Chapter 31

222 19 4
                                    

Keegan's POV

Kakaiba na talaga ugali nung ex mo Keegan, di na talaga ako natutuwa sa kanya, kitang kita namang di sinadya ni Quinn yung nangyari sa kanya, sino bang gugustuhing makagawa nang ganung bagay? Pero sa ugali niya? Malamang baka magawa niya yung bagay na yun pagmamaktol ni Rocco hyung nang makaupo kami dito sa room pagkatapos naming ihatid si Quinn sa room niya.

And dito rin muna umupo si Rocco hyung sa tabi ko, naiinip na rin daw kasi siya dun sa unahan, hindi naman magawang magreklamo ng adviser namin sa kanya kasi tinakot niya itong mag-iingay daw siya sa klase kapag kinontra niya ito.

Di ko naman siya pinansin at inisip ko na lang si Diem tungkol dun sa nangyari kanina.

Kakaiba! Parang ngayon ko lang nakita yung ganoong reaksyon niya, oo kapag tinitignan niya kami parang lagi siyang galit pero yung kanina, I don't understand but it seems different, di ko naman sinasabi na pinepeke niya yung dating mga reaksyon niya na galit pero kasi iba yung kanina, parang naramdaman ko bigla yung galit o inis siguro na nararamdaman niya, yung totoong galit niya.

Kitang kita ko rin kung paanong mabilis na namuo yung luha niya nang matapunan siya ni Quinn nang mainit na tubig na gagamitin niya para sa coffee na binigay sa kanya nang isa sa mga kaibigan niya.

Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung nasaktan ba siya, gusto ko siyang dalhin agad sa clinic kasi mabilis na namula yung braso niya dahil sa nangyari.

Huy Keegan nakikinig ka ba? Tinatanong kita kung nakita mo bang tinulak niya talaga si Quinn kanina? Napatingin naman ako kay Rocco hyung dahil sa tinanong niya.

Naalala ko naman bigla kung paanong iniwas agad ni Diem yung kamay niya nang hahawakan sana yun ni Quinn.

Yes and the answer is no, walang tulakang nangyari, naout balance lang si Quinn dahil sa pag-iwas ni Diem kaya siya natumba sagot ko, napansin ko namang kakaiba yung tingin niya sakin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Di mo naman siguro pinagtatanggol yung babaeng yun eh noh? He said.

Wala akong pinagtatanggol hyung, wala rin namang may kasalanan kanina sagot ko na lang tsaka ko na iniwas yung tingin ko sa kanya, naririnig ko namang nagsasalita pa rin siya pero natigil din yun ng dumating na yung adviser namin, mabilis naman kaming tumayo at nagbow sa kanya.

I'm sorry class kung nalate ako, pinatawag pa kasi ako ng Dean dahil sa sitwasyon niyo bts, that's why we will talk in my office after our class she said, di naman na kami sumagot pa at tumango na lang.

Malamang dahil yun sa paalis-alis namin ng bansa dahil sa new album namin, kaya kailangan naming pumunta ng Korea at magperform sa mga music shows dun. Puro pre-recording nga lang yung nagagawa namin kasi kailangan naming bumalik agad dito, wala pa nga yatang lima yung mga naging live performance namin.

Nagsimula naman agad na maglecture yung adviser namin at as usual wala na naman kaming naiintindihan, si Damon hyung lang naman kasi yung may utak halos saming pito, kaya kapag pagdating ng exam, kung anu-anong naiisip namin na paraan kung paano kami makakakopya sa kanya.

After 1 hour natapos din yung lecture at nagbigay naman ng assignment yung adviser namin.

Kaya tumingin agad ako sa likuran ko kung saan nakaupo si Damon hyung at nginisian siya.

Hyung pakopya na lang ulit nang assignment ah sabi ko sa kanya, mabilis naman niya akong sinimangutan at binato ng papel na pinagsusulatan niya.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon