Chapter 41

236 22 11
                                    

Keegan's POV

3 days na yung nakakalipas at mas lalo na ngayong lumalala yung issue samin ni Sadhie dahil sa ginawa niya nung gabing yun.

Yung sa amin naman ni Irish tuluyan nang nawala, dahil na nga dun sa amin ni Sadhie, at tsaka dahil nakielam na rin dun ang Bighit tsaka ang SM Entertainment and they confirmed na wala talagang namamagitan saming dalawa, ang kaso lang iba ang nilabas na statement ng Bighit, that I don't have any plan for now to be link with other girls and they confirmed also na wala na akong karelasyon ngayon, gusto ko mang tumutol pero di ako pinayagan ni Manager baka makasira lang daw yung sasabihin ko sa Bighit.

And like I said about the situation of Sadhie and I, mas lalo yung lumalala, kasi sa lahat ng variety show na pinupuntahan nila once na itanong kung sino yung gusto nila o anong ideal type nila, laging sinasabi ni Sadhie na ako daw, they even sent me a video message in broadcast, di ko siya maintindihan, alam niyang idol siya pero pilit niya pa ring sinasabi yung mga yun, di niya ba alam na maaaring magkaroon siya ng mga haters? Badtrip naman oh nadadamay ako dito eh.

Sa ngayon naman, nag-aayos kami ng dorm namin kasi papunta dito ang Exo dahil gusto daw akong kausapin ni Shiloh, balak niya daw sana yun nung holloween party pero di daw nila ako malapitan ng time na yun kasama niya sanang kakausap sakin si Matt, mabuti na lang at di nangyari yun, medyo takot din kasi ako kay Matt lalong lalo na kay Grayson hyung.

Alam ko namang tungkol sa pinsan niya yung pag-uusapan namin, matagal ko nang gustong kausapin siya o kung sino man sa mga pinsan niyang babae about kay Diem, nagkakataon lang na pare-parehas kaming busy at napapansin ko ring medyo ilag sila samin.

Damon hyung tumulong ka naman dito reklamo ni Rocco hyung kay Damon hyung na nakaupo lang habang prenteng prente na nanonood ng TV, tss kailan ba naglinis yan..

Kaya niyo na yan, dapat nga si Alien lang naglilinis diyan eh bisita naman niya yung dadating sagot sa kanya ni Damon hyung kaya napanguso agad ako at di ko na lang sila pinansin tsaka ko tinuloy na lang yung pagmamop dito sa sahig.

Nung sa tingin naming okay na yung dorm nag-kanya kanya na sila ng pasok sa kwarto nila dahil maliligo na daw sila kasi daw dadating daw yung mga kalahi nila ng pagiging gwapo, siyempre magpapahuli ba naman ako? Kaya pumasok na rin ako ng kwarto at tsaka ako naligo, di pa naman daw gagamit ng banyo si Rush kaya kahit magmatagal ako.

After 30 minutes..

Nagtext na si Shiloh na nasa lobby na daw sila ng Bighit, kaya nagready naman na kami, maya maya lang may nagdoorbell na kaya binuksan agad namin yung pinto at ang mga g*go nagkanya kanya agad ng pasok at feel at home talaga sila.

Magkaclose naman kasi talaga ang grupo naming dalawa, di ko lang maintindihan kung bakit pilit na pinagcocompare kaming dalawa ng mga fans namin, tsaka yung mga fanwar na nangyayari between our fans and Exo's fans medyo alarming na kaya pilit talaga naming pinapakita sa kanila na wala silang dapat pag-awayan.

Tinapik naman ako ni Shiloh sa balikat at nagsenyas na mamaya daw kami mag-usap.

Naki-upo naman siya sa mga kagroup niya at sa mga kagrupo ko na nagbabatukan na ngayon, ganyan kasi kami kung magbatian, pero nung napatingin ako kay Rhett napansin ko na ang sama ng tingin niya sakin, ano bang problema niya sakin?

Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanya at nakiupo na rin sa kanila puro batok naman yung natanggap ko pagkaupo ko.

Hoy mga gag* wala ba kayong pagkain dito? Biglang tanong ni Cody.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon