CHAPTER 24 - Chances

Magsimula sa umpisa
                                    

around you anymore to calms you down.” Napaayos ako ng tayo sa narinig kong sagot ni Jun. Battle? Hindi pa nga magaling si Miko eh. Yan na ba yung sinasabi ni Miko na mga taong gusto syang saktan?

“Shh. Kiyo, I need to go. Always remember what I told you Kiyo, be careful whom you trust. I love you more Kiyo, always remember that. I will always be here.” Dugtong pa ni Jun, umiiyak ba si Miko? Hindi ko napigilan ang sarili ko at sumilip ako sa loob ng kwarto. Nakita ko silang dalawa, malapit ang mukha sa isat isa. Pinapahid ng mga daliri ni Jun ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Miko.

“Sleep now my Kiyo. Rest. Aishiteru. Sayonara.” Nabato ako kinatatayuan ko. Nakita kong hinalikan ni Jun si Miko sa labi. Sana pala hindi nalang ako tumingin ulit para hindi ko na nakita.

Maya maya nakatulog na ulit si Miko at nakita ko si Jun na papalapit sa pwesto ko. Alam kong alam nya na nandito ako at pinapanuod sila. Nang makalapit na sya sakin, hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko.

“Lance” tawag nya sakin.

“Jun, iiwanan mo ba sya ulit?” Hindi ko alam kung bakit yun ang natanong ko sa kanya pero gusto kong malaman ang sagot nya. Ngumiti sya sa akin pero halatang malungkot sya.

“May mga bagay pa akong kailangang tapusin. Gustuhin ko mang manatili sa tabi nya, pero, alam kong mas makakabuti kung iwanan ko sya.”

“Anong ibig mong sabihin? Aalis ka ulit? Tsaka bakit ganyan ang itsura mo?”

“Lance, mas makakabuting wala kang nalalaman. Kailangan kong umalis ulit at sa palagay ko, malabo ng makabalik ako. Lance, ilihim mo sana sa lahat na nakita mo ko ngayon. May dahilan ako at hindi ko pwedeng sabihin kung ano man yun. Alagaan mo sana si Kiyo. Alam kong bukod sakin, ikaw lang ang nakakaintindi talaga sa kanya. Wag mong hayaang kainin ng galit ang puso nya.”

“Ano bang sinasabi mo Jun? Hindi ko kayang gawin ang mga nagagawa mo para sa kanya.”

“Kaya mo Lance. Sayo ko sya ipagkakatiwala dahil alam kong mamahalin mo sya higit sa pagmamahal ko sa kanya. Aalis na ko Lance. Nga pala, pilitin mo syang pagtiwalaan si Takihiro. Kailangan nyang gumaling kaagad sa kahit na anong paraan. Malapit ng magsimula ang laban nya.”

Nakaalis na at lahat si Jun pero ako, nandito pa din sa pwesto ko at nakatayo. Parang hindi kayang intindihin ng utak ko ang mga sinabi nya. Naguguluhan ako. Anong laban? At ano? Sa akin nya ipagkakatiwala si Miko?

Nang mapagtanto ko na nakatayo pa pala ako sa may doorway ng kwarto ni Miko ay minabuti ko ng pumasok.

Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Paano ko sasabihin sa kanya na wala na si Jun? nanatili lang ako sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman kong umaga na pala. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon