The victim's revenge

57 0 0
                                    

"Teka, saan po tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ni Mae. Nasa bahay siya ng bestfriend na si Jessica at sandali itong bumili ng tinapay at juice sa tindahan. Naiwan naman siya dahil sabi ni Jessica ay mainat daw sa labas at baka umitim pa siya, lahi pa naman nila ang mapuputi. Ngayon naman ay biglang lumabas ang ama nito na mukha pang lasing.


Sabi nito kanina ay may ipapakita lang daw ito sa kanya na magugustuhan niya. Bigla na lang siya nitong hinawakan ng mariin sa braso at hinila patungo sa isang kwarto. Kinakabahan na siya ng mga oras na iyon dahil sa kilalang lansenggo at delikado ang ama ni Jessica.

"Teka po sandali! Ayoko pong tingnan ang tinutukoy n'yo!" Mangiyak ngiyak niyang piglas. Pilit niyang kinakalas ang mga braso sa ama ni Jessica ngunit malakas ito.

"Sabi ko, may titingnan lang tayo! 'Wag ka ngang maarte!" Singhal nito na nagpanginig sa kanya. Nagsimula na siyang maiyak. Tumulo ang luha niya mula sa kanang mata.

"Tama na po! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Uuwi na po ako sa amin."

"Shh, shh. 'Wag kang maingay, sandali lang tayo ha? 'Wag kang matakot. Mabilis lang tayo tapos makakauwi ka na." Sabi nito ng nakangisi. Masama ang kutob niya. Alam niyang may binabalak ito pero wala siyang laban. Sigurado siyang hindi siya makakatakas.

"Uuwi na po ako please!" Muli niyang pagmamakaawa. Umiiyak na siya ngayon at puno na ng pangamba ang buong pagkatao niya. Hindi niya alam na ganoon pala ang tatay ng bestfriend. Hindi niya pa kasi ito nakikita dati pero ngayon, dapat hindi na siya gumala kahit mataas ang sikat ng araw.

Hinila siya nito at pilit naman siyang nagpapakabigat upang hindi maipasok sa kwarto. "ANO BA! PASOK SABI EH!" Nabigla siya sa sigaw nito. Natigilan siya. Nanginginig at natatakot. Mas lalong nagsilandasan ng marami ang kanyang mga luha.

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok ang kanyang bestfriend na may bitbit na supot ng tinapay. Biglang lumiwanag ang mukha niya pagkakita dito. Sa wakas may tutulong na sa kanya! "Jessica! Bestfriend tulungan mo 'ko!"

Pagkakita naman ng kaibigan sa kanya ay natigilan din ito at mukhang kinakabahan. "T-tay? K-kaibigan ko po.. 'y-yan." Utal nitong sabi.

Bakit naman ito uutalin? Takot ba ito sa ama? Doon na siya lalong kinabahan. Kung takot ito sa ama hindi siya nito matutulongan!

"Jessica! Tulungan mo 'ko! Gusto niya akong ipasok sa kwarto n'yo! Pinipilit niya ako pero ayoko, Jessica!" Pagmamakaawa niya sa kaibigan na mukhang tulala pa rin. Nakita niyang naglagay ng isang daliri ang ama nito sa bibig na nagsasabing 'wag maingay. Tumango naman ang kaibigan.

"H-hindi. Jessica! Bestfriend mo ako! Tulungan mo 'ko!" Naging hyterical na siya ng mga pagkakataong iyon. Alam na niya ang gagawin ng ama nito ngunit wala namang ginagawa ang kaibigan upang pigilan ito. Umiling ng bahagya ang kaibigan at sunod sunod na nagsituluan ang mga luha nito. Wala na siyang pag-asa.

Naramdaman niyang hinawakan ang magkabila niyang braso ng malalaki at malalakas na mga kamay. Sumigaw siya. Sumigaw ng sumigaw. "AYOKO! TULONG! TULONGAN N'YO 'KO! SAKLOLO!" sigaw niya, nagbabakasakaling may makarinig.

Kumakapit siya sa mga bagay na pwedeng kapitan upang mapigil ang pagpasok sa kanya sa kwarto pero mas nabigla siya nang lumapit si Jessica. Akala niya tutulungan siya nito pero hindi, tinulongan nito ang ama na ipasok siya sa kwarto. Narinig niya na lang ang kaibigan na sinabing sorry.

Heartbreaking One shot storiesWhere stories live. Discover now