Noli Me Tangere

34.2K 121 6
                                    

SCENE 17

SETTINGS:LANSANGAN

(Namamasyal ang magasawang sina Don Tiburcio at Donya Victorina,kitang-kita sa itsura ni Donya Victorina ang pagkadiri sa bawat tao na makakasalubong nila. Hanggang sa nagkasalubong sila ni Donya Consolacion.)

Donya Victorina: Pwe! Nakakasuka talaga ang mga tao dito. Amoy....Amoy mahirap!

Donya Consolacion: Ako ba ang pinasasaringan mo?

Donya Victorina: Paano mo naman nasabi na para sa iyo ang mga binitawan kong mga salita? Ah hahaha alam ko na kasi naman isang hamak na labandera ka lang dati hahahaha.

Donya Consolacion: O sige? pero kumusta naman kaya yang kulot mong buhok.

Donya Victorina: Aba't hinahamon mo talaga ako ha!

Don Tiburcio: Tama nay an,ang mabuti pa ay umuwi na tayo.

Donya Victorina: Hindi! Kailangan matuto ang babaeng ito kung saan siya lulugar. Ikaw! (Ituturo si Donya Consolacion) Hindi mo ba ako nakikilala? Hindi mo baa lam na ako'y taga Maynila? Hindi nakakapasok sa loob ng aking tahanan ang alperes dahil hanggang pintuan lamang sila!

Donya Consolacion: Ah talaga? Hanggang pintuan lamang sila? Pero pwedeng pumasok ang mga pilay katulad ng asawa mo! Hahahaha

Donya Victorina: Talagang!
(At nagsabunutan na nga sila. Inaawat sila ni Don Tiburcio ngunit away nilang tumigil. Hanggang sa dumating ang Alperes at ang kura kaya naawat na rin agad ang dalawa.)

Padre Sibyla: Tama na! Alam niyo bang napakalaking eskandalo ang ginawa ninyo?

Alperes: Pakiusap,huwag niyo na kaming pakialaman (Tugon nito sa kura. At humarap kay Don Tiburcio)...Ang mabuti pa ay iuwi niyo na ang asawa ninyo Don Tiburcio, pasensya na sa nangyari.

Don Tiburcio: Pasensya na rin sa nangyari. Sige mauuna na kami.

(Habang naglalakad ay panay ang pagsasalita ni Donya Victorina hanggang sa nadaanan nila ang tahanan nina Kapitan Tiago at nakita nila si Linares na nakikipagusap kay Maria kasama ang mga kaibigan nito. Mapapangiti naman si Donya Victorina.)

Donya Victorina: Linares! (pagtawag niya sa pinsan, napatingin naman sa kanya si Linares at sinenyasan niya si Maria ng sandal lamang)

Linares: Anong maipaglilingkod ko sa inyo?

Donya Victorina: Gusto kong hamunin mo ng dwelo ang Alperes ngayon din.

Linares: Ha? Pero bakit?

Donya Victorina: Gawin mo kundi ay ipagkakalat ko sa buong San Diego ang tunay mong pagkatao.

Linares: S-sige gagawin ko.

(Mabilis na umalis si Linares sa lugar na iyon. Samantala ay kararating lamang ni Kapitan Tiago galing sa sabungan,sinalubong agad siya ng donya at sinabing...)

Donya Victorina: Kailangang hamunin ni Linares ang Alperes sa isang dwelo kundi ay huwag ninyong ipakakasal sa kanya si Maria Clara. Hindi nararapat na mapangasawa ng anak ninyo ang isang lalaking duwag. Yun lamang Kapitan,hanggang sa muli

(Matapos iyong sabihin ni Donya Victorina ay ngumiti siya ng nakakaloko at umalis na rin agad kasama ang asawa niya. Habang si Kapitan Tiago naman ay wala na ring nagawa kundi ang pumasok sa kanilang tahanan.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora