Noli Me Tangere

27.3K 88 8
                                    

SCENE 19

SETTINGS:ILOG

(Habang nagsasagwan si Elias papuntang San Gabriel ay nag-uusap sila ni Ibarra....)

Elias: Makinig kayo sa akin ng mabuti ginoo ito ang aking plano. Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko sa Mandaluyong,pagkatapos ay ihahatid ko sa inyo ang inyong mga salapi na naitago ko. Maaari ninyo iyong gamitin upang makapangibang bansa. (Paliwanag ni Elias habang patuloy pa rin sa pagsasagwan)

Ibarra: Mangingibang bansa?

Elias: Makakapamuhay kayo sa ibang bansa ng katamihik at walang gulo. Marami kayong salapi at isa pa sa Espanya ay marami rin kayong mga kaibigan maaari kayong matulungan ng inyong mga kaibigan upang malinis ang pangalan ninyo. Mas mabuti pa ang ibang lupain kaysa sa sarili nating bayan.

Ibarra: Elias.... Dalawang ulit mo ng niligtas ang aking buhay sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking angkan. Karapat-dapat lamang na isauli ko sa inyo ang yaman ninyo. Sumama ka sa akin sa ibang bansa at duon na manirahan maturingan tayong parang magkapatid. Pareho lamang tayo na sadyang sawimpalad sa sarilinating bayan.

Elias: Ipagpatawad ninyo ginoo ngunit hindi ako makakasama sa inyo. Hindi ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mawalan ng buhay.

Ibarra: Pero bakit mo ako pinapayuhan na mangibang bansa?

Elias: Sa ibang bansa ay hindi kayo makakadanas ng hirap. Maaari kayong magtagumpay duon. Kung daranasin ninyo ang hirap dito ay baka dumating ang panahon na kasuklaman ninyo ang inyong bayan.

Ibarra: Hindi totoo iyan! Kahit kelan ay hindi ko magagawa ang itakwil ang sarili kong bayan. Wala akong inisip kundi ang makakabuti para sa bayan.

Elias: Malamang yan ang sinasabi sapagkat hindi niyo pa nadaranas ang paghihirap dito. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang inyong bayan sapagkat iyon ang itinuro ng inyong ama sa inyo. Ngunit sa panahon na makaranas kayo ng gutom,paghihirap at pag-uusig ay baka kalimutan na ninyo ang inyong sariling bayan. Patawarin ninyo ako sa mga masasakit na salita na nasabi ko pero minumulat ko lamang kayo sa katotohanan. Minsan ay may lumapit sa inyo na isang kapus-palad ngunit hindi ninyo siya pinakinggan bagkus ay pinakinggan ninyo ang kanyang mga kaaway. At ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.

Ibarra: May katwiran ka. Aamin ko na ako'y nagkamali umayon lamang ako sa takbo ng mundo. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin, may kanser ang ating lipunan na kailangan nating gamutin at sugpuin. Ako na nagtatanggol sa sarili kong bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daang taon silang nagpasasa sa atin habang tayo ay naging sunod-sunuran lamang. Ngayon ay halos nawawalan na tayo ng pag-asa....Unti-unti na tayong nawawalan ng paniniwala sa Diyos. Wala ng natitira sa atin kundi ang ating lakas at karapatan.

(Patuloy pa rin sa pagsasagwan si Elias hanggang sa napadpad sila sa tapat ng palasyo ng kapitan-heneral. Napakita nila na nagkakagulo ang mga kawal.)

Elias: Mahiga kayo upang matakluban ko kayo ng mga damon, mukhang natuklasan na nila ang inyong pagtakas.

(Sinunod naman ito ni Ibarra, ng matagluban na ni Elias si Ibarra ay....)

Kawal: Sandali lamang.... Saan ka nagmula ginoo?

Elias: Galing po ako ng Maynila,nirarasyunan ko po ng ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila.

Kawal: Ganun ba? Sige maaari ka ng magpatuloy sa iyong paglalakbay. Huwag ka lamang magsasakay ng kahit na sino sa iyong Bangka sapagkat may isang bilanggo na nakatakas at ngayon ay pinaghahanap na.

Elias: Makakaasa po kayo,mauuna na ako ginoo.

(Muling nagsagwan si Elias at ng makalayo na sila ay sinabihan ni Elias si Ibarra na maaari na siyang bumangon kaya agad naman itong bumangon. Ilang oras pa ay may isang bangka na puno ng guwardiya ang nakasunod sa kanila...)

Elias: Crisostomo hinahabol na tayo ng mga guwardiya sibil.... Kayo na ang mamangka at tatalon ako. Ililigaw ko sila. Sige na ginoo.

(Tatalon na sana si Elias ng hawakan siya ni Ibarra sa kanyang balikat at...)

Ibarra: Huwag na kayong umalis,lumaban na lamang tayo.

Elias: Hindi tayo mananalo sa kanila sapagkat wala tayong sandata.Magkita na lamang tayo sa Noche Boena sa libingan ng inyong mga ninuno. Mauna na kayo ginoo paalam.

(At tumalon na nga siya sa ilog. Tiningnan pang muli ni Ibarra si Elias ngunit wala na siya nagawa kaya nagsagwan na lamang siya papalayo. Rinig na rinig ni Ibarra ang tunog ng mga bala ngunit hindi siya natinag at nagpatuloy na lamang sa pagsasagwan. Sa kabilang banda naman ay nakita ng mga guwardiya sibil na may bahid ng dugo sa ilog aya tumigil na sila sa pagpapaputok at nilisan na ang lugar)


Noli Me Tangere Script {Tagalog}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora