Kabanata 28 - Si Winona at Ako

Start from the beginning
                                    

Nang ilapag sa harap ko ang pagkain, bigla akong natakam dahil mukha nga itong masarap pero nang maamoy ko na ay parang ayaw ko nang kainin. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa ilong. Iyong kanin at itlog lang siguro sa gitna ang makakain ko rito.

"Ang arte mo naman, masarap kaya ito," sabi niya at hinalo iyon. "Sige na. Kumain ka na! Masamang mag-inarte sa harap ng pagkain."

"Bakit kasi dito mo pa nagustuhan kumain eh?"

"Ito nga ang sadya ko rito."


"Ano ba'ng nagustuhan mo sa pagkain na 'to?" tanong ko at inumpisahan na ring paghalu-haluin ang lahat. "Mas masarap pa yata rito 'yong pagkain sa Jollibee eh. Hindi ba sasakit tiyan ko rito? Ano'ng mga gulay ba 'to?"

"Bakla ka ba? Ang dami mong satsat. Kumain ka na lang."

Natahimik ako. Bakla raw. Baka kapag hinalikan ko siya sabihin niya tiyamba. Sinimangutan ko siya at saka tahimik na lamang na kumain. At oo, aaminin ko, masarap nga. Sa una lang pala hindi dahil nakakapanibago ang amoy pero na-enjoy ko naman ang lasa at tila ba na-immune na rin ang ilong ko sa amoy. At kahit na pinagpawisan ako sa sobrang anghang dahil sa dami ng hot sauce na nilagay ni Winona ay naubos ko naman ito.

"Masarap, hindi ba?" nakangiti niyang sabi.

Tumango ako. Tiningnan ko ang mukha niya, sinuri kung may bakas pa ng pagkain na naiwan dito pero wala akong nakita kahit na isang butil na kanin. Akala ko pa nama'y magkakaroon ako ng dahilan upang hawakan ang mukha niya.

Tumuro siya sa may baba niya. Pinunasan ko ang baba ko at sinadya na sa maling parte ito.

"Sa kabila."

"Ha?" tanong ko at pinunasan ulit ang parehong parte na napunasan ko na.

Umirap siya at dinampot ang tissue sa mesa. Akala ko'y pupunasan na niya pero idinuldol lamang niya iyon sa baba ko. "Dito po oh!"

"Wow! Ang sweet mo, ha?" sarkastikong sabi ko at natawa pa siya.

Pero ang pinakanagustuhan ko ay nang hawakan niya ang kamay ko at ang pagngiti niya na sinundan ng malambing niyang, "Sorry!"

Para akong kandilang natunaw sa kilig at hindi ko naiwasan ang mapangiti.

***

TUMAYO na kami at naglakad-lakad. Pumasok kami sa National Bookstore at wala siyang ibang ginawa kundi ang magpaikot-ikot sa mga bookshelves doon. May nakita siyang libro ni Mitch Albom. Binuklat niya iyon at binasa ang ilang parte. Maya-maya'y tiningnan niya ang presyo ng libro at napasimangot.

"Gusto mo?" tanong ko.

"Oo, kaso ang mahal. Next time na lang."

"Pero gusto mo?"

Tumango siya.

Kinuha ko ang libro. "Eh 'di bilhin natin."

Binawi niya iyon sa kamay ko at ibinalik sa shelf. "Hindi na. Hindi naman mahalaga 'yan eh."

"Sigurado ka?"

Tumango siya.

"Huling tanong, sigurado ka?"

"Oo nga! Ang kulit mo!" nakangiting sabi niya at hinampas ako sa braso.

"Kinikilig ka na naman. Iyan ka na naman sa paghampas mo eh."

"Baliw!" natatawang sabi niya. Tumalikod na siya at naglakad. Pagtalikod niya'y muli kong dinampot ang libro at tumaliwas ng daan. Binayaran ko iyon sa cashier at pagkatapos ay muli ko siyang hinanap. Nakita ko siyang tumitingin sa mga art materials. Itinago ko ang librong binili sa likod at dahan-dahang lumapit sa kanya. Ginulat ko siya pero hindi siya nagulat.


"Gago, nakita na kita," seryosong sabi niya.

"Grabe. Gago lang tawag mo sa'kin?"

"Hala! Sabi ko gwapo," sabi niya at nakangiting tumingin sa akin.

"May bibilhin ka pa ba?" tanong ko.

"Gusto ko sanang bumili ng sketch pad. Ubos na sketch pad ko kaso ang mahal. Lahat na lang mahal."

"Parang ikaw, mahal... ko."

Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Baliw!"

"Pero kinilig ka?"

"Dream on!" tugon niya at tumalikod na. Pagtalikod niya'y napatingin ako sa mga sketchpad. Puwede pa bang ibalik 'tong libro?

***

INABOT ko kay Winona ang libro paglabas namin ng Bookstore. Nakangiti pa ako ng iabot ito. Tinanong niya kung ano iyon at ang sabi ko'y buksan niya. Nang makita niyang iyong libro ang laman ay ipinalo niya iyon sa balikat ko. "Hindi ko naman sinabing bilhin mo ito, ah? Baliw ka talaga!"

"Aray naman!" daing ko at hinimas ang balikat. "Hindi ba puwedeng magpasalamat na lang? Hindi iyong nanakit ka pa!"

Tiningnan niya ako nang masama. Grabe talaga itong babaeng ito. Siya lang ata ang babaeng nagagalit kapag nireregaluhan.

"Uy, Roj!" tawag ng isang lalaki. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig habang iniisip kung nakita ba nito ang mga pangyayari. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang kakilala.

"Uy, Pat!" nakangiting tugon ko. Si Patrick, common friend namin ni Claire. Sinalubong ko ito at kinamayan. "Kumusta?"

"Ayos lang. Congrats nga pala, p're!"

"Congrats saan?"

"Ikaw, ha! Naunahan mo pa 'ko. Kailan ba--" natigilan siya at napatingin sa likuran ko kung saan naroon si Winona. "May kasama ka pala?"

"Ahh oo," sagot ko at inakbayan si Winona. "Si Winona, girlfriend ko nga pala."

Siniko ako ni Winona sa tiyan subalit hindi ko ininda ang sakit at nakangiti pa ring hinarap si Patrick. Kinamayan nito si Winona matapos kong ipakilala.

"Nice meeting you, Winona!" nakangiting sabi nito at ibinaling muli ang tingin sa akin. "So paano ba  iyan, p're? Maiwan ko na kayo, ha? Magkikita kasi kami ni Abby ngayon."

"Oh talaga? Tara! Gusto ko ring makilala ni Abby itong si Winona. Tiyak magkakasundo sila."

"Hindi na, p're! Wala pa naman siya eh. Maghihintay pa ako. Baka mainip kayo sa paghihintay, nakakahiya naman kay Miss Winona," saad niya at saka kumaway. Hindi na niya hinintay ang isasagot namin at nagmamadali nang umalis.

"Ano'ng problema ng kaibigan mo?" tanong ni Winona.

"Natakot ata sa'yo? Mukha ka kasing mason!" natatawang sabi ko.

The PolicewomanWhere stories live. Discover now