Noli Me Tangere

42.3K 115 8
                                    

SCENE 4

SETTINGS: SEMENTERYO

(May dalawang tagapaglibing na abalang-abala sa paghuhukay. Ang isa sa kanila ay pursigido sa ginagawa ang isa naman ay hindi na maipinta ang itsura dahil naaasiwaan na ito sa hinuhukay...)

Tagapalibing1: Pwede bang sa ibang lugar na lang tayo maghukay? Bagong-bago pa itong hinuhukay natin eh.

Tagapalibing2: Anukaba! Ganyan din sa iba.

Tagapalibing1: Pero sariwang-sariwa pa itong hinuhukay natin. Yung mga buto ay nadugo pa. At ang buhok....Wooohhhhh (mangingilig) hindi ko na kaya. Hindi ako makakatagal nasusuka ako.

Tagapalibing2: Napakaselan mo naman! Paano na lamang kung inutusan ka na humukay ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang naililibing? Nang mga oras na iyon ay malakas pa ang ulan kaya nabasa kami ng bangkay na nasa kabaong. At ang malala pa ay namatay ang dala kong ilaw!

Tagapalibing1: Nakakakilabot naman ang iyong sinasabi.

Tagapalibing2: Hindi lang iyon. Natanggal sa pagkakapako ang kabaong at lumantad ang kalahati ng katawan ng bangkay at napakabaho ng amoy nito.

Tagapalibing1: Naku po! Bakit mo naman kasi hinukay ang bangkay? Atsaka sino ang nag-utos sa iyo na gawin yun?

Tagapalibing2: Makatanong naman ito,WAGAS! Parang ikaw lang yung Kastila na nagatnong sa akin ng palihim. At gaya ng sagot ko sa kanya ay kaya ko hinukay ang bangkay na iyo dahil inutos ito ng kurang malaki.

Tagapalibing1: Ganun? Eh pagkatapos nun? Anong ginawa mo sa bangkay?

Tagapalibing2: Inilibing ko ito sa libingan ng mga Intsik gaya ng sabi ng kurang malaki. Ngunit hindi ko ito nagawa dahil sa kabigatan ng bangkay at dahil na rin sa malakas ang ulan ng mga panahong iyon. Hay naku! Wag ka na nga ulit magtanong maghukay na lamang tayo.

(Tahimik na naghukay ng muli ang dalawa)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora