Chapter 18

184 14 0
                                    

Hadlee's POV

Pakiramdam ko blangko yung utak ko ngayon, di ko nga alam kung paano pa ako nakauwi eh, basta namalayan ko na lang tumigil na sa harap ng bahay namin yung taxi na sinakyan ko.

Di ko rin alam kung tama ba yung binayad ko, kahit kasi tinatawag na ako nung driver pagbaba ko di ko pa rin siya pinansin, kaya umalis na lang siya.

At pakiramdam ko sobrang sakit ng mata ko, parang tuyong-tuyo yun, gusto kong maglabas ng luha pero hindi ko kaya, kahit isang patak walang lumalabas, gusto kong umiyak pero di ko magawa.

Ms. Diem? Ay Miss bakit nandiyan ka pa po, pumasok na po kayo dito naririnig kong sabi ng isang guard namin, wala naman akong buhay na tumingin sa kanya, nagkukumahog naman siyang lumapit sakin at kinuha yung dala ko.

Okay ka lang po Ms. Diem? Pumasok na po tayo he said, tumango naman ako sa kanya, inalalayan naman niya agad ako papasok sa bahay.

Pagkapasok namin sa bahay, sinalubong agad kami ng ibang katulong, halata yung pagtataka sa mga mukha nila.

Dahil siguro sa itsura ko ngayon, wala kasi akong lakas na ayusin yung mukha ko kanina sa loob ng taxi, basta nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang inaalala yung nangyari kanina.

Hadlee? Teka! Anong nangyari sayong bata ka? Malakas na sabi ni Ate Isa, napatingin naman ako sa kanya at bakas sa mukha niya yung pag-aalala.

Lumapit agad siya sakin at hinawakan yung mukha ko.

Okay ka lang ba? Bakit ang dami mong sugat, tsaka yang buhok mo? Nakipag-away ka ba? Hadlee, sumagot ka nga, nag-aalala kami sayo dito oh, anong nangyari sayo? Tsaka namumutla ka na oh? Tara nga sa kwarto mo Ate Isa said, inalalayan niya agad ako paakyat sa kwarto ko, narinig ko pang inutusan niya yung ibang katulong.

Pagkapasok namin sa kwarto, pinaupo niya agad ako sa kama ko, at hinawakan ulit yung mukha ko.

Pasensya na Hadlee kung nasigawan kita kanina, ano ba kasing nangyari sayo? Sinong may gawa nito? Malumanay na sabi ni Ate Isa, tinitigan ko naman siya at dun ko na naramdaman yung pagbasa ng mata ko.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung labas ng luha ko, at hanggang sa napahagulhol na ako.

Mabilis naman niya akong niyakap at hinayaan lang akong umiyak, without questioning again of what happened to me.

5 minutes..
10 minutes..
15 minutes..
Hanggang sa umabot na yata ng 30 minutes na umiiyak lang ako habang yakap ako ni Ate Isa.

Pero kahit ganun na katagal, ang bigat pa rin ng dibdib ko, akala ko kapag umiyak na ako kahit papaano magiging okay ako pero hindi parang mas lalong tumindi yung nararamdaman ko.

Naramdaman ko naman yung pagvibrate nang phone ko sa bulsa ko kaya humiwalay muna ako kay Ate Isa at kinuha yun.

Mas lalo namang naglabasan yung luha ko nang mabasa ko yung pangalan ni Keegan dun, nanginginig kong binuksan yung text message niya at halos di ko na mabasa yun dahil sa panlalabo ng mata ko, pero pinilit ko pa rin yung sarili ko, because maybe this is last text that I will receive from him, that's why I want to cherish it.

From: Keegan

Hi Babe, Happy Monthsary, mahal na mahal kita, kahit ginawa mo yung kanina, wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sayo, Babe bawiin mo lang talaga yun kakalimutan kong may nangyari kanina, mahal na mahal kita eh, wag namang ganto oh.

At nga pala, naghanda ako ng surprise sayo, pumunta ka naman oh, dun lang yun sa paborito nating Resto, hihintayin kita, kahit anong oras ka dumating nandoon lang ako.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon