"Kung hindi mo na kaya, eh 'di sumuko ka na." Pakikisabat ni Zac sa girl talk namin ni Ma'am Celeste dito sa school canteen. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit hilig niyang sumabay sa amin tuwing lunchbreak. "Huwag mo nang dalawin 'yong Philip at ang boyfriend mo na lang ang asikasuhin mo. Eh 'di tapos ang problema mo. Tama po ba ako Ma'am" Tanong pa niya kay Ma'am Celeste.

"Hindi lang tama, kundi sobrang tama." Tugon ni Ma'am sabay inom ng tubig.

"Pero hindi ko naman puwedeng basta na lang pabayaan si Philip. Ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente at nabulag. Nalulungkot daw siya mag-isa sa bahay kaya lagi ko siyang dinadalaw. Gusto ko lang iparamdam do'n sa tao na-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Zac.

"For a change, isipin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Ang hirap kasi sa'yo Jen, masyado kang mabait. 'Di ba may gusto sa'yo 'yong Philip? Paano kung na ginagamit niya lang ang pagkabulag niya para maawa ka sa kaniya? Or, puwede ring nagpapanggap lang siyang bulag at pinapaikot ka lang niya kasi alam niyang ikaw 'yong tipo na madaling mabudol." Dismayadong napailing si Zac.

"Grabe ka naman, hindi 'yon magagawa ni Philip." Sabi ko.

"Ang alin, ang nagpanggap na bulag? Depende 'yan kung gaano ka niya kamahal at kung gaano siya ka-desperadong makuha ka mula kay Dustin." Dagdag pa ni Zac na tila sigurado sa kaniyang sinasabi.

"Anyway Jen, ang pinakamaganda mong gawin ay makipagkita kay Dustin. Puntahan mo sa bahay o sa office. Then, makipag-ayos ka na at sabihin mong hindi mo na siya uli iti-take for granted para lang sa Philip na 'yon." Payo sa akin ni Ma'am Celeste na napag-desisyunan ko namang sundin.

After class ay nagmadali na akong lumabas para pumunta muna sa office ni Dustin. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko tuloy namalayan ang paparating na sasakyan na ilang sandali na lang ay sasalpukin na ako.

Hindi ko naman magawang tumakbo palayo dahil pakiramdam ko ay nakapako na ang mga paa ko sa lupa. Ganitong-ganito ang nangyari sa akin no'ng high school pa lang ako. Tulad noon, ang tanging nagawa ko na lang ay ngayon ay ang pumukit habang inaalala ang mukha ni Dustin na gustong-gusto ko nang makita.

"Ano ka ba?! Bulag ka ba?! Nakita mo na ngang may kotseng parating, ni hindi ka man lang umiwas! Paano kung nasagasaan ka na naman! Puwede ba, mag-ingat ka naman!" Boses iyon ng galit na galit na lalaki na biglang humila sa akin para hindi ako masagasaan no'ng itim na kotse na 'yon na mabilis na naglaho.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita ha?! Bakit hindi mo nirereplayan mga text ko. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi mo na 'ko sinusundo? Ha Dustin, bakit?!" Habang sinasabi ko ang mga 'yon ay panay ang hampas ko kay Dustin ng aking bag. Hindi alintanang nasa gitna kami ng kalsada at pinapanood ng mga tao. Ang mahalaga ay mailabas ko ang sama ng loob ko sa isang linggo niyang hindi pagpaparamdam.

Isang mahigpit na yakap naman ang itinugon ni Dustin dahilan upang bumuhos ang aking mga luha. Ang buong akala ko ay hindi ko na uli mararamdaman ang mga yakap niya. Ang akala ko ay tuluyan na niya akong tiniis.

---

Nandito na kami ni Dustin sa park at tumahan na rin ako. Una ay pinaulanan niya ako ng sermon tungkol sa nangyari kanina kung saan muntik na akong mabangga ng sasakyan. Mabuti na lang at nakita niya ako kaya agad niya akong nailigtas. Sabi niya, hindi na raw siya makapapayag na maulit ang nangyari sa akin noon. Kung noon daw ay wala siyang nagawa, ngayon daw ay titiyakin niyang hindi na raw ako mapapahamak kahit kailan. Pagkatapos ng sermon ay sinabi ko na kay Dustin ang naging desisyon ko.

"Alam kong nabaliwala kita dahil kay Philip and I'm very sorry. Simula ngayon, ikaw na ang laging uunahin ko at susundin ko ang lahat ng gusto mo. Kung ayaw mong dalawin ko si Philip, hindi ko na siya dadalawin. Basta huwag mo 'tong uulitin ha. 'Yong bigla ka na lang hindi magpaparamdam. Ang hirap kasi no'n eh, 'yong parang hindi ka na nag-eexist sa buhay ko." Iyon ang na-realize ko sa loob ng isang linggo na pag-deadma sa akin ni Dustin at ayoko na 'yong pagdaanan pa.

Kinurot ni Dustin ang pisngi ko sabay sabi ng, "Na-miss mo 'ko 'no?"

"Uhm..." Tumango-tango ako. "Kaya, ikaw na ang panalo."

"Hindi ah, ikaw kaya ang nanalo at hindi ako. Kasi ang sabi ko sa sarili ko ay hindi ako ang unang aamo sa'yo. Pero anong nangyari? Hindi rin ako nakatiis kaya pinuntahan kita kanina sa school para sasabihin sa'yo na okay lang na dalawin mo si Philip. Na naiintindihan ko na kung bakit mo 'yon ginagawa." Hinawakan naman niya ngayon ang kamay ko. "Mahal kita and I'm sorry kung hindi ako nagparamdam sa'yo. Promise, hindi na 'yon mauulit. Hindi ko na uli pahihirapan ang kalooban mo. I'm really sorry."

"So bati na tayo?" Tanong ko at tumango naman siya saka ako hinalikan sa labi.

Lumuwag na ang paghinga ko dahil sa wakas ay okay na kami uli ni Dustin. Mabuti na lang at napagtagumpayan uli namin ang pagsubok na dumating sa aming relasyon. Kailangan lang talaga ay ang magbigayan.

"Nga pala, totoo ba 'yong sinabi mo kaninang ako na lagi ang uunahin mo at susundin mo ang lahat ng gusto ko?" Tanong niya matapos akong halikan.

"Oo, totoo 'yon. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, mapasaya lang kita." Pangako ko sa kaniya.

"So hindi mo dadalawin si Philip ngayon? Sa'kin ka lang ngayon?" Aniya habang todo ngisi.

"Hindi lang ngayon, habang buhay, sa'yo ako." It might sound cheesy pero totoo 'yon.

"Kung gano'n, ngayon na lang tayo manood ng movie na last week ko pa gustong panoorin. Ikaw kasi, hindi mo 'ko sinipot last week. Ang tagal ko kayang naghintay sa sinehan."

"Anong hindi kita sinipot? Kailan?"

"Last week nga. No'ng nag-away tayo. Nag-text ako sa'yong puntahan mo ako sa sinehan after mo kina Philip pero hindi ka nagpunta." Kuwento niya na hindi ko ma-gets.

"Nag-text ka? Wala kaya akong na-receive na text mo."

"Anong wala, nag-text ako." Giit niya sabay pakita sa akin ng sinasabi niyang text message. Nagulat naman ako nang makitang may text nga siya sa akin no'ng araw na 'yon. Pero bakit wala akong natanggap na text? Habang busy sa pag-iisip ay biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello Philip... Sorry ah, hindi ako makakapunta ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Pasensya ka na. Bye." Sabi ko at agad tinapos ang tawag.

"Bakit hindi mo sinabi sa kaniyang lalabas tayo kaya hindi ka makakapunta?"

"'Yon ba ang gusto mong sabihin ko sa kaniya? Okay, tatawagan ko siya uli at-" Tatawag na sana ako pero pinigilan naman niya ako.

"Huwag na, mas mabuti ngang huwag mo nang sabihin. Tara alis na tayo." Pagkasabi no'n ni Dustin ay umalis na kami and I will make sure na makakabawi ako sa kaniya.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now