiradam ko pagod na pagod ako kapag kasama ko sila.

Kahit naman noong mga maliliit pa lang kami hindi naman ako ganoong palasama sa ibang mga agents. Palagi lang kaming magkasama ni Phoenix. Gusto ko siyang kasama kasi kahit hindi siya palaimik alam kong nakikinig siya sa lahat ng sabihin ko. Kahit na minsan wala ng kwenta ang lumalabas mula sa bibig ko. Lahat din ng gustuhin ko ibinibigay niya...kahit na dahil sa mga iyon ay napapahamak siya.

Hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi siya nagkulang bilang kaibigan. Sobra-sobra pa nga lahat ng ibinigay niya na panahon sa akin. Maybe that's why I'm feeling like this. Like I'm so afraid to lose him.

Kasi matagal na panahon siyang nasa tabi ko. Kasi kaibigan ko siya. Iyon lang 'yon.

Then why? Why did you do that Snow? Kung kaibigan ka niya hindi mo dapat ginawa ang bagay na iyon.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now