Chapter Seventeen

15.5K 385 11
                                    

Lia's POV

Kathryn texted me, saying to meet them by the poolside.Kaya dumiretyo na kami dun.Pagdating namin kami na lang pala ang hinihintay.Pero paglapit namin sa kanila napansin ko agad na hindi magkadikit yung magbestfriend at hindi din nag-aaway yung aso't pusa. Mukhang may nangyari.


"Saan na tayo?."Tanong ni Liza

"Balik na tayo sa klase."Yaya ko at nagsitanguan naman sila.Tahimik kaming naglakad papunta sa beach dahil may kanya-kanya naman silang usapan at hindi nga nagkikibuan yung apat.


Nagkatinginan na lang kami nila Kath.

Buong araw na nasa beach kami hindi nagpansinan yung apat...well nagpansinan naman si James at Nadine pero para mas mag-away lang.Hindi na kasi asaran away na talaga.


Ganto kasi yung nangyari...


========================================

Kumakain kami kasama yung mga kaklase namin.Ang katabi ni Nadine eh si Joseph Marco at katapat lang nila si James.

Lagay ng lagay si Joseph Marco ng pagkain sa plato ni Nadz si Nadine naman natatawa pero pinipigilan niya na din naman.


Mukhang naiirita na si James kaya binagsak niya yung kutsara niya at lahat napatingin sa kanya.


"Pare,wag mo ng bigyan ng pagkain yan lalo lang tumataba.Tignan mo mukha ng baboy."Natatawa niyang sabi


Mukhang nasaktan si Nadz sa sinabi niya at napatayo at dinuro si James.


"Ikaw,sumosobra ka na ah!Ano bang pakealam mo kung kumain ako ng kumain dito?!Hindi naman ikaw yug tataba eh.Makalait ka!!."Sigaw niya atsaka lumabas ng restaurant.Sumunod naman si Joseph Marco


Hindi naman nagtagal bumalik na sila at mukhang napakalma niya na naman si Nadz.Alam naming nagseselos lang si James pero sumobra na ata yung pang-aasar niya kay Nadine.



===============================

Nung kami-kami na lang yung nasa hotel room dahil pinaalis na namin yung boys..tsaka namin sila tinadtad ng tanong.Inuna namin si Janella.


Anong nangyari?

Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Marlo?

Nag-away kayo?

Bakit?


Sabay,sabay naming tanong sa kanya.Natawa lang siya sa amin kaya sinamaan namin siya ng tingin.


"Diba nga hinila niya ako,nagalit siya dahil sa suot ko eh nainis ako kaya sinabi ko ano ko ba siya at bestfriend lang naman siya.After that iniwan niya na ako kaya hindi na ako nakapag-sorry kahit wala akong kasalanan."Kwento niya at dahil dun binatukan nga namin.

"Ang tanga mo talaga,Hindi ba halata na may gusto sayo si Marlo?!."Sabi ni Kath 


"Sus si Marlo..Bestfriend lang ang tingin nun sa akin no.."Tawa niya

"Eh ikaw ba,may nararamdaman ka ba para sa kanya?."Tanong ni Nadine


Natahimik naman siya at....dahan-dahang tumango.Kaya ayung nagtilian na naman kami.


"Then you need to say sorry,I have an idea how!."Sabi ni Liza


Nakatinginan kami...This will be fun.



Kathryn's POV

Sobrang excited ko sa plano.Sigurado ako gagana to.Napatingin naman ako kay Nadine.


"Eh,ikaw anong nangyari sa inyo at parang sumobra ata ang pag-aaway niyo?."Tanong ko


Kaya napatingin na din sila Julia sa kanya..Napabuntong-hininga na lang siya.


"Kasi nainis ako dahil hinila niya ako kaya nasigawan ko siya.Nairita ata at sinigawan ako pabalik at sinasabi na ang lakas daw ng loob kong magsuot ng ganto eh ang taba ko naman daw.Alam niyo naman na ayaw ko ng nilalait ako kaya nagalit ako at iniwan siya dun.Tapos kanina hindi pa ako tinigilan at inulit pa sa harap pa talaga ng mga kaklase natin."Paliwanag niya


Natahimik kaming lahat sa kwinento niya.


"You need to show him na galit ka talaga.Wag mo siyang pansinin ipakita mo na hindi mo nagustuhan yung nasabi niya. "Julia

"At wag na wag mo din ipapakita na nasaktan ka dahil gagamitin niya yun bilang kahinaan mo.Hayaan mo siya na magsisi at magsorry sayo."Sabi ko


Natahimik kami after that....pero maya-maya din nagkayayaan na kaming matulog kaya lumabas na kami ni Nadine para pumunta na sa kwarto namin.

Bago kami matulog...tinanong ko siya.


"May nararamdaman ka ba kay James kaya ka nasaktan sa sinabi niya?."


Hindi siya agad nakasagot kaya ang akala ko nakatulog na siya.


"Hindi ko alam...ang alam ko lang naiinis ako kapag may kasama siyang babae at kapag nilalait niya ako nasasaktan ako.Kaya siguro nga, siguro may nararamdaman na ako para sa kanya."


Napangiti ako sa sagot niya....sana magkausap na sila ni James.



====================================

A/N:Here's the update.Ngayon alam na natin ang side ng girls eh ang side kaya ng boys?

Mukhang may namumuo ng love pero maibalik kaya ng boys yun?


Wait for the next chapter to find out!

Vote&Comment pls..Who wants dediction?Just message me :)


Thank you!!




Campus Nerds To Campus Bad PrincessesWhere stories live. Discover now