Chapter 9

78.6K 2K 90
                                    

AWTOMATIKONG nasapo ko ang aking ulo. Damnit, bakit ba hinayaan ko ang bruhang Mirandang iyon na tratuhin ako na parang bata?

Ang mga pangyayari kahapon ay paulit-ulit na gumugulo sa isipan ko. Hindi ko na nga yata kilala ang sarili ko. Ay! Alienzoned ang peg.

Ni wala akong kalaban laban dahil may sakit ako kaya siguro'y libreng libre siya pagnasahan ang aking borless body.

Ngunit kahit ganon, ay okay lang sakin. It was worth it. Doon ko nalang ulit naramdaman na may nag-aalala at nag-aalaga pa pala saakin.

She's really something. Hindi ko lang masabi kung ano. Gusto kong ako lang ang pinagsisilbihan at inaalala niya.

Baka natotombi na ko? Emerged. Full- pledged Girlalu ako noh! Why o why?

●●●●

PAGPASOK ko pa lang ng building ay nagogood vibes na ako. Idagdag pa ang pambobola ni Manong Guard. Natawa na lang ako. Ewan ko nga ba, pero sadyang masaya lang talaga ako ngayon.

Kahit hindi ako nakapagpahinga kahapon na supposed to be day-off ko, i feel relieved. Imbis na ma istress ako ay parang gumaan pa lalo ang pasanin at problema ko.

Pagradating ko sa floor kung saan nakatalaga ang opisina ni Sir Beks ay agad-agad kong inayos ang mga gamit at schedule niya.Tinignan ko ang wall clock, ilang minuto na lang bago mag 7.
Ang sabu ni manong guard ay maaga daw dumating si Alejandra este Sir Beking Alejandro.

Dahil goodvibes ako, manghahawa din ako sa iba! Lalo na't nakakunot ang noo ni Sir Beks pagkapasok ko.

"Anebeyen! Bossing ba't badtrip ka? May sakit ka padin ba hanggang ngayon?" Ani ko.

Agad kong tinawid ang distansya namin at sinalaat ang noo niya. Kapag kuwa'y namula agad ang pisngi nito.

Shyet. May lagnat pa ata?

Kinapa-kapa ko ulit ang mukha niya ngunit tinabig lang nito ako kamay ko.

"Get your yucky hands off, witch. First, wala na akong sakit and thanks sa pag-alaga. Second, you should look for the word 'knock' in the dic. And lastly, what is my schedule! Andami kong na cancel na appointment yesterday, ni hindi mo man lang nireschedule." Mahabang litanya niya.

Crap. Oo nga pala. Ay antanga lang. Agad akong lumabas ng opisina niya at chineck ang mga nakanselang appointments. Tinawagan ko na din ang mga ito at inischedule sa araw na medyo bakante.

Phew. Piece of cake. Eto namang si Sir masyadong O.A. Ano nga ba vitamins ni Sir at d' mahawaan ng goodvibes?

Tanong ko nga.

Na-overdose yata eh. Kaya nagkaganyan.

Bumalik na ako sa loob at binanggit ang mga dapat niyang i-accomplish ngayong araw.

"Okay good. Let's get our ass moving." Iyon lang ang nakuha kong sagot sakanya.

●●●●

ANDITO kami ngayon sa isang Japanese Restaurant upang i-meet ang supplier para sa next project ng RD Conglo.

"Goodmorning, Mr. Futaba. Please have a seat." Magalang na sabi ni Sir. Pormal ito kapag business ang usapan. Hindi niya hinahalo ang pang personal sa trabaho. I admire him for that.

Umupo naman sina Mr. Putaba este Futaba at ang assistant niya sa harap namin ni Sir.

"Hai. So Mr. Roberts, let's get down to out discussion. Shall we?"

Nahihilo ako habang patagal ng patagal ang meeting. Nakakasunod naman ako sa usapan nila at nagtetake down notes na din. Pero ang hindi ko matiis ay ang malalagkit na titig ng assistant ni Mr. Futaba.

This guy has an obvious hots for me. Hindi ko na lamang ito pinansin.

Tumayo na ang magkabilang panig hudyat nang pagtatapos ng usapan. Inilahad ni Sir ang kanyang kamay ngunit iwinagayway lang ng hapon ang kamay nito na parang ng sasabi ng 'hindi'. Agad namang binawi ni Sir at ginaya na lang ang inakto ng aming kaharap which is nag-bow.

"Sir! Sir! Mukhang manyak yung assistant ni Hapon kanina." Kwento ko kay beks.

Tinuloy na lang namin ang pagkain sa restawran na iyon tutal magluluch break na din.

Naningkit naman ang mata niya ng marinig ang sinabi ko.
"Nyemas. Pati assistant namagnet sa ganda mo?ilan pa ba ang kalaban ko?"

Hindi ko na narinig ang huli pero agad namang sumidhi ang tuwa sa puso ko.

I'm fuckin' iresistable and charming.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now