Chapter 6

82.2K 2.1K 178
                                    

KINAGABIHAN, niyaya ako ni Sir Beks na magbar hoping. Nang dahil sa nag-uumapaw kong emosyon ay hindi ko namalayang umoo na pala ako.

Habang naglulunch kami kanina ni Sir Marco ang katawang lupa ko ay kasama niya ngunit ang utak at puso ko'y naroroon parin kay bakla.

Hindi ko mawari kung ano nga ba ang dahilan nito.

Nachachallenge lang ba ako?

Siguro nga'y oo. Masyado lang akong naexcite na isakatuparan ang misyon kong akitin ito at gawing hombre.

Nabalik ako sa realidad nang may bumatok sa akin.

Nag-angat ako ng ulo at tinignan ng masama ang tao sa direksyong iyon.

Wala ng iba kundi ang impaktitang bakla.

Ang mga agam-agam sa utak ko kanina ay nasagot na.

Tama!

Isang ilusyon lamang ang naramdaman kong kabog ng dibdib kanina.

Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor!

"Hoy, Bruha. Laway mo tumutulo na!" Aniya.

Aba't!

"Hiyang-hiya naman yung laway ko sayo? Sorry ha!" Pabalang na sagot ko.

Hindi naman 'to umimik at nagpatuloy na ko sa pag-aayos ng gamit ko. Paniguradong excited na tong baklang to magbar.

●●●●

SABI ko na nga ba. Maghahanap lang to' ng maiuuwing Papabols. Samantalang ako? Heto,

Iniwan lang basta- basta sa bar counter at nakikipagtitigan sa cocktail na inorder ko.

Hindi na ako nagabalang manuod sa mga party animal na nagsasayaw sa gitna ng dance floor dahil masyadong masakit sa mata ang strobe lights at nakakaasthma ang usok.

Pero mas masakit sa puso ang nasasaksihan ko ngayon.

Si Sir Beks may kalandiang lalaki! Hindi naman sila touchy pero parang sobrang close kasi nila.

Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko. Mamaya e baka may ma-headline na News Flash: Lalaki patay! Namurder dahil sa Selos!

Ayoko naman ng ganon. Kahit papaano pinapahalagahan ko ang buhay ng tao.

May namataan akong lalaking papalapit sa akin. Mukha itong drug pusher sa hairstyle niyang pang 90's pa yata at hindi pa nakakapagpagupit.

Tahimik akong nanalangin.
Lord, please i-adya mo po ako sa lahat ng masama.

Pero mukhang hindi yata nakarating ang panalangin ko dahil nasa tabi ko na ito.

"Hey miss! Mukhang loner ka yata ah? Mind if I join you?"

Sheesh. Antapang ng amoy na nanggagaling sa bibig niya. Siguro'y hindi ito nagtoothbrush ng isang buong taon?

Nagbingi-bingihan ako.

Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyare.

Hinawakan lang naman niya ako sa braso at hinigit papalipit sakanya. Kaya'y parang nagyayakapan kami.

Pilit kong kinakalas ang mga braso niya ngunit hindi kinaya ng lakas ko.

Lord, please sana tulungan niyo akong makaalis sa manyak na it--

Hindi pa natatapos ang aking pagdadasal nang lumipad sa ere ang katawan nito.

Masasama na dapat kaso sa kanya ngunit may humila sa akin at lumanding naman ang ako sa isang matipunong dibdib.

Kilala ko kung kanino galing ang amoy na 'to. Kabisadong-kabisado ko na dahil ito lang naman ang tanging amoy na nakabihag sa ilong este sa puso ko.

"Get your filthy hands off, asshole." Matikas na saad niya.

Ang lalaking kanina nama'y nangmanyak sa akin ay tumayo at mukhang mag-aangas pa ito.

"Dude, wag ka makealam ha! That's my fcking girlfriend. So you better back off!"

What? Sa pagkakatanda ko wala pa naman akong sinasagot na mukhang adik.

Kapal lang ni kuya!

Nagsumiksik ako at narinig ko naman ang pang-asar na tawa nito. "Are you shitting me? This so-called girlfriend of yours is my WIFE! You dumbass."

Mas nagulat naman ako sa sagot niya. What the hell? Wife?

Sana nga. I mentally chuckled.

Tumingin ako sa paligid, marami na ang nakikiusyoso sa amin. Nanunuod lang sila na parang may kalyeserye na nagaganap sa gitna ng bar.

Hindi 'Aldub' kundi Alda-- ang bida ay sina Alejandro at Miranda!

Natatawa na lang ako sa kagagahang naiisip ko. Hindi ko namalayang nahatak na pala ako papuntang parking lot.

Tinignan ko ang mukha ng taong kumaladkald sa akin.

It was dead serious. I think,

I'm really dead, this time.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now